CHAPTER 7: EMOTIONAL PART

3.2K 67 1
                                    


ahh bakla bakla bakla, ang pangit mo hahahaha " sigaw ng mga lalaki sa akin habang ako'y naglalakad pa uwi sa akin pero hindi pa natuloy ang pambubully nila sa akin, pumalibot sila sa akin at wala na akong madaanan.

" please umalis nga kayo sa dadaanan ko " pakiusap ko sa kanila
" bakla ka, ang dapay sayo binubugbog " sabi ng isang malaking lalaki at walang anu anu bigla niya akong sinuntok sa tiyan dahilan para ako'y matumba at mapahawak sa aking tiyan. Tila nawalan ako ng hangin sa ginawa ng lalaki. Habang akoy nakatumba na sa lupa ay bigla naman nila akong sinipa-sipa sa aking katawan tanging nagagawa ko nalang ay takpan ang mukha ko. Maiyak iyak kong pagsigaw sa kanila na tama na at mga isang minuto pa ay umalis na sila.

Bakit? Bakit nila ginawa to sa akin? Dahil lamang ba sa bakla ako? Hindi naman ako masamang tao. At may biglang nakita akong dalawang tao, yung kambal na nakatingin sa akin. Natuwa ako dahil nandito sila at hinintay na buhatin nila ako para tumayo, pero hindi , tumitig lamang sila sakin at agad naman umalis na parang wala silang nakita.

" L-LEO! LANCE " iyak kong tawag sa kanila at

KRIIIIINNNNNNNGGGGGGGG!!!!!!!!!!

Bigla naman akong bumangon nang marinig ko ang maingay na alarm clock ko. Puno ng luha ang mata ko, na nanaginip lamang pala ako. Tumingin ako sa may bintana at nakita kong ang lakas ng buhos sa ulan. At napatingin ako sa cellphone at may nagtext na cancel ngayon ang mga klase. Bumangon na ako at para magluto ng makain pang breakfast ko, since walang klase, may time akong magluto ngayon.

Natapos ako sa pagluto at umupo malapit sa bintana at tanaw ko ang malakas ng pagbuhos ng ulan. Sumasaya ako, pag umuulan . Gusto ko ang tunog na ginagawa ng ulan at lamig na hangin na dala nito, nakakawala ng problema. Habang kumakain ako may narinig akong kumatok sa aking pintuan at agad ko naman itong pinnuntahan para buksan.

" Mikey! " biglang sabi ni Lance na may pagalalang reaksyon sa mukha nito.
" Lance? Bakit? " tanong ko.
" si Leo, ang taas ng lagnat " sabi naman ni Lance
" huh? Bakit ? Saan na siya ? " gulat na tanong ko.
" kagabi nakita ko siyang natutulog dito sa may pintuan mo at nung pinapunta ko na siya sa kwarto ko ay may lagnat na siya " sagot ni Lance " Mikey! Tulungan mo naman ako, kagabi pa niya binabanggit pangalan mo, " dagdag pa niya at agad naman akong tumakbo ng walang anu-ano. Nauna pa ako kay Lance sa kwarto nila at dun nakita ko si Leo na nakabalot sa kumot at tila nanginginig pa ito. Agad ko naman siyang nilapitan at hinawakan ko ang bandang noo niya para ifeel ang lagnat niya, at gulat ako, napaka init niya. At biglang may humawak sa kamay habang hawak ko ang noo niya.

" baby ko "mahinang salita ni Leo
" shh! Rest ka na muna Leo, bat kasi natulog ka sa labas ng kwarto ko? " medyo inis kong sabi
" binabantayan kasi kita baby dahil alam kong hindi ka okay, feeling ko tuloy napatulog kita sa kanta ko kagabi, pero masaya ako baby dahil nandito ka na, nakikita kita at hawak ko ngayon kamay mo. " mahina parin nitong salita, tila pula na ang mukha niya dahil sa lagnat.
" Lance, uminom na ba siya ng gamot? " tanong ko kay lance at tumingin ako kay Lance pero nakita ko si Lance na nakaupo lamang sa silya at nakatingin sa malayo. At napalingon naman siya sa akin
" A-ayaw niya kasing uminom kagabi pa kaya tinawagan na kita " sabi niya, tsk! Kaya pala ang taas na ng lagnat nito.
" Akin na ang gamot ako na ang magbigay sa kanya " at kinuha naman agad ni Lance pero may napansin akong kalungkutan sa mata ni Lance pero hindi masyado itong pinagtuunan ng pasin at agad inasikaso si Leo. Kumuha ako ng tubig at pinaupo saglit si Leo para uminom ng gamot, agad naman niya akong sinunod at matapos niyang ininom ang gamot , bigla nalamang niya ako hinalikan ako sa pisngi , dama ko ang mainit niyang labi na dumambi sa akin at agad naman siyang humiga ulit.

" salamat baby ko, ang swerte ko talaga sayo " sabi nito. Hawak parin niya ang kamay ko habang ako naman ay nakaupo lamang sa tabi ng kama niya. Tinititigan ko ang makinis na mukha niya, matangos na ilong at mapulang labi, mala-anghel niyangmukha. At makalipas ng 5 minutes nakatulog na si Leo ng mahimbing at medyo bumaba na rin ang lagnat niya. Muntik ko ng makalimutan si Lance na nandito pala sa loob ng kwarto kung hindi pa ako tumingin sa may bintana kung saan dinig ko parin ang malakas na ulan.

" Mikey? " biglang tanong naman ni Lance habang nakatingin parin sa labas ng bintana.
" Lance " sabi ko naman
" Bakit si Leo? Bakit kapatid ko pa? " bigla naman niyang tanong. Dama ko na dito ito patungo.
" Lance, s-sorry kung hindi ko sinabi sayo na pinopormahan narin ako ni Leo " mahiyang sabi ko sa kanya.
" Mikey? Bakit hindi nalang ako? Payag naman ako kung iba yung pumoporma at kinakasama mo, pero bakit kapatid ko pa mikey? Bakit si Leo pa? Kambal ko pa? " maiyak iyak niyang sabi, at naluluha na rin ako sa sobrang pagiging guilty ko." Mikey, ano bang meron si Leo na wala ako? Ano ba na hindi ko nagawa , na ginawa ni Leo para sayo. " tumutulo na luha niya mga guys, bakit mo ba ako pinapahirapan Lance? Pero sa totoo lang , lahat ng meron si Leo meron naman si Lance, hindi ko lang alam kung ano ba nagawa ko sa kambal na ito para maging ganito sila sa akin." MIKEY ANO?! " dagdag ni lance.
" L-lance, hindi ko alam " iyak kong sabi " hindi ko alam, Lance ayoko na saktan ka, kayong dalawa ni Leo. Ayoko kong nakikitang malungkot ka, ayokong nakikitang may mga luha sa mata mo. Lance, sa totoo lang hindi ko deserve yang mga luha mo, hindi ko deserve ang pagmamahal mo dahil feeling ang dumi dumi kong tao. Ang babuy ko, pinaglaruan ko lang feelings mo. Pinagsamantala ko ang mga nararamdaman niyo para sa akin. Ginamit ko kayo sa mga selfish kong pangangailangan. " 😭😭😭

"  hindi Mikey , hindi ka ganun " biglang sabi ni Lance na tila umiba na ang tono ng boses niya, " alam mo nung una kitang nakita, nung binangga mo ako, alam kong masayahin kang tao, mabait na tao, at mapagmahal na tao. " huminto siya sa pagsalita " at dun rin napatibok puso ko para sa'yo, hindi ko alam kung bakit pero bigla nalamang ko yun naramdaman nung makita ko yung mga ngiti mo. Kaya pinilit ko magpa-impress sayo, akala ko sapat na yun para mapinsin mo ako, para mahalin mo rin ako pero hindi ko man lang nadama na kapatid ko na pala ang nagmamay-ari sayo. Nakakatuwa lang , ganun nga ba talaga pag kambal? Kung ano gusto ng isa siya rin gusto ng isa? " . Malungkot na sabi ni Lance.

Lord, ang sama ko na ba talagang tao para iparanas niyo po ito sa akin?. Masakit isipin na isa lang kaya kong mahalin sa dalawa, pareho silang espesiyal sa puso ko, parehas nila ako pinadama kung paano ang feeling na maynagmamahal sayo ng sobra. Ang sakit -sakit sa puso. 😭 💔 hindi ko alam kung paano masuklian ang pagmamahal nila na hindi ko masaktan ang isa.

" I'm sorry, I'm so sorry " naghihimugto kong sabi

Mas- mas mabuti siguru kung mawala nalang ako, lumayo na kung saan hindi ko na pa makita ang kambal, para hindi ko narin sila masaktan pa.😢😢

END.

LANCE AND LEO (boyxboy)Where stories live. Discover now