Chapter 10

1.9K 62 7
                                    

MIYAH'S POV

"Wake up sweetie" nananaginip ata ako.

"Hmmm" sabay taklob ng unan sa mukha ko.

"Sweetie, wake up. Kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo" nananaginip nga talaga ako.

"Boyfriend?? Walang ganun mom" sagot ko at tumalikod kay mom, antok na antok talaga ako, past 12 na ako nakatulog kagabi.

"Miyah! Isa. Tsk. Di ka babangon?" Ow no! I'm dead.

"Eto na nga po babangon na. Pero wala po akong boyfriend" sabi ko pagkaupo ko sa kama ko habang kinukusot ko ang mga mata ko.

"Don't fool me sweetie. Nakakahiya sa boyfriend mo. Ang gwapo pa man din." Sabi ni mom habang sinusuklayan ako.

"Mom, ako na. Kaya ko na po magsuklay. At saka mom, ikaw ata nananaginip. Oo na nga po may boyfriend ako, pero imposible na alam niya po na dito ako nakatira." Dahilan ko pa.

"Stubborn, basta maligo ka na at bumaba ka na, bilisan mo, nakakahiya sa boyfriend mo." Sagot ni mom, at kiniss ako sa noo bago lumabas ng kwarto ko.

"Kulit ni mom, imposible naman kasi na alamin pa ni Troy tong tinitirahan ko." Ani ko, tumayo na rin ako sa kama at inayos ang hinigaan ko.

Tinapos ko muna ang pagsusuklay ko at pumasok na sa CR para maligo.

Pababa na ako ng hagdan ng may marinig akong nagtatawanan. Dahan-dahan akong bumaba at sinilip kung sino yung nagtatawanan.

"Wtf!!!???" wtf talaga. Muntik ko ng malakasan boses ko.

"Anong ginagawa ng lalaking yan dito!?" Bulong ko sa sarili ko. Guess what?? Sino yung nagtatawanan?? Yung magagaling kong parents pati si Troy. Kaasar. How come na alam niya yung bahay namin. Tsk.

Dumeretso ako sa sala and gave them my bored look.

"Oh Fiona. Bakit parang di ka naman masaya na nakita mo ako? Haha." Ani ng magaling kong boyfriend kuno.

"Oo nga baby girl. Aren't you happy na nandito boyfriend mo?" Dagdag pa ni dad at tumingin sakin ng nagtataka.

"Oh come on sweetie. Ang bait-bait nga ng boyfriend mo eh. Don't show him that attitude." Sabi ni mom at ngumiti sakin.

Hay nako! Kung alam niyo lang mom & dad. Hindi po mabait yang nilalang na yan. Sobrang yabang po yan at mapagsamantala. Nakakaasar. Bakit ang bilis-bilis niyang napaikot at nabilog ang utak ng parents ko. Tsk.

"Hehe. Ofcourse mom, dad I'm happy. Sino ba naman po ang di masusurprise, pagkagising mo nandito na po yung boyfriend mo." I faked a smile, gigil talaga ako eh.

"I miss you Fiona." tumayo si Troy at lumapit sakin.

"I miss you too Shrek." ngumiti ako sa kaniya. Niyakap niya ako, kaya yumakap na rin ako at nginitian ko sila mom

"You're so cute together" ani mom

Humiwalay na ako sa pagkakayakap ko kay Troy at ganun rin siya. Pero hinawakan niya yung kamay ko.

"Ofcourse Tita. All lovers look cute together." ngumiti siya kila mom tapos kinindatan ako.

Say whut!? Dami mong pasabog.

"You're right Troy." Nginitian ko siya ng may halong inis at hinigpitan yung magkahawak naming kamay para masaktan siya.

"Oh by the way hijo, don't call me Tita. You can call me mom." Singit ni mom at nginitian si Troy.

"As well as mine, Dad na lang hijo." dagdag pa ni dad.

What the heck!? Seryoso ba to!? Anong nangyayari!? They seem so close. Para nila akong pinagkakaisahan.

"Sure po." -Troy, sabay ngiti.

"Mom, almusal na po tayo." Pagyayaya ko at bumitaw na sa kamay ni Troy.

"No we're good. Tapos na kami mag-almusal ng dad mo. Kayo na lang ni Troy." Sagot ni mom.

"Ah! Hindi mom. Nag-almusal naman na ata si Troy sa kanila. Right??" Sagot ko sabay tingin kay Troy na may halong pagbabala. But he smirks at me.

"Actually, no Mom. Hindi pa po ako nag-aalmusal. Gusto ko po sana matikman ang luto mo." Sagot niya sabay ngiti kay mom. Nanlaki mata ko. Ang kapal talaga. Nakakaasar.

"That's a good thing. Malalaman mo kung paano ako nabiktima ng pagmamahal ni Serena." Ani naman ni dad.

"Haha. Let's go. Ipaghahanda ko na kayo." Sabi ni mom at nauna na sila ni dad sa kitchen.

"Let's go Fiona." Sabay tingin sakin ni Troy at nilahad pa ang kamay niya.

"Fiona your face." Mariing sabi ko at inirapan siya, nauna na ako maglakad papunta sa kitchen

"Sungit naman ng girlfriend ko. Tsk." rinig ko pang sabi niya at sumunod na rin siya sakin.

Otor: Sorry po ngayon lang ulit nakapag-ud ang otor niyo. Hehe.

#DPWTCN

Don't Play With The Campus NerdWhere stories live. Discover now