CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE

Start from the beginning
                                    

"What?" tatawa-tawa siyang lumingon sa akin.

"Tigilan mo nga akong bastos ka!"

Lalo siyang natawa. Kung wala lang kami sa gitna ng highway at hindi siya ang driver, baka ni-wrestling ko na siya. Pasalamat siya hindi pa ako ready humarap kay San Pedro.

"Epic ka talaga." tumatawa pa rin siya. Walang hiya talaga! Ako na naman ang naging laughing stock ng kumag.

"Huwag mo nga akong kausapin. Manyak! At huwag mo na ring ituloy 'yang iniisip. Naku,Delgado. I swear, puputulin ko na ang lahi mo." nagsisilabasan na ata ang mga ugat ko sa leeg sa sobrang pagpipigil na sakalin ang halimaw na nagdadrive. Mas lalong nadagdagan ang inis ko nang tumawa siya ng mas malakas. Nababaliw na siya!

"Ano ba kasing iniisip mo?"

"Ano ba sa tingin mo?! Baliw ka na!" pinaghahampas ko siya sa braso. Tatawa-tawa pa rin siya.

"Ano bang masama kung kakain tayo sa hotel?"

Natigil ang paghampas ko sa braso niya. "K-kakain?"

Tumango siya pero nakangisi pa rin na parang tanga.

"Ano ba kasing ineexpect mo na gagawin natin sa hotel?" nanunuksong tanong niya.

Namula ako ng todo sa hiya. Natahimik ako at hindi makapagsalita.

"Pinagpapantasyahan mo ako,no? Aminin mo?" pigil tawang tanong niya sa akin. Sa sobrang hiya, hinampas ko siya sa mukha.

Ang kapal talaga! Pagbintangan pa akong may pag nanasa sa kanya! Eh,hindi naman siya gwapo sa paningin ko!

"Nananaginip ka ng gising! Tantanan mo nga sabi ako,eh!" sumigaw na ako sa sobrang inis.

Halos isubsob na niya ang mukha niya sa manibela kakatawa. Hinayupak talaga!

"Mamatay ka sana kakatawa!" sigaw ko sa kanya.

Naluluha siyang tumingin sa akin. Nangiyak na siya kakatawa. Gusto kong dukutin ang eyeballs niya.

"So,ano? Nagugutom ka ba?"

Kagat-labi siya habang nagtatanong. Yeah,right. Nagpipigil pa rin ng tawa ang kumag.

"Hindi ako gutom!" sigaw ko sa mukha niya. Totoo naman. Matakaw ako pero may patawad rin naman ako sa pagkain. Isa pa, naka-apat na order ako ng ice cream kanina.

"So,ayaw mong maghotel tayong dalawa?" hininto niya ang sasakyan sa tabi. Nakangisi na naman siya.

"Mag-hotel ka mag-isa mo!" sa sobrang inis ko ay bumaba ako ng kotse niya. Kailangan ko ng oxygen! Feeling ko malalagutan ako ng hininga kapag nasa kotse ako ni Delgado. We breath in the same air. Baka nakalanghap ako ng virus niya. Wala akong balak maging baliw tulad niya.

Napatingin ako sa paligid. Nasa park pala kami?

May mga batang naglalaro sa playground. Nagtatakbuhan ang iba at malakas na tumatawa. Ang iba ay nasa swing, seesaw at slide. Masaya sila.

Buti pa sila nag-eenjoy.

Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng kotse. Bumaba rin siguro si Delgado.

Bago pa siya makalapit sa akin, mabilis akong pumunta sa playground. Yung ibang bata napapatingin sa akin. At dahil badtrip ako, hindi ko sila magawang ngitian. May nakita akong batang babae na bumulong sa batang lalaki na katabi niya habang nakatingin sa akin.

Nakuu, kung di lang bata 'tong mga kaharap ko, baka nasinghalan ko na sila.

Teka. Ba't ba nadadamay sila sa init ng ulo ko?

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now