"Sinong Crystal, Seb?"--Katie
"Gusto mo malaman kung sino si Crystal, Kat?"nakatingin siya ng sobrang seryoso sa akin and I thought I saw pain in her eyes."Siya lang naman ang babaeng iniwan siya sa ere ng walang dahilan."
"Luna.."--Josh.
Nagkuyom ang mga palad ko sa sinabi niya. Alam niya? Tinignan ko ng seryoso si Josh. Siya nag nagkwento? O talagang magkakilala sila tulad ng sinabi ni Sheira sa akin nung isang araw sa mall?
"Wag kang mag-alala."tinignan ko siya habang seryosong nakatingin sa akin."Wala akong balak higitan siya kasi in the first place I'm not like her! Hindi ako yung klase ng taong nang-iiwan sa ere!"tumayo siya at inayos ang mga gamit niya."At hindi kami ni Josh. Oo, Crush ko siya, pero hanggang dun lang yun."
And she left. Napakagat labi ako sa inis. Ano bang pumasok sa utak ko para sabihin yun? Bakit ko ba sinabi ang mga yun?!
"Ako na bahala sa kanya."tumayo na rin si Katie at binigyan ng smack kiss si Seb sa pisngi."Pagsabihan niyo yang kaibigan niyo ha?"
Pagkaalis niya walang nagsalita sa amin. Pagkabalik nila Kristoff at Flinn umalis na ako."Gusto ko mapag-isa."sabi ko bago ako umalis sa canteen.
Tumambay ako sa likuran ng architecture building para makapag-isip pero naalala ko yung nangyari dito sa amin. Yung hinalikan ko siya.
Napahawak ako sa labi ko.
Ano bang nangyayari sa akin?
***
[Luna]
After ng lunch tinapos ko na ang pagpapasign ng clearance ko at dumeretso na kami ni Katie umuwi. At ito namang si Katie tumambay pa sa bahay namin kasi marami daw siyang itatanong.
"Sinong Crystal? At bakit mo siya kilala?"
Sinagot ko siya habang inaayos ang meryenda naming dalawa."Nakwento ni Josh sa akin minsan na may ex si Antonio at magaling lang akong manghula kaya alam ko si Crystal at yung ex na tinutukoy ni Josh ay iisa."simpleng sagot ko pero nakakunot ang noo ko. Mabuti na lang nakatalikod ako kay Katie.
Bakit ba ganun ang inasal ni Antonio? Nung isang gabi pa siya ganyan. Simula ng magtanong siya kung kilala ko si Crystal, iba na inaasta niya.
Nakakainis na.
"Ano bang problema sa lalakeng yun at sinabi niya yun sayo? Dalaw ba niya ngayon?! Wala namang masama kung friendly kayo ni Josh sa isa't isa ah! Selos lang talaga siya kasi si Josh na crush mo ngayon at hindi siya! Ha!"bunganga ni Katie.
Kumakain na kami ng meryenda at itong si Katie, puno na nga ang bunganga sige pa sa kadadakdak.
"Hayaan mo na yun. Wala rin tayong mapapala sa pagiging moody niya masyado."walang ganang sagot ko."Hindi ko nga rin alam kung bakit niya ako kinokompara sa ex niya. Bitter masyado sa past?"sabay kagat sa tinapay na inihanda ko.
"Siguro."tumango tango naman siya at uminom ng juice."Pero Kat, sa tingin ko nagseselos talaga siya sa inyo ni Josh."seryosong dagdag niya."Hindi naman siya magrereact ng ganun, kung hindi siya nagseselos diba?"
YOU ARE READING
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...
Red #14
Start from the beginning
