Chapter Forty-six :

3.2K 41 0
                                    

Chapter 46 :

Marami ng tao sa baba, minimake upan pa rin ako ni chris. Hayy nalang talaga.

" oh yan, papayag na talaga akong mas maganda ka pa sakin Kaylee. :) " Chris.

" oh, edi lalaki ka na nyan? Hahaha. " ako.

" asah, di tayo talo girl. :P " ako.

" whatever Chris, baba na tayo. " ako.

Pag baba namin Lahat ng mata nasa amin ni chris.

" uyy, bakit nakatingin sila sa atin? " ako.

" kasi maganda ako, hahaha. Joke. Sa IYO lang, you look so damn Hot Kaylee. " Chris.

" hahaha, damn you. Damn you. :P " ako.

Umupo lang ako sa gilid, masyado kasing masikip. Merong nag iinoman, nagsasayawan, naghihiyawan, wait. Oh May Geee, may naghahalikan? Like duh?! Hahaha. Ok. Mind your own business na lang.

" Kaylee, duh? Enjoy the party kaya. Daming hot boys over there oh " Chris.

" Duh din Chris, I'm in a relationship with Samantha Jane Cruz, I'm Commited and I'm loyal kahit wala siya. :P " Ako.

" hahaha, eh anong gagawin mo? Uupo lang dyan? Oh come on. " Chris.

" heyy, insan. Drink this beer oh.  Minsan lang naman. Ako bahala kay Sam. :) " JD. Lasing na to. English eh. Hahaha.

" oh, sige na nga. " ako.

Uminom muna kaming tatlo ni JD at Chris. Madami na din ang nainom namin, wew. Tinamaan na yata ako.

" heyy, Kaylee. Let's Dance " Chris.

" oh sure, tara insan. " ako.

" tara, :) " JD.

Nagsayawan kami sa dancefloor. Hindi ko kilala ang mga nakasayaw ko. Hahaha.

" Chris, em so tired. Tara upo muna tayo. Hehehe. " ako.

" oh sh*t Kaylee, you're so wild sa dance floor kanina. Hahah. Lahat ng atensyon nasayo. " Chris.

" hahaha, haller. Dancer kaya ako. I mean tayo. :D Labas muna tayo. Pahangin. :) " ako.

Lumabas kami muna pero nakita namin si Austin. Wow, pumogi, pero hindi ako interested.

" uyy, Chris. Kaylee? Wow. Mas lalong gumanda ka ah. " Austin. Nag smile lang ako.

" sis, don't be bitter naman. Hahaha " bulong ni Chris. Tumawa lang ako.

" sige, una na ako Chris, Kaylee. Bye. :) " ako.

Natatawa ako sa iba, and eww. Nagsusuka na sila.

" eww, tingnan mo Chris oh. Hahaha. Anong oras na ba? Bakit wasted na sila. " ako

." wow, 02:00 am na. Bilis ng oras ah. " Chris.

" what?! " ako. seryoso?! 10 pm lang curfew ko kay Sam. Grrr.. Tinext ko muna sya.

[ to: Beb.<3 ( pa change2 kasi contact name nya sa phone eh. Hehe )

Sam, sorry hindi ako nakatext. Nagprepare kasi kami kanina sa bahay nila Chris then hindi pa ako nakauwi. Dito muna ako matutulog sa kanila. Late na kaSi eh. I'M so sorry. ]

Hayy, sigurado patay talaga ako sa kanya pag nagkita kami. :/

" Problemado ah? Hahaha. Tara. Party2 nalang muna tayo! " JD.

Nagsaya na lang ako sa party, Once in a lifetime lang to eh. Whehehe.

***

= MONDAY =

Mula nung party hindi na nagtext si Sam sakin. </3 Tumatakbo ako ngayon sa taas ng class room. Malapit na mag flag ceremony eh.

" Sam.! " ako.

Hindi nya ako pinansin, hinawakan ko kamay nya. Pinauna ko muna sila Naomi at Brianna.

" Sam, I'm Sorry. " ako.

" oh, cellphone mo. Kunin mo " Sam. Nag exchange kami kasi ng phone. Pero hindi ko kinuha.

" meron din pala akong nabasang text dyan galing kay Austin, sorry kung nabasa ko. " Nice to see you Again daw, you look pretty daw. Magkasama pala kayo nung party"

" Hindi, nakita lang namin sya. Tanungin mo pa si Chris " ako.

" Kunin mo na ang cellphone mo, bibitawan ko talaga to " hindi ko parin kinuha, nilaglag nya ito.

" oh, sabi sayo eh. Bitawan mo ako Kay. Nasasaktan na ako  " Sam. Narealize ko masyado na palang mahigpit ang hawak ko. Sh*t.

" Kaylee! Bitawan mo ako. " sabi nya pero hindi sya sumisigaw. Binitawan ko na lang siya.

" good " Sam at umalis na siya. Hindi pa talaga ako umiyak. Strong ako eh. Bumaba na din ako, flag ceremony na eh.

Maghapon kaming hindi nagpapansinan ni Sam. Dito ako ngayon sa gilid ng room, inuuntog ko ulo ko.

" fvck.fvck. Ano na naman bang ginawa ko. :( " ako.

" Kaylee, umiyak sa CR kanina si Sam. Tinanong lang naman sya ni kung 'bakit daw hindi kayo magkasama, break na daw ba kayo? ' at ayun. Umiyak. Magkasama ba talaga Kayo ni Austin nung party? " Naomi. Lumapit kasi sya sakin.

" Hindi talaga Naomi, nakita lang talaga siya namin at umalis na sya kaagad. Ni hindi ko nga sya pinansin eh. :( " ako.

" oh, nandoon si Sam. Kausapin mo. Ayusin nyo ano mang problema nyo. :)" Naomi.

Lumapit ako kay Sam.

" Sam, I'm sorry. Hindi naman kami magkasama eh." Ako.

" Kaylee, ayoko na talaga. Pagod na Pagod na ako. Wala na talaga. " Sam

" Sam, i'm sorry talaga. Hindi na mauulit. Sorry. " ako.

" wala na nga sabi Kay. Sorry, pero pagod na pagod na talaga ako. Please, bitawan mo na ako Kay. Please lang " Sam. Parang babagsak na talaga luha ko sa sinabi nya. Nag smile ako sa kanya at tumalikod. Nasa likod namin si Naomi. Binigay ko phone ni Sam sa kanya. Lumakad ako papuntang pintuan palabas sa room, nakita ako ni therese na parang iiyak na talaga. Alam nya din naman na kami eh. Elementary friend ko din sya.

" oh, Kaylee. Anong nangyari sayo?? " Therese. Hindi ko na talaga na pigilan umiyak kaya niyakap ko siya at umiyak na talaga ako. Naramdaman kong pinapatahan din ako ni Naomi pero umalis na siya kasi sinamahan nya si Sam.

" tahan na Kay, basa na yung uniform ko. Hehe. Pero kung gusto mo pa iyak lang. " Therese. Hindi na ako umiyak. Magkasama kami ni Sav, Gab, at Chris palabas. Parang wala talaga ako sa sarili ko ngayon hanggang nakita ko si JD.

" insan. :( " JD. Alam nya talaga kung may problema ako. Niyakap nya ako at umiyak ulit ako. Madami na talaga ang nakakakita.

" wag mo na syang iyakan Kaylee, siya lang yun! " Gab. Alam kong galit na si Gab.

" hay, Kaylee. Please. Tahan na. " Chris.

" Mas Mabuti pa JD, ihatid mo na siya muna sa kanila. " Sav.

" ah sige. Sh*t! " JD. Yan na lang ang narinig kong sabi ni JD at wala na talaga akong nakita. Puro na lang black.

---

hayy, sumakit talaga heart ko nung tinatype ko to. </3 Thanks for Reading. :))

My First True Love. (girlxgirl)Where stories live. Discover now