Chapter 44

5.3K 75 2
                                    

so far ito muna. nawawala lahat ng ginawa ko. at hindi ko na alam kung paano magsimula. TT_TT.

sobrang sobrang sobrang lame nito dahil nakalimutan ko na lahat ng tinype ko dati.... sorry po...

*********************

“Mariez”

 

“Kris? Kris!” si Kristine ang tagal ko ring hindi sya nakita. Agad ko syang niyakap sobrang namiss ko rin tong kaibigan ko. “Kamusta ka na? na miss kita! Ang tagal kitang hindi nakita”

 

Humiwalay sya sakin at nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya

 

“K-Kris bakit?”

 

“Mariez, sobrang miss na miss din kita!” at muli niya akong niyakap. Kahit ako hindi ko na rin mapigilang umiyak.

“ilang araw din kitang hindi nakita eh. Andaming nangyari na hindi inaasaahan at mukhang pati ikaw na-nadamay. I’m so sorry Kris”

 

“o-okay lang ano ka ba. Kaibigan mo ko eh”

 

tumingin ako sa mga mata niya

“Hindi mo man sabihin sakin kris, nakita kita”

 

“h-ha?”

 

“noong araw na na- nag-away si Blake at S-seven sa… sa unit ko, I-I saw you. Alam ko sa nakita mong yun sobrang nasasaktan ka. Nakikita ko pinipigilan mo lang, I’m sorry”

 

“Mariez, wala ka dapat ihingi ng tawad. Wala ka namang ginawa di ba? Tell me ano bang nagawa mo at nagsosorry ka sakin?”

 

“Kris alam ko. Alam ko mahal mo sya” nakita kong natulala sya sakin “kahit di mo sabihin sakin alam ko at nararamdaman ko, kahit dati pa naman di ba? Kahit sabihin mong biro yun alam kong hindi. Mahal mo si Seven di ba?”

 

“anong… anong gusto mong sabihin?”

 

“Kris magpapakatotoo ako, ayokong magtaas ng bangko pero alam natin dalawa na ma-mahal ako ni Se-Seven. At iniisip ko na.. na kaya ka ganito ngayon  ka-kasi alam mong hindi kayo pwede. Ka-kasi nakatuon lahat ng atensyon nya saken. Pero Kris alam kong kayang mong gawin lahat para sa kanya, at alam ko nararamdaman kong mamahalin ka niya.”

 

“Mariez, aaminin ko masakit, aaminin ko minsan naiinggit ako. Pero sa panahon ngayon, kung ano ang gusto ng isang tao yun ang dapat na sinusunod natin. Dahil minsan iyon pa ang nakakatulong para maayos kung anuman ang problema”

 

“Kris”

 

“noong nakita ko silang nagsuntukan, na-naisip ko, ako kaya pag-agawan ng dalawang lalaki? Ano kayang pakiramdam? Haha nakakainggit malaman na may dalawang taong handang magpatayan para lang sayo. At ang masakit? Isa sa mga yun ang mahal ko”

Pakiramdam sa sinabi ko kanina, hindi ko man aminin naoffend ko sya.

“minsan na akong umamin ng nararamdaman ko sa kanya. But what happened? Rejected ang ganda ko ahahah. Mariez kung iniisip mong galit ako sayo dahil sa pagmamahal na binibigay ni seven sayo. NO. hindi ako galit. Ang babaw ko naman. Dahil lang sa kakarampot na pagmamahal na gusto kong makuha kamumuhian ko na ang isang taong binigyan niya ng buong buo? At  ang masaklap matalik ko pang kaibigan? Hindi mo kasalanan kung ikaw ang mahal niya, at hindi mo rin kasalanan kung iba ang binigyan mo nang pagmamahal. Fair kasi ang mundo kaya nangyayari to” 

 

Nakatulala lang ako sa kanya, habang sya pinapahid ang mga luha galling sa mga mata nya.

“thankful na rin ako Marz, kasi kahit papano napalapit ako sa kanya. Na kahit papaano nasabi ko kung ano ang nararamdaman ko. Maigi nga yun di ba para hindi mabigat sa loob. Atleast wala akong pagsisisihan dahil sinabi ko na ang lahat. Kawalan na lang niya yun ahahaha. Hays ang drama natin tama na nga pumasok na tayo” tumango na lang ako sa sinabi niya at sumunod sa paglalakad. Alam ko naman gusto niya lang iiwas ang sarili niya. Sa ngayon hahayaan ko muna, pero darating ang time na magbubukas din ang topic tungkol saming apat. Kung paano maayos nag lahat at kung kalian kami magsisimula ng bago.

 

 

 ************

sorry sobrang lame po talaga. wala na ako maisip sa mga tinype ko dati...

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon