Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

✥ 30

23.3K 401 73
                                    

LISSIE

I found myself heading my way home.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-digest ang mga nangyari. Hindi pa rin matanggap ng sistema ko ang mga nasaksihan ko. Nakakasawa. Nakakapagod. Paulit-ulit na lang.

Ilang ganito pa ba ang mararanasan at pagdadaanan namin sa relasyon naming ito? Hindi pa ba siya nagsasawa? Kasi ako?

Sawang-sawa na ako.

Magbabati, pagkatapos, magaaway. Ganon at ganon na lang. I know, all relationships have problems. It just all depends if you two are strong enough to get through them together.

And right at this moment, I'm getting weak.

Hindi ko alam kung kaya ko pa ipagpatuloy ang relasyon namin. Hindi ko alam kung kaya ko baliwalain ang mga sakit na ibinibigay ng relasyon na 'to sa'kin.

I just don't know.

"Manong, sa tabi na lang, po." saad ko sa driver ng taxi ng makarating kami sa bahay namin.

Matapos ang ilang paikot-ikot ay dito rin ang bagsak ko. Wala akong alam na puwede kong puntahan. Madaling araw na, it's dangerous for me to travel alone at this very late hour.

I wonder where Liam is now? I feel gulity all of a sudden by just leaving him there. Ewan ko ba, nawala talaga ako sa sarili dahil sa nakita ko kanina.

Sarap murahin ng mapapang-asawa ko!

Pagkababa ko ng taxi ay hindi agad ako pumasok sa loob ng bahay. Wala lang, I just feel like savoring the coldness of the air, the smell of fresh wind trying to distract all my thoughts. Sana lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayong gabi, makalimutan ko. Kahit pansamantala lang. Kahit ngayon lang.

Umupo ako sa batuhan sa harap ng bahay namin. Yumuko ako sa mga tuhod ko at doon ay piping umiyak.

Why do I need to endure this kind of pain? Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko para gawin niya sa'kin ito? Ganoon lang ba kadali sa kanya ang saktan ako? Ang ibaling sa ibang babae ang atensiyon niya?

Nangako siya, e! Nangako siya na hindi na siya gagawa ng mga bagay na makakasakit sa'kin. Ang lagay, puro pangako na lang?

Oo nagkamali din ako, inamin ko naman, e. Tinanggap ko. But what I did was nothing compared to what he had done.

Figuring my emotions right now is impossible. It's blurred. It's hard for me to control my emotions. But one thing's for sure, galit ako sa kanya.

Gusto ko na siyang hayaan, gusto ko na siyang pakawalan. Para magawa niya na lahat ng gusto niya. So he could kiss all the woman in the world! So he could destroy every woman's bed whenever he wants. But the thing is... can I do it? Can I let him go?

Napapikit ako ng mariin! Maisip ko pa lang na meroon siyang ibang babae na hinahalikan ay parang sasabog na ang puso ko sa sakit. I badly want him just for myself!

I was stuck between being too selfish to let him go, and to concrite to let it go too far.

I was in the middle of my sob when I heard a loud noise coming from a car's engine. Hindi pa ako nakakatingala ay nadinig ko na ang marahas na pagbagsak ng pinto ng sasakyan. Nang tumunghay ako ay nakakagulat na biglang napalitan ng galit ang kanina ay lungkot na emosyon ko.

Anong ginagawa niya pa dito?

My eyes flickered across the road and my breath hitched as my gaze paused on a guy who was staring intently at me.

"Lis,"

Hindi pa siya tuluyang nakakalakad ay tinaggal ko na ang dollshoes ko at magkasunod na ibinato iyon sa kanya.

Promise In The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon