5: Insecure or Jealous?
After ng birthday ni Steph ay itinuloy ko pa rin ang pag-iwas kay Steven. Hindi lang dahil sa pangako, kundi dahil palagi ko ring nakikita si Steven na kasama si Angela...
Sa tuwing nakikita ko si Angela ay naiinsecure ako. Ang ganda-ganda niya at siguradong mayaman. Ang kinis ng balat at mamula-mula ang mga pisngi. Ano namang laban ko?
Kaya dapat talaga na kalimutan ko na si Steven! Tama!
Makikita ng Steven na 'yan! Hindi na ako ang dating Pheneloppe na dead na dead sa kanya! Hmph!
Anyway, may long quiz kami mamaya kaya heto ako, busy sa pagrereview habang naglalakad pabalik sa classroom. Humingi kasi ako ng gamot sa clinic para kay Chesca. Inatake kasi siya ng dysmenorrhea.
Habang naglalakad ay nabangga ako sa kung sino. Nahulog tuloy ang librong binabasa ko pati ang mga papel na nakaipit doon. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Angela... Na nakaabrisete kay Steven.
Gustong tumaas ng isang kilay ko... Pero pinigilan ko na lang at nagsimulang damputin ang mga papel na nahulog.
"Ang tanga-tanga naman ng babaeng 'to. 'Wag ka nga kasing maglalakad-lakad kung nagbabasa ka pala!" Bulyaw sa'kin ni Angela.
As usual, 'kala ko na naman, mabait ang babaeng 'to. Pero 'di pala. Ansarap pektusan e. Hindi ko siya pinansin at tumayo na ako nang mapulot ko ang lahat ng gamit ko.
Wala pala dapat akong ika-insecure sa kanya... Maganda nga, panget naman ang ugali... Edi panget pa rin. Tsura n'ya! Hmph! -.- Porque close sila ni Steven...?
Teka nga... Ano ba talaga ang status ng dalawang 'yon? Hindi kaya girlfriend siya ni Steven?! Kasi sa nakikita ko, si Angela lang ang babaeng nakakalapit kay Steven nang ganun...
O di naman kaya type or nililigawan siya ni Steven? Sabagay, kahit ano naman kasing panlalait ang gawin ko kay Angela, maganda talaga siya... At ka-level ni Steven.
Napa-buntong hininga ako.
Nang mag-uwian ay inihatid ko si Chesca sa bahay nila tapos pumunta ako sa Grocery Store. May pinabibiling light bulb sa'kin si Papa dahil napundi ang ilaw namin.
Sa kasamaang-palad, makakasalubong ko ang grupo nila Steven, kasama nila si Angela na nakikipagharutan kay Steven. Tatawid na dapat ako para umiwas pero tinawag ako ng isa sa kanila... Sino nga ba yun? Bryan? Bryan yata yun e.
"Pheneloppe!" Tumakbo siya palapit sa'kin.
"Bakit?" 'Di ko alam na alam pala ng lalaking 'to ang pangalan ko. 'Kala ko ang pang-i-stalk ko lang kay Steven ang alam nito e. -.-
"Ano..." Nagkamot pa siya sa ulo.
Dalian mo! May iniiwasan ako!
"Sorry. Dun sa... Alam mo na... Yung isinigaw ko na stalker ka ni-"
"Okay lang!" Ayoko nang marinig yun. Huhu. 'Wag mong ipamukha. Please!
"Sorry din kung ngayon lang ako nakapag-sorry ha? Pwede bang patawarin mo na ako at friends na tayo?"
"Huh? Ah, o'sige. O'nga pala. Nagmamadali ako. Next time na lang! Bye!" Nagmamadali akong tumawid at muntik na akong masagasaan ng motor kung hindi lang ako nakabig ni... Bryan? Bryan ba yun?
"Muntik ka na... Phew!"
"Salamat... Ano... Kanina ko pa iniisip 'to e. Ano ba talagang pangalan mo?"
Nakikinig lang sa'min yung mga kasama niya.
"Ayy. Sorry. Ako si Brandon."
Ahh! Brandon pala... 'Kala ko Bryan. Nakakahiya. XD
DU LIEST GERADE
My Grumpy Amore
JugendliteraturThis story is about a cheerful girl who has a crush on a hearthrob and famous guy. But this guy hates the girls like her. Do you think she has a chance? Find out!
