Prologue

19 0 0
                                        


''Hihihihihihihihihihihihihi''
Nakakakilabot na tawa ng isang nakakatakot na nilalang sa kanyang harapan, habang siya ay nakagapos sa isang upuan. Puno ng pawis at luha ang kanyang mukha. Hindi lubos maisip na ang nilalang na nasa harapan niya na sa tv lang niya nakikita ay kaharap na niya at mukhang papatay pa sa kanya.


''P-Parang a-awa mo na.'' Nakapikit na turan niya rito, hindi maipagkakaila ang takot sa boses niya.


'"Hihihihihihihihihi" Tawa ulit nito.


Ibinuka niya ang kanyang mga mata at halos lumuwa ang ito dahil sa nakita niyang may hawak itong matulis na kutsilyo, puno na iyon ng dugo.


Pigil niya ang hininga ng dalhin nito ang kutsilyo sa kanyang tiyan, nanginginig ang buo niyang kalamnan, piping sinisigaw ang 'tulong' sa kanyang isipan na animoy may makakarinig nito, wala ng kulay ang mukha at halos hindi na siya gumagalaw dahil tingin niya pag gagalaw siya ay kusang tuturok ang kutsilyo sa tiyan niya, ramdam niya ang tulis nito.


Unti-unti niyang nararamdan talas ng bagay na nasa kanyang tiyan ngayon ramdam niya ang pagdaloy ng kanyang dugo habang sinasaksak siya ng demonyong nasa harapan niya ngayon.


''Ma'am! Ma'am! Gumising po kayo! Nanaginip ho kayo!'' Napabalikwas sa pagkakahiga si Eris habol niya ang hiningang umayos sa pagkakaupo at sumandal sa headboard ng kanyang kama.


''Ma'am ikukuha ko po kayo ng tubig.'' Mabilis na umalis si Karen sa kanyang silid, ito ang kanyang kasambahay. She sighed again, she dreamed it again. It's her greatest fear, that day she lost her family. She cursed that day and she cursed those bastards who did it to her and her family kahit na nabubulok na ang mga ito sa kulungan.


''Ma'am ito na po ang tubig, may dala din po akong gatas.'' Kinuha niya ang baso na nasa tray at ininom. ''Ma'am nanaginip na naman po kayo, abot sa baba ang boses niyo nag-aalala po ako sainyo Ma'am'' Bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kanya. She sighed again. ''I'm okay Kar, iinumin ko lang itong gatas at matutulog ulit ako, wag kanang mag-alala.'' Tumango ito. ''Sige po Ma'am, tawagin niyo nalang po ako pag may kailangan kayo.''


Nang maubos ang gatas ay agad na siyang humiga. Susubukan niya ulit matulog. Tinignan niya ang orasan, it's 02:45 am. She needs to sleep, she has a lot of to do tomorrow, she needs her energy.

Fear lessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon