"Aw! Fuck, Lis!" daing niya ng makita kong tinamaan siya sa may ulo, at isa sa dibdib.

Serves you right, asshole! Kulang pa 'yan.

Tumayo ako mula sa pagkakatayo ko at pinagpagan ang puwitan. Himas-himas ang kanyang ulo ay lumapit siya sa'kin dala ang sapatos ko at inilagay 'yon sa mga paa ko pero hindi ko siya hinayaan at kusa ko ng inisuot iyon sa mga paa ko.

Tss! Hindi mo ako madadala sa ganyan.

Walang kababakasan na ngiti o anumang emosyon sa mukha ko. Ngayong kaharap ko siya ay pakiramdam ko nabuo ang desisyon ko... alam ko na ang gagawin ko.

"Baby—"

Itinaas ko ang kanang kamay ko para pigilan siya sa sasabihin niya matapos niyang tumayo. "Huwag mo akong tatawagin niyan."

Because right now, that's the last word I would like to hear from you.

I saw him stiffen for a moment before I heard him sigh, para bang ang dami niyang gustong sabihin pero hindi niya magawa. Marami nga. Kasinungalingan at pangako.

Promises that are too far from the promise land.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked with a stoic expression on my face.

He bit his bottom lip before he spoke. I noticed some bruises beside his mouth. Ano'ng nangyari rito?

"A-About what you saw lately—"

"Anong tungkol doon?" sabi ko at muli siyang pinigilan sa sinabi niya.

His thick eyebrow raised. "Damn. Could you let me finish my word instead of interrupting me?" inis na tanong niya.

Siya pa may gana mainis?

Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang siyang sabihin kung anong gusto niya. As if I give a care. 0

"About what you saw lately, I admit that it's my entire fault. I will understand kung magagalit ka sa'kin." saad niya. "But, I want you to know that it's nothing. Masiyado lang akong galit kaya ko nagawa 'yon."

Tinitigan ko siya nang marinig ko ang katwiran niya na 'yon bago ako ngumisi. "Ganyan ka naman, e. Sa tuwing magagalit ka kailangan may reserba kang babae. Hindi na ako magtataka pa."

Tumingin ako sa kawalan at hindi na tiningnan pa ang reaksyon niya.

"I'm sorry, I was drunk. Wala ako sa sarili ko."

Saka lang ulit ako tumingin sa kanya. "Baka gusto mo pang uminom? Lakad na, hindi kita pipigilan baka akala mo." matapang na saad ko.

Bahagya siyang nagulat dahil sa iniaasta ko ngayon. Ilang sandali pa bago siya nakabawi. "Wait, alam ko namang may kasalanan ako dito, pero hindi ba ikaw naman ang unang nagkamali? Bakit puro sa akin ang sisi?"

Lalo akong nainis dahil para siyang bata dahil kailangan pa namin umabot sa puntong nagtuturuan kung sino ang unang nagkamali!

"Ha! Ikinukumpara mo ba ang ginawa mo sa nagawa ko? Nakipaghalikan ba ako sa mga kaibigan mo? Nakipag espadahan ba ako ng dila sa kanila?"

He's really trying my temper!

Nakita ko ang pagtatagis ng bagang niya bago siya tumingin sa akin ng masama.

"Try, Lis. Try me." madilim na sabi niya habang unti unting lumalapit sa akin. Ako naman ay nagsisimula ng umatras.

Few more steps and he's now pinning me to the gate. Nadinig ko ang maingay na pagkalabog nito dahil sa pagkakasandal ko. I tried to push him as much as I could. Pero sa tikas ng katawan niya, nagsasayang lang ako ng lakas.

Promise In The WindWhere stories live. Discover now