Chapter 56

6K 75 0
                                    

sa wakas!! gumana... pero ilng try muna .huhuh pasenya ngayon lang to.. baka sa phone na lang ako mag-aupdate ang hirap talaga.. hoooo!!!!!

Seven’s Pov

Ilang linggo na ba? Ilang linggo ko na ba syang hindi nakikita? Ilang linggo na  ba matapos kaming mag-usap?

Napangisi ako. Ikakasal na ulit sila. Tanggap ko na iyon pero hindi ko maalis ang inggit. Napakswerte ng damuhong iyon! Minahal siya ng babaeng kaisa-isang minamahal ko. wala na talaga, wala na. napapailing ling na lang ako sa sarili.

Nagbihis na ako. gusto ko lang syang makita. Kahit ngayon lang makita ko syang nakawedding dress at iimaginine ko na lang na ako ang naghihintay sa kanya. Na ako ang groom nya. Nahihibang na talaga ako, hindi niya ako inimbita at naiintindihan ko iyon. Alam ko dahil ayaw niya lang akong masaktan.

Maaga pa lang hinanda ko na ang sarili ko. Dapat mauna ako sa simbahan, masamang pinaghihintay ang bride. Napapatawa na lang ako sa kalukuhang naiisip ko. haha hanggang pangarap na lang ako.

Ngayon na ang kasal nina Mariez alam ko iyon sinabi sa akin ng isang babae na sa pagkakaalam ko ay sya raw’ng nag-ayos ng kasal.

“Hi lover boy!” napakunot ang noo ko sa babaeng nasa harap ko. tinawag niya akong lover boy? Tss! hindi na nakakapagtaka.

“You’re Seven right?” hindi ako sumagot tiningnan ko lang siya

“Oh I’m sorry, by the way I’m Ranny” nilahad niya ang kamay niya sa akin ngunit hindi  ko tinanggap. Sino ba to? bakit niya ako kilala? Stalker ko? nang mukhang alam niyang mapapahiya na siya binawi na niya ang kamay niya.

“If you’re wondering who I am, I’m Mariez’s  close friend kaya kita kilala and I’m also the one coordinating their 2nd wedding. But, sad to say I haven’t seen your name in the invitation, so if you wanna come and see your BESTFRIEND, next week na iyon Saturday 8 am ie-email ko na lang sayo lahat pati ang venue. Oh baka may balak kang tumutol pagpraktisan mo ah? bye” at nagsimula na syang maglakad palayo. What the hell?! Ayoko ng tono ng pananalita niya. Is she insulting me or what? Hindi man lang siya naikwento sa akin ni Mariez.

Kapag nakita ko ang babaeng ‘yon parang gusto ko syang sakalin.

Iwinaglit ko muna sa isip ko ang Ranny na iyon at nagdrive na papunta sa inemail sa akin ng babaeng ‘yon, alam nga niya ang email ko. stalker ko ba iyon? Grabe!

Pagdating ko sa simbahan, may iilang bisita na akong nakikita. Pumwesto ako sa may gilid para kahit papano hindi ako mapansin ng sinuman. May humintong itim na sasakyan sa may bukana ng simbahan at iniluwa nun si Blake at ang papa nito. Tinignan ko siya kitang kita sa mga ngiti niya ang saya, saya dahil ikakasal sila ulit ng babaeng mahal niya at mas lalong masaya dahil mahal siya nito. Napayuko ako, kahit tanggap ko na hindi ko pa rin talaga maiwasan ang mainggit. Sana… sana ako na lang siya. Pathetic!

Nang malapit na si Blake sa gitna ng simbahan nakita ko na naman ang babaeng iyon. Nilapitan niya si Blake at hinila sa may tabi, nag-usap sila sandali and I saw him stiffened and paled. Napakunot ang noo ko. anong sinabi niya kay Blake and in an instant biglang tumakbo si Blake at humihingi ng tawad. I saw how she smirked! That damn lady! May masama akong kutob!

Ilang minuto lang may sasakyang tumigil sa harap ng simbahan. Bridal Car! Si Mariez! Pagbaba niya pa lang bulungan na agad ang nangyari. Nilapitan siya ng babaeng iyon na umiiyak! Is it a drama?

With just her few words Mariez broke down. Sinasabi ko na nga ba! I saw how she smirked! May mali talaga sa babaeng iyon!

Hindi ko nilubayan ng tingin ang babaeng iyon. I need to know her. Bakit niya ito ginagawa sa mag-asawa. Isa ba sya sa mga kafling ni Blake? mga naloko?

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon