Prologue

1.9K 62 43
                                    

CRUEL BEAUTY

This is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, event's and incidents are either products of authors imagination. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual event's was purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit this story in anyway. Please obtain permission.
______________________________________
Warning: May involved scenery or themes not suitable for the minors. Read at your own risk. Rated 18!




PROLOGUE

MALANSANG.. nalasahan ni Claudette ang dugong umaagos mula sa kaniyang  pisngi. Putok ang gilid ng kaniyang labi dahil sa malakas na pag kakasampal nang isang hindi kilalang costumer. Matagal ng tanggap ni Claudette na kasama ito sa kaniyang trabaho ngunit... mabuti nga sana kung normal at disente ang trabaho niya pero hindi gano'on.

Kahit pa sabihin na hindi niya ito ginusto, madumi parin siya, mabantot ang buong katawan niya na para bang araw araw ay isinisigaw nitong nasa putikan siya, na maihahalintulad siya sa isang mababang uri ng babaeng nanlilimos at humahagilap ng kaunting dangal--- kaunting pagmamahal.

Regular na hostess si Claudette sa isang high-end expensive club na pinag-tratrabahuhan rin nang kaniyang kuya-- kuya Clayton bilang isa sa mga naglalakihan at nag gwa-gwapuhang bouncer ng club.  Halos hindi na nga niya matandaan kung paano nga ba sila nawagi sa ganitong uri ng hanapbuhay.

Basta ang alam lang niya sinundo lang siya ng kuya niya sa ospital, habang binabantayan ang may sakit na Ina, at pagkatapos noon doon na nagsimula ang lahat. Hinatid siya sa Club ni Clayton, at hindi na siya Naka alis rito.

Marahang napa-ngiti ng mapait si Claudette saka naisip ang siraulong lalaking kaharap. Ngumiti pa siya rito ng pagkatamis-tamis habang patuloy ito sa paglamyarda ng kaniyang bulaklak. Ngunit sa kabila ng napakagandang ngiti ni Claudette ay sagad-sagaran ang hignapis ng puso niya at nagkukumulo na rin ang dugo nito para sa lalaki.

Nang mga sandaling iyon ay nasa loob-loob na niyang urakan nang kitchen knife ang gwapo't maamong mukha ng nito. Dahil lubos siyang umasa noong una na ito nga ang superhero niya-- ang lalaking mag aahon sa kanya sa kinasasadlakan niyang imburnal.

Well, hindi mo rin naman kasi masisi si Claudette kung umasa nga siya sa ganoon. biruin mo ba naman kasing  itake out siya nang ura-urada habang nagpe-performed pa siya sa gitna ng stage. Galit na galit pa ito habang binabalutan siya ng puting tapeteng malaki. Pakiramdam nga niya no'ong sandaling iyon ay mayroon ng lalaking tunay na magmamahal sa kaniya...

Ngunit, akala lang pala niya iyon-- dahil ang totoo ay walang lalaking tunay na magmamahal sa isang babaeng nangigitata ang kabulukan ng katawan. Na kailangan niyang magising sa realidad na ang mga pokpok, hindi mamahalin ng kahit na sinong Pontio Pilato, sabagay. Sino ba naman kakain ng tira-tira ng pinag-sawaan ng ibat-ibang lalaki.

Napailing siya..

Ang isiping tunay ang isang prinsepe ay isang malaking kahibangan. Even fantasizing perfect prince came to her life just to save her ass. Napakibit balikat si Claudette, saka muling siniksik sa isip ang mga katagang...

"Walang ganon gago! Puro kaharutan iniisip mo!"

"Putangina!" pag-mumura niya sa kaniyang isip.

Bakit ba nawala sa isip niyang puro kalokohan lamang ang pumapasok sa utak niya? Bakit ba hindi pa siya nadala. Her mother was brutally victim of this kind of situation she had. Then suddenly the familiar hurtful feelings just bumped her chest again.

Nainlove ang mama niya sa sariling costumer rin nitong ubod ng yaman almost two decades passed. Binahay ang Ina niya ng lalaking naging ama nila ng kuya niya at iniwan rin ito matapos silang maipanganak. Tulad niya, ang ina rin niya'y isang mababang uri ng babae. Nangarap makaangat at nang magkaroon ng pagkakataon, kumapit sa isang lalaking mayroon na palang asawa. Because his dad was legitimate married before they'll parents met. Huli na para magsisi ang mahal niyang Ina. Buhay na silang magkapatid at ang tanging choice na lamang nito'y buhayin sila sa sarili nitong dugo't pawis. They'd childhood wasn't given easy.

CRUEL BEAUTY (R18) √ Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon