Chapter 2

273 6 0
                                    

Sabrina's POV

Waaahh! Last day of vacation na!! Kailangan ko na tong sulitin. Ano pwedeng gawin?

Ayy! Grabe naman itong phone ko! Biglang nagva-vibrate
( Calling Denisse LC )

"Yoboseo? Den?" (yoboseo-hello) medyo nagtataka kong tanong.

( Saaab!! Sunduin mo ako dito bukas ah?! )
Haaayyy!! Ang hyper magsalita ng bff ko!!

"Okay!"

( Komawo! Excited na ako bukas! ) (komawo- thank you)

"Ako nga din eh!! And I can't fight this feeling anymore! Hahaha!!"

( Gravity! Excited na talaga ako! 4th year na talaga tayo! )

"Oo nga eh! May gamit ka na ba?"

( Wala pa nga eh. Ikaw? )

"Wala pa din. Ahhh!! You know what to do!"

( Of course!!! Bye!! )

Ganyan conversation namin ng bestfriend ko.  Agad kaming nagkakaintindihan! At medyo feeling korean kami! Hahaha.

At ayun. Nagpunta kame sa mall. Kapag first day ng class hindi kami nag-uuniform. Kaya kahit ano pwede isuot. Kaya mamimili kami ni Denisse ng mga damit and supplies.

Oo nga pala, may kuya ako, Romeo James Mariano. 3rd year college na siya at nag-aaral sa isang university dito din sa Pampanga. Marketing ang kinukuha niyang course dahil may kinalaman naman iyon sa business ng family namin. Meron kaming travel agency kaya balak ko na kumuha ng Tourism Management ka-graduate namin ni Denisse.

Habang nagddrive kuya ko, kinausap ko si Denisse.

"Den."

At hindi niya ako pinansin.

"Den."

Hindi pa din niya ako pinapansin.

"Ya Denisse Laureen Carpio!"

Napasigaw ako ng konti sabay sa pagpreno ng kuya ko.

"Huh?? Waeyo??" (Waeyo - why)

"Sus. Wag na lang.  Ano bang ginagawa mo at hindi moko pinapansin ah? Busyng busy ka dyan ah.." Sabi ko at kunwaring nagtatampo.

"Nagtetemple run." Dry niyang sagot habang nakatingin sa phone niya

Hmmp!! Palibhasa bago phone nya, naka-S5 ang bruha!!

"Sus, kaya naman pala. Tara na nga. Nandito na tayo"

Kuya ko pala yung nagdrive kasi naka-day off driver namin, at balak din niyang mag-mall. May immeet ata, hmmmm.

Nakapasok na kami sa mall. Una naming pinuntahan forever 21. Nakabili kami ng parehong style ng dress, magkaiba lang yung kulay. Bumili din kami ng bag, na-cutan kami kasi para kaming korean hihihi. Pumasok kami sa Payless para tumingin ng shoes. Well tumingin palang kami. At may nakita kaming cute na dollshoes, nung una ayaw naming bilhin kasi masyadong mahal, pero sa huli binili na namin kasama ng school shoes na rin.

Natapos nakaming bumili. Pati mga ballpens tska kung anu ano. Naglakad lakad kame para mag boy-hunting. Pero syempre joke lang. Nakaramdam kami ng gutom, syempre tao rin kami no. Kaya dumiretso kami sa Mcdo pa na rin mabilis. Nagorder ako ng spaghetti with fries at sundae. Si Den naman chicken burger tska mcfloat. Habang kumakain kame bigla syang napatigil.

"Den napano ka??" Curious kong tanong sabay subo sa fries kong may sundae

"Huh? W-wala..." Sabi niya sabay inom sa kanyang float.

"Wala ka dyan. Eh bakit ka namumula ha??"

"Ako? Hindi ah.." Sabi niya habang nakatingin sa may likod ko.

Syempre na curious ako kaya tumingin ako kung saan sya nakatingin. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Nag-joke lang ako kanina na mag-boy hunting kame pero sya naka-hunt na agad?? Kaya naman pala sya nag-mukhang kamatis kasi nandun yung ultimate crush ng bestfriend ko. Si Kurt Cruz.

"Kaya naman pala.." Sabi ko at halatang pinipilit na itago ang tawa ko.

"Eh kasi..." At hanggang ngayon namumula pa din siya.

"Sus, baka malusaw yan ah.."

"Malapit na nga eh... Tse! Yan tuloy hindi ko na naubos to.." Sabi niya at halatang malapit ng mainis.

Ang dali talagang inisin nitong bestfriend ko!!

Natapos na siyang kumain at wala na din si kurt kaya naisipan na naming umuwi. May pasok na kasi bukas.

Hinintay namin ang kuya ko sa starbucks at nagpalipas na muna ng oras doon, tutal doon malapit nakapark ang sasakyan.

Mahigit 30 minutes kaming naghintay at nakadating na din siya.

"Ang tagal mo kuya, nakipagdate kapa kasi eh.."

"Date ka dyan, bumili ako ng damit ko at sapatos pang-corpo attire ko." Sabi niya at hindi na lang ako nakipag talo.

Palabas na kami ng starbucks ng may nabunggo akong babae.

"Oh my, sorry!!" Sabi ko at buti na lang hindi natapon ang inorder niyang frappe.

"Tss!! Get out of my way!!"

Hmmmpp!! Ang arte akala ko sobrang ganda!!! Hinayaan ko na lang dahil mabait ako at umalis na lang.

Hinatid muna namin si Denisse dahil mejo malayo ang bahay nila sa amin.

"Bye Sab! See you tomorrow!! Text kita ah!!!" Sabi niya ng nakalabas sa kotse.

"Okay!!"

"Bye kuya james! Thank you sa paghatid!! Komawooo!!! Bye ulit Sab!!" Sabi niya at pumasok na sa kanilang bahay.

"Hoy dito ka nga sa front seat, ang gwapo ko para maging driver mo.." Sabi ng kuya ko.

"Kuya ako na lang magddrive.." Sabi ko with matching puppy eyes

"Hindi pwede..." Sabi niya ng walang alinlangan

"Hindi naman malalaman nina mommy ehhh.."

"Malalaman nila dahil sasabihin ko.."

"Kuya naman... Tsk bat kasi hindi pwede eh marunong naman ako." Sabi ko at nagtampo

"Hindi ka naman babawalan ng walang dahilan Sab.." Sabi ni kuya habang nagddrive.

Pagkauwi namin sa bahay, wala pa sina mommy doon kaya dumiretso na ako sa kwarto at inayos ang mga pinamili ko. Pinalaba ko sa katulong namin yung binili kong dress para isusuot bukas.

9PM na ng nakauwi si mommy at daddy sa office kaya sinabayan ko sila sa pagkain.

"Marami ba nagpabook mommy?" Tanong ko dahil halatang pagod siya.

"Oo, may nagpabook sa Japan at iba pang domestic flights. At alam ko may magpapabook niyan sa Korea.."

"Wooow, korea!! Gusto ko namin makapunta ni Denisse doon!!"

"I know anak, sa susunod makakapunta ka din doon.."

Bago ako natulog ay tinext ko si Denisse kung anong oras ko siya susunduin para bukas. Oo, sabay kaming papasok bukas, ganoon kami palagi kapag first day ng school. Nakatulog ako agad sa sobrang excite at malamang ganoon din si Denisse.

******

Which is which ( Slow Update / Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon