"Sige, Brandon. Mauna na 'ko." Yun lang at tumawid na 'ko.
Baka magalit na sa'kin si Steven. Hindi ko nagagawa nang maayos ang pangako ko sa kanya. Ayoko. Ayokong magalit siya sa'kin. :(
By the way, nakita ko kanina, ansama ng tingin sakin ni Angela ah?! Anong ginawa ko dun?! -.-
Oo na! Maganda na siya, maganda na siya... Kinakain na ako ng insecurities ko! Pero kaya lang naman siya nakakasama ni Steven ay dahil maganda siya... At mayaman... Magka-level sila.
Pagkapasok ko sa Grocery ay pumunta ako sa appliances' area. Namili ako ng mura pero dekalidad na light bulb. Pero habang ginagawa ko yun ay nakikita ko pa rin sa balintataw ko sina Angela at Steven...
Actually, wala naman na talaga akong pakialam kay Steven e. Na-iinsecure lang talaga ako kay Angela.
Pero naguguluhan pa rin ako. Kaya pag-uwi ko ay tinawagan ko agad si Chesca.
"Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Salamat sa pag-asikaso kanina. Ba't napatawag ka?"
Hindi ko alam kung dapat kong sabihin 'to 'kay Chesca pero naguguluhan ako. Hindi ko napigilan at napakwento rin ako sa kanya.
"Anong naiinsecure ka? Selos 'yan, Friend! 'Kala ko ba kinakalimutan mo na siya?"
Napamaang ako. "A-Anong selos?! Kinakalimutan ko na nga siya. Kaya hindi ako nagseselos! Naiinsecure lang ako kay Angela. 'Kala ko pa naman matutulungan mo ako, magpahinga ka na nga diyan!"
"Teka, Friend!"
"Bakit?"
"Kung talagang insecurities lang 'yan, 'wag ka nang ma-insecure dahil mas maganda at mas mabait ka pa dun." Pagkatapos ay binabaan niya na ako.
Pero...
Sa totoo lang...
Alam ko naman talaga sa sarili ko na hindi lang ito basta insecurities. Baka nga nagseselos ako... Or both! O.O
--
Naimbitahan na naman ako sa bahay ng mga Dela Serna dahil hindi pa ako maayos na nakilala ng Padre de Pamilya. Gusto raw akong makilala ni Mr. Dela Serna kaya tinawagan ako ni Tita Claire para papuntahin.
Pero... Pupunta ba ako? Pa'no yung pangako? Err-wala naman sa school e kaya ayos lang. Atsaka si Mr. Dela Serna lang naman ang dahilan ng pagpunta ko. Hindi niya kailangang i-welcome ako.
Pagdating ko sa kanila ay nagpakarga sa'kin si Steph agad. Hawak niya si Pheneloppe at Steven.
"How are you, Sweetie?" Tanong ko nang makaupo sa sofa. Tatawagin na raw ng maid ang mag-asawang Dela Serna.
"Fine. Kuya's not here..."
"Ohh. Good, then..." Weh? E diba gusto mo siyang makita?
"Hi, Hija..." Bati ni Mr. Dela Serna kasama si Tita Claire. "I'm Tito Kevin."
"Hello po..."
"Nabanggit sa'kin ni Claire na gustong-gusto ka ni Steph kaya na-curious ako sa'yo. Lalo na nung sinabi ni-"
"Ayy, Dear! Pahandaan natin ng meryenda si Pheneloppe." Singit ni Tita Claire.
"Nako, ayos lang po. Dumaan lang po talaga ako para makilala si Tito Kevin. May usapan po kasi kami ng bestfriend ko na kakain kami sa labas e." Palusot ko. Ayoko lang talaga na maabutan ako ni Steven dito.
"Ayy, ganun ba?" Mukhang nalungkot naman ang mga ito.
"Babawi na lang po ako next time. Sorry po talaga ha?"
YOU ARE READING
My Grumpy Amore
Teen FictionThis story is about a cheerful girl who has a crush on a hearthrob and famous guy. But this guy hates the girls like her. Do you think she has a chance? Find out!
Chapter 5: Insecure or Jealous?
Start from the beginning
