iii

1K 54 11
                                    

Luhan's POV


Minulat ko ang aking mga mata. Nang minulat ko ang aking mata nakakita ako ng mga puting bagay. Sa katunayan, puti lamang ang aking nakikita. Tumingin ako sa paligid at puti lamang talaga ang nasasagap ng aking mala-usang mata. Ngunit paglingon ko sa kaliwa, mali kanan. Mali kaliwa, mali ulit. Ngunit teka, tama pala ako una pa lamang. Kaliwa pala. Nakakita ako ng salamin. At aking nakita ang repleksyon ko. 

Ako'y nasiyahan at nagandahan sa aking nakita. Nagandahan ako sa kadahilanan na mayroong napakagandang binibini sa salamin, at mas labis pa akong nagandahan sa kadahilanan na ako iyong magandang binibi. Ngunit dahil ako'y isang dalagang pilipina, ako'y mapagkumbaba. Kaya sasabihin kong hindi totoo na ako'y kagandahan kahit iyon ang katotohanan.

Nasiyahan naman ako sa kadahilanan na nakikita ko ang sarili ko na gamit gamit ang pambansang suot naming mga kakabaihan, ang baro't saya. Ang kulay ng aking baro't saya ay kulay pula na hinaluan ng puti (Pink). Mawalang galang na lamang po sa aking lingwahe, dalagang pilipina po kasi ako. Habang nasisiyahan at nagagandahan ako sa aking pagtingin sa isang salamin ay bigla itong nasira sa maliliit na piraso.

Ako'y labis na nagulat ng nakita ko si Hello Kitty pagkabasag ng salamin. Kulay pula ang kanyang mga mata at mayroon siyang hawak na kutsilyo. Nagsimula naman akong tumakbo at ako'y kanyang hinabol. Ang aking pagtakbo ay parang prinsesa, na iwinawagway mula sa kanan hanggang kaliwa ang pambaba ng baro't saya. Pang-isnow-wayt ang aking drama. Ngunit habang ako'y tumatakbo nalaglag ang aking sapatos na may takong kaya pang-sindarela ang aking drama sa pangyayaring iyon. At pagkatapos ng pangyayaring iyon ay napada ako kaya mala-ana-ng-tumigas(frozen) ang drama ko.

Lumingon ako sa gawi ni Hello Kitty siya'y aking nasaksihan na ako'y kanyang sasaksakin na. Nasaan ang aking prinsipe? Nasaan siya? Ako'y nadadayaan sa istoryang ito ah, kung sa iba ay mayroon silang prinsipe samantalang ang angking kong kagandahan ay hindi binibigyan? Aking ipaademanda ang taga-sulat ng kwento na ito. Ayan na, sasaksakin na niya ako. Malapit na, labing limang segundo na lamang ang layo at ako'y sasaksakin na. Ngunit teka, kailangan kong humiyaw, sumigaw, sumayaw! Sampung segundo na lamang ang layo kaya sisigaw ako pagkatapos kong magbilang pababa mula sa sampu. Sampu, siyam, walo, pito, anim, lima, apat, tatlo, dalawa, isa. SIGAW!

"SIGAW!!!" sabi ko at bigla akong napaupo. Hinawakan ko ang dibdib ko. Takte, panaginip lang pala yun. Walangya T^T Huhuhu T^T Akala ko trinaydor na ako ni Hello Kitty hindi pa pala :3 Pero tampo muna ako sakanya ng 10 seconds. Hmp.

"Hyung!" rinig kong may sumigaw at nakita ko si Sehun na tumatakbo papunta sa pwesto. Niyakap ko siya, ene be yen, leyt eng prens chermeng ke. Pwe! Ano ba tong pinagsasabi ko? Pwe! Hindi ako ako bakla~ kla~ kla~ kla~ kla~ kla~ Hindi ako shokla~ kla~ kla~ kla~ kla~ kla~. Bumitaw naman si Sehun sa pagkayakap. 

"Hyung okay ka lang ba? LumabaTH lang ako THaglit para maeTHcuTHe tayo THa klaTHe eh tapoTH pagkabalik ko maririnig na lang kita THumigaw ng THIGAWnag-aalalang tanong sa akin ni Sehun.

"Okay lang ako, teka bakit nga pala ako nandito? Pwede ko bang malaman kung bakit?" tanong ko sakanya.

"Natamaan ka ng bola THa ulo hyung. THinadya nung mga bully yun kaya ayun, naTHuTHpend nanaman THila. Hehe." sagot niya. Ngumiti nalang ako sakanya at tumango. Tumayo naman na ako ngunit pinaupo ako ni Sehun.

"Hyung okay ka na ba?" nag-aalalang tanong niya ulit sakin.

"Yap! Tara na, namimiss ko na si Baekhyun" sabi ko sakanya. Nakita ko namang sumimangot ang mukha niya. Nilagay ko sa gilid ng lips niya ang dalawang thumb ko at nagform ng ngiti sa face ni Baby Sehun.

"Hyung :3 Baekhyun nanaman?" sabi niya. Ngumiti naman ako sabay sabi,

"Nagseselos ka ba?" 

"Opo" sabi niya.

"Hahah! Kay Chanyeol na yun. Nag-aalala lang talaga ako dun kasi syempre para ko na siyang kapatid" sabi ko sakanya. Nakita ko naman siyang ngumiti.

"THige then hyung. Tara na!" sabi niya at hinawakan ang kamay ko at nagsimula na kaming tumakbo. Holding Hands While Running ang peg namin ah. Nice hahaha!

~

Nakarating kaming dalawa sa park at eksakto nakita namin sina Chanyeol at Baekhyun. Pareho silang tulog. Ang posisyon nila? Ayun, nasa harapan ni Chanyeol si Baekhyun. Nakaback hug naman si Chanyeol kay Baekhyun. Wah! Bagay sila <3 

"Picturan natin Sehun?" sabi ko kay Sehun. Tumango naman siya at ngumiti. Nilabas namin pareho ang cellphone namin at nagtake advantage na kami. Pinicturan namin silang dalawa. Pero hindi namin ito ipopost. Pangblackmail lang namin ito.

Nang nagsawa na kaming picturan sila ay ginising na namin sila. Ang cute nga ng reaction nilang dalawa eh. Nagtulakan sila nung nagising sila tapos nagtalikuran tapos nagblushan. Mafeelz~ Okay lang na beks si Baek as long as happy siya :)

Magdamag kaming nagkulitan, nagcutting na nga kami eh. Hahaha! Sareh, pero ganyan talaga ang buhay. Hahahah! At ngayon tapos na ang klases ay makikisabay kami sa pag-uwi. Hahah! Kasabay ko si Baekhyun.

"Ang cute niyo ni Chanyeol" sabi ko sakanya ngunit hindi ko inaalis ang tingin ko sa dinaraanan. 

"Cute mo diyan" sabi niya at halata sa tono niya na kinikilig siya. Kilalang kilala ko na tong si Baekhyun. Proof? Alam ko kung kelan at ilang beses siyang nangungulangot sa isang linggo. Nang makarating na kami sa place naming dalawa, oo place namin. Pinagdesisyunan ito ng mga magulang namin para maalagaan ko na rin si Baekhyun habang sila busy sa company.

Sige ito na, ng makarating na kami sa place namin niyakap niya ako. Back hug to be exact. Ngumiti naman ako at humarap sakanya at niyakap pabalik.

"May problema ka ba?" tanong ko sakanya. Umiling naman siya habang nakasubsob ang mukha niya sa chest ko. Ang cute :)

"Alam kong may problema ka. Kaya sabihin mo na" sabi ko sakanya. Tumingin naman siya sakin in a sad expression then biglang nagblush tapos sinubsob niya ulit mukha niya sa chest ko. Tapos nagsalita na siya. And his words made me smile. He said,

"Call me crazy. Call it unbelievable. And call me gay but I think I'm inlove with Park Chanyeol" 

Eyeliner and Bubble Teas (BaekYeol and HunHan Story)Where stories live. Discover now