"Boss handa na po ang lahat para sa plano niyo."

"Bravo! Siguraduhin niyo lang na sila ang mapupugutan ng ulo, hindi kayo! But on the second thought, even if you managed to save your lives despite of losing, baka ako pa mismo ang tatarak ng kutsilyo sa mga ulo niyo hanggang sa magkawaltak-waltak yang bungo niyo. Understood?"

Nakita ko ang mga pawis na tumutulo sa noo ng aking alagad. Even his knees were trembling, probably because of ... fear? Huh, dapat lang! And what I've witnessed now gives me too much happiness.

"O-Opo B-Boss."sabi niya habang nanginginig. A coward.

Be prepared, Steve. I'll make you beg for your own death.

SAMANTHA

Maaga akong nagising dahil pupunta kami ni James sa mall para mamasyal. Nag shower lang ako nang mabilis dahil maya-maya lang nandito na siya para sunduin ako . I only wear my black rip jeans and my black crop top. Kinuha ko din ang black jacket ko para ma secure ko ang mga secret weapons ko. Hindi naman malalaman ng mga tao na dala ko ang mga weapons ko dahil pag-mamay ari ng family ko ang mall na pupuntahan namin.

Lumabas na ako ng room ko at tama lang dahil naghihintay na si James sa akin. Napakasaya ko dahil palagi kong kasama si James dahil para ko na siyang kuya , palagi siyang nandiyan para iligtas ako at alagaan.

James Alexander Naves. Siya ang nag-iisang anak ng kaibigan ni Dad na si Tito Anton . Si Tito Anton ang kanang kamay ni Dad at ang naghahandle ng business namin sa Japan. Kaya napakaimportante ni James sa akin dahil siya palagi ang nagliligtas sa akin kapag nasa kapahamakan ako.

"Good Morning Princess."

"Good morning din James."

"Are you ready to go?" tanong niya sa akin.

"Yup, kanina pa. Hintayin mo nalang ako sa labas. Magpapaalam lang ako kay Dad." sabi ko sa kanya.

"Okay, hintayin na lang kita sa labas," sabi niya at agad na lumabas.

Pumunta naman ako sa office ni Dad dito sa bahay.

"Come in," sabi ni dad kaya pumasok na ako.

"Good Morning Dad!"

"Good Morning din Princess, bakit ka pala nandito?"

"Dad, gusto ko lang pong magpaalam sa inyo dahil pupunta po kami ni James sa mall."

"Ah ganoon ba, anak? Okay. You can go but be sure to be safe ha," paalala ni Dad sa akin.

"Thanks, Dad. Bye" Hinalikan ko si Dad sa pisngi at lumabas na para puntahan si James sa labas.

"Princess, aalis na tayo?"tanong niya sa akin.

"Yes! Let's go. I'm so excited!" Pagkasabi ko nun ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto at pumunta na siya sa drivers seat.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang sabihin ni James sa akin na masaya siya dahil nakilala niya ako. Para na daw niya akong nakababatang kapatid. Sinabihan din niya ako na mahal na mahal niya ako. Sa sobrang pag-usap namin, hindi na namin namalayan na nakarating na pala kami sa mall.

"Princess, thank you very much."

"Bakit ka ba nagpapasalamat sa akin?"nagtatakang tanong ko sa kaniya, pero he just gave me a genuine smile.

Agad kaming pinagbuksan ng mga staff ng mall.

Pagkapasok namin sa mall, agad naming pinuntahan ang designer ko na si Andrew Morgan. I usually call him Andrea.

MAFIA HEIRESS IN DISGUISE (COMPLETED)Where stories live. Discover now