Chapter 2

22.9K 659 14
                                    




         Tumitig siya rito at naluluha. Napaka-supportive kasi nito. Siguro kung wala ito ay hindi niya kayang supportahan ang kapatid at mga anak nito.

         "Oh anong drama iyan aber?" Wika nang makitang naluluha siya.

        "Masaya lang ako bakz. Ang swerte ko talaga sa'yo?" Sabay yakap pa rito.

         "Hala siya. Nag-drama talaga. Nora Aunor lang ang peg?"

        "Hindi ah! Vilmanians kaya ito. Bakit, inisip mo ba ang lahat ng perang pinapadala ko ay galing sa dugo't pawis ko!" Arte niya sa linya nito sa pelikulang anak.

          "Taray! Ano 'to te, talent furtune." Anito na kinatawa niya.

           "Talent portion bakz!"

            "Ready?" Malakas na sigaw ng coordinator kaya mabilis itong tumalima.

            Mabilis nitong pinakuan ng maliit na pako at pinasuot sa kanya. "Oh di ba? Bongga—isang rampa nga diyan," malakas na wika nito na umagaw sa atensiyon ng iba.

          "Shhhh! Ano ka ba nakakahiya," awat rito.

         "Anong nakakahiya. Ang ganda mo kaya 'day kaya huwag kang mahiya. Kung ako lang ang may-ari ng mukha at katawang iyan," anito sabay tingin sa kanya.

          "Baka kahit sa kalye. Swimsuit ang suot ko," anang pa nito.

           "Grabe naman noon bakz."

          "Totoo iyon, ang mga ganyang fez ang nirarampa hindi katulad noong number 5. Mas maganda pa ako doon." Nguso nito at usyuserang sinundan ng tingin at napatawa siya.

           "Ikaw talaga!"

           Bago man kasi sabayang namatay ang magulang sa aksidente ay hindi naman sila ganoon kahikamos sa buhay. Di sila ganoong kayaman pero nabibili naman nila lahat ang gusto nilang magkapatid. Nang maaksidente ang magulang at sunod na nagkasakit ang kapatid ay halos maubos ang naipundar ang mga ito.

             "Hoy! Ano iyan, Lorna Tolentino o Vilma Santos. Huwag ka nang magdrama, hindi audition ng PGT gaga. Dali na at tinatawag na kayo," awat ni Chona sa nagbabadyang pagluha.

           "Bakz Vilmanians nga di ba?"

            Mabilis na pinahid ang luha saka inayos ang suot na formal wear.

           "Buti naman at plinantsa mo iyan. Ang tagal nang nakatago sa baul ni lola iyan," natatawang wika ni Chona.

           "Oo nga bakz, buti nalabhan ko. Amoy amag na eh!" Pagpapatol rito saka sila nagtawanan at nakitang napapalingon ang ilan sa kanila.

          Napangiti siya sa sinabi nito. Mukha nga siyang dignified sa suot niya. She's an image of a classic beauty back 70's.

         Palalim na ng gabi ngunit wala pa ring makita si Lance na kakaiba sa buong paligid. Matapos mai-scan sa iphone ang lahat ng cameras na nakainstall sa paligid.

          Mula sa kinauupuan ay tanaw ang mga kasamahang naka-civilian para hindi maalerto ang kanilang huhuliin.

         Sa di kalayuan ay naroroon pa rin si Bruce na ngayon ay nakatawa habang kaharutan na ang babaeng kanina ay katabi nito. Napabaling-baling na lang siya ng ulo nang muling umaalinlang ang isang tugtog at isa-isang lumabas ang kandidata.

          Sumandal siya habang natutuwang nanunood sa mga rumarampang dilag. Ngunit mas excited siyang masilayan ang babaeng kanina ay nakatulala sa kanya. Napangiti siya nang makita ito. Iba ang babae. Kakaiba ito sa lahat ng magagandang babaeng naroroon at sa mga nakilala niya. Dahil ang babaeng ito ay tila may mumunting damdaming pinupukaw ito sa kanya.

Montecalvo Sibling: The NBI Agent(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon