Three

17K 455 41
                                    

Celestine's POV

NANG makaalis na si Torch ay hinawakan ako ni Scoth sa braso at kinaladkad papunta sa wrangler. Isinakay niya ako sa passenger seat bago umikot sa kabila. Nakita ko pa kung paano niya hawiin si Rhoda para makasakay ito sa driver seat.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa isang iglap, ang mata niya kanina na masaya ay biglang nawalan ng buhay ng gano'n-gano'n lang.

"H-hoy!" Pero bago pa mabuksan ni Rhoda ang pintuan sa likuran ay pinaharurot na ni Scoth ang sasakyan. At naiwan itong tigagal.

"T-teka! Si Rhoda, bakit mo siya iniwan?!" sigaw ko sa kanya. "B-balikan natin siya!" sabi ko pa na nakatingin pa rin kung saan ito naiwan.

Parang wala itong narinig na nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Galit akong lumingon sa kanya. Ano bang problema niya?

"Bingi ka ba?! Ang sabi ko balikan natin siya!" Pero parang wala pa rin siyang narinig. Inis na pinagbabayo ko ang braso niya. "Walang hiya ka! Sinabi nang ihinto mo ang sasakyan ko!" Sigaw ko habang patuloy ko pa rin siyang pinagsusuntok sa braso.

"Can't you shut up your fucking mouth?!" Asik nito na nagpahinto sa'kin. Ang itim niyang mata ay sandaling naging kulay ginto. He smirk. "That's right, shut your fucking mouth."

Napalunok ako at natakot. Tumahimik na lang ako kuway isinuksok ang sarili sa may pintuan.
Bakit ganito ang pakiramdam ko para sa lalaking ito? Parang hindi siya ang lalaking nakaharap ko noon. Anong nangyari?

Bigla kong naalala ang cellphone ko kaya mabilis ko 'yong kinuha mula sa bag at agad na ini-dial ang number ni Rhoda.

"Rhoda! Are you okay?"

"Hinatid ako ni Cage pabalik sa border. Saan ka dinala ng hinayupak na 'yan?!"

"S-sa border?! Bakit ka—" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang hablutin ni Scoth ang cellphone ko at walang pakundangan na basta na lang itinapon sa labas ng sasakyan..

"Ano ba?! Ihinto mo ang sasakyan!”

"Why would I do that? Hindi ba’t ako ang pakay mo riito?" mayabang nitong sabi.

“P-paano mo naman nasabing ikaw ang ipinunta ko rito?” maang-maangan kong tanong.

“Don’t lie to me, woman.”

“Fine! May dahilan ako kung bakit kita pinuntahan rito. Dahil ‘yun sa markng iniwan mo!”

Nakita ko ang paggalaw ng mga panga nito. “Anong marka?” Tanong nito na parang walang alam sa sinabi ko.

“Stop this car and remove this mark, nang matapos na!”

Inis na nilingon siya nito. “Tumahimik ka!”

“Saan mo ba ako dadalhin?!”

Dinuro siya nito. “One more question and one more words, I’ll throw you out off this car!” pagbabanta nito. Pinilit ko na lang manahimik baka totohanin pa nito ang pagbabanta.

Huminto ang sasakyan sa isang itim na tarangkahan at kusa ‘yung bumukas. Muli nitong pinaandar ang sasakyan at ilang segundo pa bago muling huminto sa harap mismo ng isang mala palasyong bahay sa laki. Walang sali-salitang bumaba ito at ni hindi man lang nag-abalang pagbuksan ako ng pinto. Inis na pinagkrus ko ang aking mga braso. Hindi ako bababa rito!

Huminto ito sa paghakbang at nagtatakang lumingon sa akin. "What the hell are you waiting for?"

Inirapan ko lang siya.

Umayos ito ng tayo, 'yong talagang nakaharap na siya sa akin. Tumaas ang isa niyang kilay. "Huwag mong ubusin ang pasensya ko, babae!"

Nakita ko ang pagbago ng kaniyang mga mata na nagbigay sa akin ng kilabot. Nanginginig ang mga kamay ko na binuksan ang pinto at mabilis na bumaba. Bumalik na ang mga mata niya sa normal at sarkastiko itong ngumiti pagkuway muli itong naglakad.

Nasa portico pa lang kami nang may isang matandang kasambahay ang kumaripas ng takbo palapit kay Scoth. "Señor, muli na naman ho siyang nagwawala," maluha-luhang sabi nito. Nakita ko na nag-igtingan ang mga panga ni Scoth.

"Gano'n ba? Sige ako na ang bahala sa kanya," sabi niya na nasa pagitan ng mga ngipin. "Nana, ikaw na ang maghatid kay Celestine sa guestroom. Ibigay ninyo ang lahat ng kailangan niya." Bilin niya sa matanda bago walang paalam na iniwan ako. Sinundan ko siya ng tingin papunta sa west wing ng mansion.

Sino kaya ang pinaguusapan nila? I asked my self.

"Hija, sumunod ka sa akin," Untag sa’kin ng matandang kasambahay na sa tingin ko ang mayordoma ng mansion. Wala akong nagawa kundi ang sumunod dito.

Dinala niya ako sa second floor at sa pinakadulong kwarto. Binuksan nito ‘yun at hinayaan akong makapasok. The room is simple yet elegant. May king size four poster bed sa bandang kaliwa malapit sa bintana at table set naman ang nasa bandang kanan at may designer sofa sa paanan ng kama. Wala masyadong gamit pero nakakarelax pa rin sa pakiramdam.

May mga werewolf paintings na nakasabit sa pader na nakadadagdag sa ambiance ng kwarto. Naagaw din ng atensyon ko ang maliit na chandelier na nasa gitna. Kulay ginto iyon na may design na moon sa gitna habang mga wolf ang nakapaligid dito.

"P'wede ka munang maligo habang hinahanda ko ang makakain mo. Ipapaakyat ko na, lang din ang mga gamit mo." Anito.

Niilingon ko siya at tipid na ngumiti.

"S-salamat ho.” Nagpaalam na din ito at lumabas ng kwarto.

Buntong-hiningang humakbang ako papunta sa balkonahe at pinagmasdan ang madilim na paligid. Bigla akong napa-isip. Hindi ako p'wedeng tumakas dito dahil kakahuyan na ang nasa dulo ng mga bulaklak. Paniguradong nahuli na ako bago pa ako makalabas sa lugar na ito.

Napatingin ako sa loob ng kwarto nang bumukas ang pintuan at may pumasok na kasambahay habanh bitbit ang mga bag na nasa sasakyan. Pati yata bag ni Rhoda ay pinasok na rito. Bumalik ako sa loob ng kwarto at nginitian ito.

"Ililipat ko lang po ang mga damit ninyo sa kabinet, ma'am," sabi nito nang akmang gagalawin na ang laman ng bag pero inawat ko siya.

"Hindi na kailangan, hindi naman ako magtatagal dito," Nakangiting sabi ko na ikinataka nito.

"Nasaan ba si Scoth?" tanong ko na lang.

"Ho? A-ano kasi…may ginagawa lang si Señor," Sagot nito na umiwas ng tingin.

"Gano'n ba? Sige, salamat. Ano ang pangalan mo?" tanong ko na lang.

"Anabel ho," nakangiti nitong sagot. Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ito kaya naiwan na naman akong mag-isa.

Dahil nanlalagkit na ako ay nagpasya na akong maligo. Pagkakuha ko ng damit pamalit ay pumasok na ako sa banyo. Agad akong tumapat sa shower pagkahubad ko ng mga damit. Ang sarap sa pakiramdam ng maligamgam na tubig na lumalabas mula sa shower. Nang matapos ako ay agad na akong lumabas ng banyo, napahinto pa ako nang makita ko si Scoth na nakaupo sa gilid bg kama habang kinakalikot ang mga gamit ko.

Kung hindi nga naman pakialamero!

"Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na huwag mangialam ng gamit ng iba lalo na kapag walang pahintulot?" Inis na inagaw ko sa kanya ang wallet ko pero mabilis ito. Binuka niya iyon at ipinakita sa akin ang litrato na nasa wallet.

"Who's this fucking man?!" Kunot-noong tanong niya. Litrato namin 'yon ni Marco ang kaklase ko noong college.

"Boyfriend ko," gusto kong matawa sa sagot ko pero pinigilan ko ang aking sarili.

"Boyfriend mo?" Naningkit ang mga mata nito. Naniwala siya?!

"No, actually fiancé ko!" I rolled my eyes. Daling lokohin! Naggalawan ang mga panga nito.

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Really?"

Natawa ako ng pagak sa naging reaksyon nito. "Ano ngayon? May problema ka ba ‘dun?"

Nagdilim ang muka niya at natigilan ako nang lukutin nito ang litrato. "You're not supposedly dating someone! Kaya ko siyang patayin kahit nasaang sulok pa siya ng mundo!" tiim bagang sabi ni Scoth. Tumayo siya at lumakad palapit sa akin.

Awtomatikong tumingin siya sa leeg ko kung nasaan ang marka na malayang nakalantad sa paningin nito. Nakapulupot kasi sa twalya ang buhok ko. Hindi ko alam kung bakit may pagkainis ang nakikita ko sa kanya habang hindi pa rin maialis ang tingin sa leeg ko.

Mayamaya pa ay umangat ang tingin niya sa'kin. "The mark looks good on you." Hindi ko alam kung paghanga ba ‘yon o pang-iinsulto.

Hindi ko din alam kung bakit hindi ako mapalagay sa mga tingin na ibinibigay niya sa akin. Humakbang pa siya palapit na halos isang dangkal na lang ang layo niya nang huminto. Naramdaman ko ang init ng hiningang dumampi sa pisngi ko.

"As long as the mark still on you, you're not allowed to be with someone else, except me who owns you." Hinaplos niya ang pisngi ko. Agad akong nakaramdam ng pagkailang sa simpleng paghawak nito sa’kin. "Do you understand?"

Pigil ang hiningang tumango ako ng wala sa oras.

"Good." Tumayo na ito. Isang makahulugang tingin ang ibinigay niya sa akin bago ako talikuran. Nasa pintuan na siya nang huminto sa paglalakad at muling lumingon sa akin. "See you tomorrow," huling sabi nito bago tuluyang lumabas.

Nang lumapat na pasara ang pinto ay doon pa lang ako nakahinga nang maayos.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon sa kanya. Kung bakit sa simpleng hawak niya ay takot ang nararamdaman ko. Sapo ang aking dibdib habang ang mga mata ko ay nasa pinto kung saan kalalabas lang niya.

Parang may-iba.

Alpha And The Rejected Luna (Alta Montaña Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon