CHAPTER 1: LANCE AND LEO

14.7K 156 3
                                    

Umaga nanaman at tila hindi ko mabuhat sarili ko para bumangon, totoo ata talaga na mas malakas ang gravity sa umaga😂 . " krinnggggg!! " tunog ulit ng alarm clock sa pangalawang pagkakataon na nagpainis sakin at nahampas ko ito dahilan para lumipad ito at tumama sa wall ko. " omg! Alarm clock ko ! " gulat kong pagkasabi dahilan para bumangon ako at dali daling pinulot ang alarm clock na tumilapon.😑

Ako nga pala si Mikey at isang 3rd year college at nagdodornm lamang ako sa isang lugar na kung saan walking distance lamang papunta sa university namin, para tipid ako sa pamasahe. Kagigising ko lang din at papunta narin ako sa banyo pata maligo at nang may nabangga akong poste? Pader? Ang tigas kasi , pero nung pagkatingin ko ay isa pala itong lalaki, hindi ko ito kilala pero infairness gwapo , matikas katawan at matangkad. Whoo!!

" ay sorry! Akala ko pader ang nabangga ko, hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko " pasensiya ko.
" haha, okay lang, mukha ba talaga akong pader? " tawa at tanong nito.
" hehe hindi, ibig kong sabihin , ang tigas kasi. " sinabi ko, pero nabigla ako sa sinabi ko at lumaki na lamang mata ko. Shit! Nadulas ako.
" haha " tumawa lamang siya. " Lance nga pala, kakatransfer ko lang dito sa dorm "
" ah, hehe Mikey. " ako
" sige! Kitakits nalang tayo " siya.

At yun nga, nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa banyo pero iniisip ko pa din yung bagong dormmate ko. Ngayon ko lang narealized na ang cute  niya palang tumawa. Medyo uminit bigla mukha ko,shit! Wag po. Mabibisto ako nito. Natapos ako sa pagligo ko at lumabas narin ako sa na naka bathrobe, haha ayoko mag towel lang ayoko ipakita katawan ako sa mga tao dito . Pero mas naconscious dahil nakita ko ulit si Lance na palakad sa direksiyon ko. Tumingin ako sa kanya at tinawagan ko siya pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lamang siya sa paglakad. Aba? Bat parang naging suplado agad agad tong tao na to? Nakalimutan na ba niya ako agad agad?

Yun na nga mga guys, nagbihis na ako ng uniform ko at baka malate pa ako. At lumabas narin ako sa kwarto ko at nilock ang pintuan ng may tumawag sa pangalan ko. " uy! Mikey! May class ka pala ngayong saturday? " si Lance at nakingiti nitong sabi. Huh? Kanina lang hindi niya ako pinansin ngayon , nginingitian nanaman niya ako? 

" ah, eh hehe oo may subject ako isa. " ako
" oh? Bat naka uniform ka pa? " siya
" may presentation kasi ako " ako
" ah, ge ingat " siya
" salamat " at lumakad na ako.

Ngayon ay naguguluhan na ako sa taong ito, may dalawang personality ba tong tao na to? Parang dun sa napanood kong movie.

Nakarating na rin ako sa skwelahan namin at dali dali akong pumunta sa room dahil malapit narin ang class ko. Makalipas ng 3hours na presentation ay uuwi narin ako sa dorm. Medyo napagod ako sa kanina kaya naisipan kong pumunta muna sa canteen para bumili ng makain. At sa pagmamadali ko ay may nabangga nanaman akong matigas ! " ouch! " hiyaw ko pero nagulat ako ng pagtingin ko sa nabangga ko.

" Lance?! " sigaw ko
" huh? Sino ka? " tanong nito
" huh? Anong sino ka? Gagi! Mikey , nakalimutan mo na agad agad ako? " ako
" at hindi Lance pangalan ko , ako si Leo " sabi nito
" p-pero mag- magkamukha kayo? " litong pagkasabi ko

" obvious ba ? Kapatid ko si Lance , kambal kong kapatid "  sabi niya at siya namang pagkagulat ko.
" what?! Kaya pala hindi mo ko pinansin kanina sa dorm nung tinawagan kita dun sa dorm " sabi ko
" whatever " siya.
" hala? Kasing cute at gwapo mo sana sa kapatid mo, pero ang sungit mo " inis kong pagkasabi.

Tumingin lamang siya na parang sinasabi niya ' ano ngayon ' at may sinabi siya.
" kukubrahin kita because of physical contact "  siya
" huh? Anong kobra ka dyan? At anong physical contact ? Naku! Hindi ka lang suplado , corrupt ka pa. Dyan ka na nga ! " at lumakad na ako patungong canteen pero sinundan niya ako na parang galit na aso. Habang nag-oorder ako ay nasatabi niya ako nakitingin parin sakin at kinokobra ako. Pero hindi ko siya pinapansin.

LANCE AND LEO (boyxboy)Where stories live. Discover now