Chapter Twenty-Five: Ice Cream

Start from the beginning
                                    

"Candy. Her name is Candy," ang sabi ni Adrian nang makita ang senyas ng bata. "My name is Adrian."

Nakangiti si Adrian habang kinakausap si Candy. Maya-maya ay napatingin ang binata sa kanya na ipinagtaka ni Samantha.

"Her name is Samantha," sagot ni Adrian while moving his hands. "Do you know where's mommy and daddy?"

Umiling ang bata at nagpatuloy sa pagsenyas.

"Ang sabi niya naglalakad daw sila sa may dagat kasama ang mommy at daddy niya nang mahiwalay siya sa mga ito," ang sabi ni Adrian.

Hindi naman nakasagot si Samantha. Nakatitig lamang ito sa dalawa. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa nakikita. Inaamin niya na na-impress siya sa ginawa ni Adrian. Hindi lang sa pag-sa-sign language nito kundi pati na rin sa pakikitungo nito kay Candy. Parang sanay na ito sa bata.

"Samantha?"

"Y-yes," nagising si Samantha sa pag-iisip nang marinig ang sinabi ni Adrian.

"Can you stay with her? Pupunta muna ako sa lobby para masabihan ko ang staff. Baka may nakakakilala sa mga magulang niya."

"S-sige," sagot niya at nilapitan si Candy.

Kumunot naman ang noo ng bata. Tila naiintindihan nito ang gustong gawin ni Adrian.

"You stay with Samantha, okay? I'll find mommy and daddy," ang sabi ni Adrian habang sumisenyas.

Muling umiyak ang bata at niyakap si Adrian.

"Ayaw niya yatang umalis ka," ang sabi naman ni Samantha. Napalapit na yata kay Adrian ang bata.

"Okay. Why don't you go with me to the lobby?" ang sabi ni Adrian dito. Napangiti naman si Candy.

Napatingin si Adrian kay Samantha.

"I'll take her to the lobby," sabi nito na tila nagpapaalam sa dalaga.

Umiling naman si Candy at biglang hinawakan ang kamay ni Samantha. Nagulat ang huli. Napangiti lang si Adrian.

"I think she wants you to come with us."

***

Kanina pa nakaupo sina Samantha at Adrian sa lobby habang nakatingin kay Candy na nakaupo at kumakain ng ice cream.

"Who would've known you're naturally good with kids," biglang nasabi ni Samantha.

Natawa naman si Adrian sa narinig.

"I'm not. Just with Candy," sagot ng binata.

Tumawa na rin si Samantha. Nagkatitigan ang dalawa. Hindi makapaniwala si Samantha sa nangyayari. She is laughing with Adrian.

"How did you learn sign language?"

Nagdalawang-isip si Adrian bago sumagot. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang totoo sa dalaga. She'll know about it eventually kaya't ikinuwento niya na sa dalaga ang nangyari.

"A few years ago, may nakilala ako sa rehab," he paused and waited for Samantha to be surprised. Hindi naman nagulat ang dalaga. Naghihintay ito sa sasabihin niya.

"His name is Jack and he has a seven-year-old nephew who's a deaf-mute," kuwento ni Adrian. "Nang makalabas ako ng rehab, Jack convinced me na mag-volunteer sa isang center for children with disablities. I learned sign language para makausap ang mga bata."

Samantha just stared at her. Gusto niya tuloy malaman kung anong iniisip nito. Does she think him weird? Or baka hindi ito naniniwala sa kanya.

"Why were you in rehab?"

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Where stories live. Discover now