CHAPTER 6 : HILING

3.2K 59 6
                                    


Malakas na sunod sunod na katok naririnig ko sa aking pintuan ngayon at halos maluwa ko na ang puso ko sa sobrang kaba ko, nakita na siguru ni Leo ang tag photo na ito. Dahan dahan akong pumunta sa pintuan at dahan dahan din ito binuksa.

" hey! Mikey, may libro ka ba dito ng noli me tangere? " shit! Kadorm mate ko lang pala, kung maka katok naman ito , parang mawawasak na ang pinto ko.
" ah, oo wait lang po. " at kinuha ko sa loob at binigay ko sa kanya ang libro. Nakahinga ako ng mahaba , akala ko naman si Leo na sumusugod . Bunmalik na ako sa kama ko at medyo kumalma narin ako. Kinuha ko ulit cellphone ko at pilit ko hinahanap kung paano ito iha-hide itong picture na ito. Ito naman kasing Renevie eh, itatag pa talaga ako. Halos maloka na ako sa kabubusisi ko sa setting ng account ko, sana kinuha ko nalang na course ay IT. wew, shotdown ko nalang kaya itong account ko? Habang patuloy ako sa pagbubusisi ay may biglang nag chat sa akin.

LANCE MESSAGE YOU

oh? Online pala si Lance ngayon.

" Mikey? Gising ka pa? Pwede puntahan mo ko sa rooftop? " chat niya. Huh? Bakit nasa rooftop si Lance, gabi na ah? Pero pumunta nalang ako sa rooftop para malaman kung bakit niya ako pinapapunta sa rooftop. Nakarating ako sa rooftop at napayakap ako sa sarili ko dahil malamig pala dito, napatingin ako sa paligid at yun nga nakaupo si Lance sa isang sulok.

" uy! Lance ? Bakit tinawag mo ako dito at bat nakaupo ka diyan ? " tanong ko sa kanya at bat parang naistress tong Lance na ito?
" Mikey? Wala na ba talaga akong chance sa puso mo? " huh? Bakit to si Lance? Bakit pabigla bigla naman itong tao na ito.
" huh? Lance, ano ba pinagsasabi mo diyan " tawang pagkasabi ko baka sakaling mawala ang mood na ito.
" akala ko pa naman wala pang nagpapatibok sa puso mo, pero meron na pala, masyado na ba talaga akong late dumating? " lungkot na sabi nito, pero nalilito parin ako sa sinasabi niya, alam na ba niya na may something na sa amin ni Leo.

" Lance,  hindi kita maintidihan. " litong tanong ko sa kanya
" si Renevie ba? Siya ba yung nakpapatibok puso mo ngayon kaya pilit mo pinapakita sa akin na wala akong chance para sayo " mas lalo pang bumababa boses niya at mas lalo pang dama ko ang limgkot niya sa boses. " di bale Mikey , mahal parin naman kita kahit may minamahal ka ng iba, nalungkot lang talaga ako ngayon dahil hindi ako nauna " at nabigla ako ng pagkatayo niya may luha sa kanyang mga mata, buo ito at tila kanina pa ito umiiyak hindi ko lang napansin dahil medyo madilim. Nakadama ako ng kirot sa puso na parang pinipiga ito nang makita ko ang mga luha niya. Shit! Isang lalaki , umiyak dahil sa akin? Nakatitig siya sa akin ngayon at kiya ko ang lungkot niya sa mga mata.

" Lance, anu ka ba, yung si Renevie ay classmate ko lang nung highschool at yung picture na nakita mo wala yun, friendly selfie lang yun " paliwanag ko. At bigla din nagbago reaksyon niya sa gulat at tuwa habang nakatingin siya sa akin. " hindi ko boyfriend yun, wala pa nga akong boyfrend " dagdag ko.

" talaga Mikey? Talaga?! " biglang tuwa niya at bigla naman akong niyakap " so may chance pa talaga ako Mikey ? " bulong niya habang nakayakap parin sa akin.
" o-oo naman " ayan na Mikey! Nasasalita kananaman ng hindi pinagiisipan. Wala ka bang naaalala man lang mikey hah?! Mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin , dama ko ang mainit na katawan ni Lance at nakadama naman ako ng ginhawa , baka dahil ito sa init niya. Eh kasi naman ang lamig dito at nakashort lamang ako.

" sabi mo yan huh" bulong niya ulet " so liligawan na kita Mikey " dagdag pa niya.

" LANCE! " nagulat ako sa isang sigaw na napabilis naman ng tibok ng puso ko. Kilalang kilala ko ang boses na yun, agad naman ako kumalas sa pagkayap kay Lance at lumingon sa direksiyon na kung saan nanggaling ang sigaw.

" oh? Leo ? Bat ka bigla biglang sumisigaw ? " tanong ni Lance kay Leo. Pero ako ang tinititigan ni lance. Halos maupot na ako sa tingin ni Leo sa akin.
" PUTANG INA MIKEY BAT NAPAKA LANDI MO! " biglang sigaw niya sa akin at gulat ko naman na nakatayo lamang , nanginginig na ako at tila paluha na ako.
" teka Leo, bat mo sinisigawan si Mikey, wala naman siyang ginagawang masama. " litong sabi niya , wala parin talagang ka-clue si Lance. Naguiguilty narin talaga ako, pero tao lang din naman ako, hindi ako perpekto, madami akong pagkakamaling nagagawa sa araw araw.
" TUMAHIMIK KA LANCE,  SI MIKEY KINAKAUSAP KO DITO "  galit na sabi ni Leo. Takot ako, takot ako sa pwedeng mangyari sa dalawa, pero bakit hindi ko man lang mabukas bibig ko para magsalita? Bakit ba Mikey?
" Leo, stop it. Kung nagagalit ka dahil sa nakita mo ngayon, it's okay. Ginusto ko yun , at gusto si Mikey bro,  kaya wag mo na akong alalahanin " shiiiiiiiitt! Lance ano ba ginagawa mo huwag ka nalang mag salita please, isang salita mo pa sasabog na yan si Leo na parang bulkan. Halos hindi ko na mafeel na malamig pala sa taas , pero may dinagdag si lance sa sinabi niya " at liligawan ko siya bro, dahil pumayag siya, support mo na lang ako bro " waaahhhh. Wala na, kakainin na ako ng buhay nito.

" AHHRG!!!!! " biglang sigaw niya at gulat naman ang reaksyon ni Lance pati ako" HINDE! HINDI MO SIYA  LILIGAWAN! " sabi nito. Na nakakaloko na ang itsura , parang handa na siyang makipagpatayan.

" Leo anu ba? Bat ka ba nagkakaganyan " biglang inis na Lance
" tam--- " pinilit ko sana silang awatin pero nagsalita bigla si Leo.

" DAHIL AKIN NA SI MIKEY! AKIN NA SIYA. AKO NA ANG MAGPAPASAYA AT NAGPAPA SAYA SA KANYA SA KAMA  AT AYOKO NA MAY MANG-AGAW SA KANIYA KAHIT IKAW LANCE. KAYA TIGILAN MO NA YAN LANCE AT WAG NA WAG KA NG LUMAPIT SA KANYA. " sabi nito kay lance at kita ko ang gulat sa mukha ni lance, at bahagyang tumingin siya sa akin. " MIKEY ! BUMALIK KA SA KWARTO MO ! " biglang utos niya sa akin.

" to-totoo ba sina sabi ni Leo ? " biglang tanong naman ni Lance sa akin na kita ko nanaman ang lungkot at gulat at pagkalito ni Lance. Wala akong masabi at nakayuko lamang ako habang unti unti ng may luhang pumapatak sa aking mga mata. " SAGUTIN MO KO MIKEY! " biglang taas ng boses ni Lance. Ngayon ko lang nakita ang side na ito ni lance at tila ayoko makita siyang ganito, bakit ba kasi dumating pa si Leo habang niyayakap ako ni Lance?

" o-oo " tanging sabi ko at bigla na lamang sinipa ni Lance ang isang flower base dahilan na mabasag ito. Nabigla ako at hindi ko na kinaya ang mga nangyayari sa akin, tumakbo ako palayo, at umalis na sa rooftop, nilampasan ko lamang si Leo habang puno ng luha ang mga mata ko. Alam ko naging marupok ako, alam kong naging selfish ako, naging ignorante ako sa atensiyon na nakukuha ko sa kanila. Hindi ko hinangat ito. Masyado akong nabulag sa pwedeng mangyari pag ginawa ko yon. Kaya heto, marami akong nasakta na tao.

Nakarating ako sa aking kwarto at sinarado ang pintuan at nilock ito. At dun , umiyak ako, sobrang guilty ko ngayon, feeling ko pinaglalaruan ko lang ang mga feelimg nila para sa akin. Bat ang sama ko, ang sama sama mo Mikey!

Bigla naman may narinig akong katok pero hindi ko ito pinansin dahil malamang isa ito sa mga kambal.

" baby? " si leo " buksan mo naman ako ng pinto oh " salita niya ulit. " baby alam kong nasasaktan ka ngayon , please payagan mo naman akong samahan kita, " mahinahon niyang salita.

" Leo, please ayoko ko na , ayoko ng saktan kayo "  iyak kong sagot.

" baby naman oh, wala kang kasalanan , alam kong napakabait mong tao. Baby sorry na, alam kong nag promise ako na hindi na ako masyadong magalit o maging agresibo, pinilit ko naman baby, pinilit kong wag magalit kahit nakita ko na kasama mo nanaman yun Renevie na yun sa isang fastfood restaurant. Pinilit kong wag kang sugurin kahit nagseselohos ako ng sobra dahil sa ngiti ng binigay mo dun sa Renevie na yun.. " huminto siya sa pagsasalita " alam mo ba baby ko? Nung binangga mo ako noon sa school malapit sa canteen, dun mo una napatibok puso ko, dun ko nakita ang pinaka magandang seahorse sa buong buhay ko. Kaya ayoko ko na pakawalan pa kita. " wala akong masabi at tila patuloy ang pagbuhos ng mga luha sakin at nagfaflashback narin sa akin mga tagpuan ni Leo. " baby ko? Alam ko nandiya ka nakikinig sa akin sa akin, sana mapapatawad mo pa rin ako kahit palagi kitang sinisigawan " at huminto nanaman siya sa pagsasalita at biglang may narinig akong kanta.

"
Nag-iisang pag-ibig ang nais makamit yun ay ikaw
Nag-iisang pangako na di magbabago para sayo
San ka man sana'y maalala mo
Kailan man 'sahan di mag kalayo

[CHORUS]
Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik

Hindi malilimutan mga araw natin kay sarap balikan
At lagi mong isipin walang ibang mahal kundi ikaw
Malayo ka man sana'y maalala mo
Kailan man pangako di mag kalayo

[CHORUS]
Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik

San ka man sana'y maalala mo
Kailan man 'sahan di mag kalayo

[CHORUS]
Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik
Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik

Tanging ikaw lamang ang aking iibigin

END

LANCE AND LEO (boyxboy)Where stories live. Discover now