"Mama naman, e. Bat kase ang aga mo akong iniwan? Tignan mo tuloy, oh. Ako lang mag isa tas wala pa akong masasabihan netong puso kong nasawi. Langhiya talaga, Mama! Ang sakit pala. Akala ko kase, habang buhay na siyang nandyan. Lintek na forever yan, e. Panira" Madrama kung pahayag habang hinahaplos ang puntod ng Mama ko. Akala ko talaga forever na kami ng hunnybunchie ko. Lintek na, hayun at naghanap mg hipon! Punyemas, sa ganda kong to? Pinagpalit lang ako sa hipong may malaking ngipin? Punyeta talaga. Akala naman niya ang gwapo niya e mukha syang si Kingkong! Mabuti pa si Kingkong, mabait. Eh yun? Punyemas!
"Grabe talaga, Mama! Ang pangit naman ng ipinalit nya sa akin. Hipon, Ma. HIPON! Oh gosh, ang ganda ko naman talaga masyado para ipagpalit sa letcheng hipon na yun na may malaking ngipin, may patik pa sa pwet!" Okay, di ko talaga sure kung may patik yung hipon na yun sa pwet pero feel ko meron talaga dahil ang likot-likot niya.
"Tignan mo tuloy, Ma. Para na akong baliw dito. Huh, makikita ng Derrick na yun na mas maganda pa ako keysa haliparot niyang hipon!" Haay, jusko. Nakakastress talaga yung mga pangit na yun. Heh.
Tumayo na ako at nagpagpag mg damit, "Mama, babalikan kita dito pag may update na sa lovelife ko. Loveyou, Ma. Alis muna ang pinakamaganda mong anak. Haler, as if namang may iba ka pang anak" Tumawa pa ako. Taena, nababaliw na yata ako.
Naglakad ako palabas ng Sementeryo. Feel na feel kp naman yung hangin na nagpapalipad ng buhok ko, feel ko tuloy isa ako sa mga Victoria Secret Angels. Hihi.
"Ako si Marimar.. Lumaki sa tabing dagat, Sa Lola't Lolo namulat. Marimar, AW!"
Pakanta kanta pa ako habang naglalakad. Shit. Ang layo ba naman kase ng exit ng sementeryong to. Naiistress ang beauty ko.
"Marimar, Marimar, A-" Di ko natapos yung pagkanta ko ng may matamaan akong Lalaking nakayuko doon sa isang puntod. Umiiyak yata. Hm, ganyan naman talaga pagnamatay yung taong mahal mo. Masasaktan at iiyak talaga but eventually, makakamove-on din naman.
Langhiya, humu-Who Goat ako. Pagkalabas ko ng sementeryo, pumara agad ako ng tricycle. Malapit lang naman ang Apartment ko dito. Ako nalang kase ang mag isa sa buhay tas diko pa natapos amg pag aaral ko, namamasukan lang ako sa isamg Coffee shop. Kaya naman kung nag bboyfriend ako, gusto ko yung Mayaman, gwapo at Hot. Di bale ng masabihan ng gold-digger basta stable ang buhay ko.
Ang hirap kayang maging mahirap, no! Sino ba naman kase ang ayaw yumaman? Haler, pratikalan na ngayon, teh! Matagal ng patay ang kasabihang, "Sa hirap at sa ginhawa tayo'y magkasama" Dapat, ginhawa lang lahat wag ng hirap! Jusko.
Kaya nga lubos ang pamghihinayang ko dun kay Derrick, e. Mayaman kase yun, may ari ang pamilya nila ng mga Hotels. Oh diba? Hotels yan. with S, kaya ibig-sabihin marami.
Nung kami pa kase, kada Monthsary namin, ang dami niyang binibigay. Alahas, mga damit, Chocolates at iba pa. Minsan binibigay pa niya yung credit card niya sa akin para mag shopping ako kaya naman kung titignan ay mukha akong mayaman dahil sa in kung fashion style.
"Manong, sa kalye butingting nga." Umupo na ako at nag drive naman si Manong. Haay, excited na akong basahin ang Fifty Shades of Grey. Ang hot talaga ni Christian Grey! Jusko, kung ako si Anastacia, papayag din akong maging submissive no. Ano pa bang hanap mo? Gwapo, Hot and Rich. All in one! Pero feeling ko, masakit talaga yung mga palo ni Christian kay Anastacia. Hala!!
Nawala yung pag ddaydream ko kay Christian ng prumeno bigla si manong, "Ano ba naman yan, Manong! Ang ganda ganda ko para maagang mamatay! Jusko, di ko pa nga nahahanap yung Christian Grey ng buhay ko tas papatayin mo na agad ako? Huh, you dont do that to me, Manong ha!" Ay naks, english yun. High school lang kase natapos ko kaya medyo bobita ako sa English lalo na sa Math!
Napakamot ng ulo si Manong, "May kuto ka ba koya? Bili ka ng Kwell pampatanggal kuto at lisa yun." Nakapag endorse pa ako. Haha. "Eh kase, Maam. Bigla nalang huminto yung sasakyan sa harap, oh" Tinignan ko ang tinuro ni Manong. At halos malula ako sa ganda mg kotse. Mukhang mamahalin.
Di naman ako familiar sa mga sasakyam pero alam kung mamahalin ang isang to. Ferrarri, e. Gwapo siguro ang nagmamaneho. Lumabas ako ng tricycle para puntahan yung sasakyan mukhang wala atang planong umalis, e. Malay nyo naman, gwapo ang driver diba? Edi jackpot na.
Kinatok ko yung bintana nung driver, "Excuse me, humaharang ka ho sa daanan." Sabi ko at nakapamewang pa. Kunyari, maarte. Ganyan kase ang nababasa at napapanood ko sa mga movie at nababasa ko sa wattpad. Kunyare daw, magiinarte yung babae tas maiinlove ang lalaki, ay ang romantic naman!
Bumukas yung pintuan at lumabas ang isang lalaking,
CHAKA!
As in, chaka talaga! Ang pangit pangit niya!! Nakangiti pa siya kaya litaw na litaw ang yellow niyang ngipin na parang walang pangtoothbrush. Pango pa siya tas ang dami niyang tigyawat sa mukha! Ang ew ng fes nya!! Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa. At ngumiti pa.
"Hi, Miss biyotipul!" Gusto ko ng tumakbo at sabunutan lahat ng authors ng mg libro! Sabi nila husky daw ang boses, sabi nila mga gwapo pero bat ganito? Mukha siyang dagang naipit. At yung boses niya, tunog ipis.
Okay, inaamin kong laitera ako, may nameet na akong mga pangit pero hindi tulad neto! Mas gwapo pa yata yung mga tambay sa kanto namin keysa dito, e.
"Uh, ah sge, hehe. Una na ako, ha? Hehe" Tumalikod ako at halos takbuhin ko na yung sikad na sinasakyan ko. Nakakaloka!!!
"Okay ka lang, Maam? Bakit daw nasira yun?" Tinignan ko ng masama ang driver, "Mukha ba akong okay, manong?! Jusko! Nakakastress ang buhay na to! Umalis na tayo manong!" Hysterical na pahayag ko. Nakakaloka!!!
Nako, Ma. Mukhang matatagal ang balik ko diyan. Akala ko kase, gwapo. Kwago pala. Pwe.
YOU ARE READING
Painful Goodbye
General Fiction"I dont love you, okay? Why can't you understand it? Masyado bang mahirap yun?" Hindi ako umiyak. Nakatingin lang ako sakanya habang sinabi yun. Masakit, teh. Sobra. Pero ako to, eh. Maria Stefania Batumbol. Hindi ako nagpapatalo sa kahit anong emos...
