Three

18 0 0
                                        

"You cannot force me to say things you only want to hear."
-areasontowrite
***

Kanina pa umiimik si Allyxia. Ubos na ang pagkain namin at um-order ulit ako ng drinks naman kasi mapapanis laway ko sa hindi pag imik dahil busy ako sa pagtingin kay Alexander at mauuhaw naman ang bestfriend ko kakadada sa harap ko kahit di ko pinapansin.

"Nakikinig ka ba?" Kunot noong tanong ni Allyxia. Nakakahalata na ata na hindi ako attentive sa kanya.

"Oo. Sige lang magkwento ka pa. Miss na kita e." Sabi ko kahit hindi naman ako nakatingin kay Ally. Syet ang gwapo talaga niyaaa.

Nabanat ang leeg ko nang nakita ko siyang tumayo at hinabol ko sya ng tingin. This is it! Papunta siyang cr!

"Ayun naiinis na ako sa amo ko--"

"Ah, wait lang ha, Ally. Cr lang ako." Unti unti akong tumayo.

"Teka samahan na kita."
Akmang tatayo din sana si Ally pero pinigilan ko.

"Wag! I mean, ako na lang. Najejebs ako e."

"Yuck. Sige. Magsabon ka ha."

"Oo. Promise sige."

Dali dali kong tinungo ang banyo. Here I come my baby! Ano kaya ang magandang topic?

Nakaplaster na sa bibig ko ang malaking ngiti ngunit

Pagkaliko ko ay biglang may humawak sa braso ko at hinigit ako sa madilim na bahagi ng pasilyo. May binuksan itong pinto na sa tingin ko ay opisina ng manager ng resto base sa pangalang nasa mesa.

"Bitawan mo ko! Ano ba! May hinahabol ako!"

Hindi ko makita ang kung sinong kaharap ko dahil madilim sa parteng pintuan ng opisina.

*click*

May binuksan itong switch na nagbukas sa side light sa tapat ng pinto.

Nakita ko ang mukha ng humigit sakin at nanlaki ang mga mata ko!

"I thought I told you to stop stalking me?"

Alexander..

Ang pagkagulat ko ay napalitan ng isang magandang ngiti. Nakuu! Thank you tadhana!

"Hi! Long time no see!"

Seryoso lang ang mukha nito na tinitingnan ang mukha ko.

"And for the record, hindi na kita inistalk. Almost one week na. At narito lang naman ako para may sabihin sayo."

Kumunot ang noo nito. Wala atang balak magsalita o magtanong sa kanya.

"Owkay. Tinatamad ka bang magsalita?" Hindi pa rin ito umimik. "Ayaw mo malaman?" No response. "Sabihin ko na lang ha?"

Pumikit ako at huminga ng malalim.

"Expect to see me everywhere you are. Kasi hindi ako titigil sa pag pursue sayo hanggang maintindihan mo na mahal talaga kita. Don't hate me yet because you haven't know me at-"

"You're a stalker." Singit nito sa sinasabi ko at binitawan ang braso ko bago pinagcross ang sariling braso sa dibdib at mataman akong tiningnan.

"I don't need to know you cause Im not interested with you. I expect you to stay away from me."

Mahabaging Diyos ko! Bakit niyo ako sinasaktan ng ganitoo!

Okay kalma lang Denisse! Kaya mo yan. Aray kooo!

"Request ungranted."

Pagkasabi ko non ay tatalikod na sana ako pero inilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko.

"Makulit ka." Sabi niya.

Lumunok ako ng laway. Ang lapit niya. Illusion ko ba to o mas nilalapit niya talaga ang mukha niya sakin?

I cleared my throat. "M-Makulit talaga ako."

I saw him smirked. Mas nilapit nito ang mukha sakin.

Pumikit ako. "H-Halikan mo ba k-ko?"

Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Will he? Is he? Can he!

"Hahahaha!" Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito!

"You're funny."

Nagmulat ako ng mga mata at tumingin sa kanya. Malayo na ito sakin at nakangiti pa din ito ng malaki.

"Such a funny face you made."

Pagkasabi nito niyon ay binuksan nito ang pinto bago lumabas ng kwarto.

I was left dumbfounded at nakaawang ang bibig.

Sayang!
_________
areasontowrite✏️

HellsideWhere stories live. Discover now