Napaisip ako sa sinabi ni Katie. May punto kasi sya. Hindi niya yun gagawin kung hindi siya nagselos pero si Antonio ang pinag-uusapan dito. Bakit naman siya magseselos?

"Tingin mo, may feelings siya sayo?"

Bigla akong nasamid sa sarili kong laway sa sinabi ni Katie. 

Si Antonio?! May feelings sa akin?! Kaya siya nagselos kay Josh kasi may feelings siya sa akin?!

"Ano ba Kat!"bulyaw ko sa kanya."Yun? Magkakagusto sa akin? Imposible! Diba nga hindi pa siya nakakamove on kay Crystal?"

"Hmm...yun ang hindi ko maintindihan eh."sabay subo sa tinapay at nag-isip ng malalim.

"Kat, mapride lang talaga ang lalakeng yun. Hindi niya lang siguro aakalain na magkakalapit kami ni Josh. Siguro nagselos siya kasi..kasi..."

"Kasi?"

"Kasi hindi niya inaakala na matatalo siya ni Josh...parang ganun."

"Kung sabagay ang taas ng pride ng mga lalake pero hindi ko talaga siya maintindihan.."kunot noong pagsang-ayon niya.

"Hayaan mo na nga siya, Kat. Kumain kana lang, ok?"

"Pupusta ako. May gusto o magkakagusto si Frost sayo."sabay taas ng baso ng juice niya sa ere bago ito ininom

I just rolled my eyes at her at kumain ng tinapay.

Kahit ako, hindi ko siya maintindihan pero ang labo kung totoo ang sinasabi ni Katie.

Masyadong malabo, diba?

***

[Frost]

"Hindi ko rin alam."yan agad ang sagot ko sa mga tanong nila.

Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ba sinabi ang mga yun? Simula ng sabihin ni Sheira na magkakilala sila Crystal at Luna nagkakaganito na ako. Ang hindi ko lang maintindhan kung magkakilala sila, bakit sabi ni Luna wala siyang kilalang Crystal?

"Nagseselos ka lang 'tol."dahilan ni Seb.

"Oo nga! Yun lang ang valid reason kung bakit ganun ka kanina. Diba, Josh?"--Jan.

"Sa tingin ko, nagseselos ka talaga."sang-ayon ni Josh."At kilala niyo naman ako friendly ako sa mga babae kaya bakit ngayon ka lang nagseselos?"ngiti ni Josh.

"Pero kung nagseselos siya bakit sinama pa niya ang pangalan ni Crystal?"--sabat ni Flinn.

Pagkasabi ni Flinn nun, may naalala ako."Teka nga. Ikaw ba Josh ang nagkwento kay Luna tungkol sa amin ni Crystal?"seryosong tanong ko.

"Woah."sabay taas ng kamay niya."I told her nagkaroon ka ng 3 year girlfriend, pero wala akong binanggit na pangalan."

Tumahimik na lang ako at nilaro ang bolang nasa kamay ko. Kung ganun, ako ang unang nakasambit ng pangalan ni Crystal sa kanya? O may sinabi rin si Sheira sa kanya? Pero papaano niya nalaman na si Crystal ang ex ko? Wala naman akong sinabi kanina.

Hmmm..speaking of Crystal

Kamusta na kaya siya? After niyang mawala ng parang bula, hindi na kami nagkausap ulit. Ang huling balita ko sa kanya ay nung nalaman kong succesful ang operation sa mata niya.

Kung hindi siguro naaksidente si Crystal, hindi niya ako iiwan. Miss ko na siya.

Pero bakit parang may mali na?

Biglang may lumitaw na mukha sa isipan ko.

Si pancake.

Bumalik ako sa relidad nang may umakbay sa akin. Si Josh.

"Tol, alam kong dalawang babae ang gumugulo sa isipan mo ngayon."ngiting sabi niya.

Umalis ako sa pagkakaakbay niya at nagshoot sa ring."Ano bang pinag sasabi mo? Isa lang kaya ang nasa isip ko, si Crystal."

"Hmmm...ikaw nagsabi."kinuha niya ang bola at drinible ito."Pero aminin mo, magulo ang utak mo ngayon, diba?"sabay shoot ng bola.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at sinalo ang bola sabay drible nito.

"Alam kong alam mo kung bakit magulo ang utak mo at hindi yun dahil kay Crystal."

Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Ano ba---"

Bago ko pa matanong ang sarili ko. Isang pangalan at mukha ang sumulpot sa utak ko.

Luna.

"Hmm..payong kaibigan lang. Sort your feelings, 'Tol."sabay tapon ng bola sa akin at salo ko nito. Kunot noo kong tinignan ang bolang hawak ko.

What feelings?

---To be continue...

A/N: Bagal ng update ko >___< Sorry...nagkasakit eh :/

by: mayi :3

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now