ii

804 51 10
                                    

Normal POV

Sobrang lawak ng ngiti ni Chanyeol ng tinanggap ni Baekhyun ang alok niyang maging magkaibigan sila. Di niya alam kung bakit sobrang saya niya basta ang alam niya tinanggap ng isang Byun Baekhyun na hindi mahilig makipagkaibigan dahil sa pag-aakala niyang magbibigay siya ng kamalasan sa kung sino man maging kaibigan niya.

Dahil sa sobrang tuwa ni Chanyeol ay hinila niya sa isang yakap si Baekhyun. Halata sa mukha ni Baekhyun ang pagkagulat ngunit unti-unti niya namang niyakap pabalik si Chanyeol. Di alam ni Baekhyun kung bakit niya niyakap pabalik si Chanyeol basta ang alam niya ay ligtas ito sa kamay ng higante.

'Ang saya ko, pero baka malasin din siya tulad nalang ng nangyari kay Fire' sabi ni Baekhyun sa kanyang sarili habang yakap yakap pa rin ang higante. 

"Can I call you Baekkie?" biglaang tanong ni Chanyeol.

"No way, parang beki ang dating" pagtutol ni Baekhyun.

"Hahahah! Pa-minsan minsan lang naman hyung eh. Saka minsan tatawagin din kitang Smurf. Mwehehehe :3" sabi ni Chanyeol.

"Yah! Pinagmumukha mo ba sakin na mallit ako? Ha?!" kunwareng galit na saad ni Baekhyun pero sa loob ay kinilig siya ng kaonti.

"Di naman hyung. Heheheh" sabi ni Chanyeol tapos kinamot ang kanyang batok.

"Whatever Giant" sabi ni Baekhyun sabay irap. 

"Hahaha! Tara na nga hyung. Makisama na tayo sa barkada. And please, wag kang mahiya. Arasso?" sabi sakanya ni Chanyeol. Nagtaka naman si Baekhyun, sino ba talagang mas gurang sakanila? Sa pananalita ni Chanyeol parang siya at hindi si Baekhyun. 

"Bakit maraming may gustong makipagkaibigan sa akin? Hindi ba sila natatakot na baka malasin sila?" pahayag ni Baekhyun at bahagyang yumuko. Hinawakan naman ni Chanyeol ang baba nito at onti onting inangat.

"Walang malas Hyung. At ang malas, sadyang dumadating lamang iyan agad agad. Parang karma. Kaya wag mong isiping malas ka." sabi ni Chanyeol that left him puzzled. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabe ng higante sakanya.

"Hay, tara na nga Hyung. Punta na tayo sa canteen." pahayag muli ni Chanyeol at hinila na si Baekhyun.. Kinaladkad is the exact word for that.

Matapos ang pagkaladkad ay nakarating na rin sila sa canteen at nakita ni Chanyeol ang barkada niya kaya kinaladkad niya ulit si Baekhyun papunta doon.

"Annyeong Haseyo" bati ni Chanyeol ng di pa rin bumibitaw sa wrist ni Baekhyun.

"Hyung" sabi ni Baekhyun at lumapit kay Luhan tapos niyakap ito.

"Wow there Baek, okay na ba kayo?" tanong ni Luhan at niyakap pabalik ang kaibigan. Wala po silang relasyon inuulit ko. Magkapatid ang turing nila sa isa't isa.

"Ah eh oo Luhan~Hyung kaso ewan ko kung bakit siya ganyan" si Chanyeol ang summagot.

"Nahihiya pa rin siguro. Pagpasensyahan niyo na guys" sabi ni Luhan sa barkada.

"Fire" bulong ni Baekhyun kay Luhan. Nanlaki naman ang mata ni Luhan. Agad siyang humiwalay sa yakap at nakita niyang luhaan ang kaibigan. Ang sampu naman ay naaawa kay Baekhyun. Lalong lalo na si Chanyeol at hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil siya ang Happy Virus kaya ayaw niyang may nakikitang malungkot.

Lumapit naman si Chanyeol kay Baekhyun at binackhug niya ito. Nagulat naman ang iba sa naging kilos ni Chanyeol dahil ayaw na ayaw niyang may nakakayakap na lalake. Kaya laking taka nila kung bakit ganoon ang ikinikilos ng higante.

Eyeliner and Bubble Teas (BaekYeol and HunHan Story)Where stories live. Discover now