"S-salamat Mr. Villarreal." Pasalamat na wika ni Lailanie pagkaupo sa hinilang silya ni Andrew para sa kanya. Bahagya niyang nginitian ang binata pagkaupo nito sa tapat niyang silya.

"Nakaorder na ako ng specialty nila dito. I hope you don't mind."

"It's fine. 'Yong contract?" Tanong ng dalaga

"After we eat Ms. Chan. Nandito na ang pagkain." Wikang sagot ni Andrew ng makitang papalapit na ang food attendant na magseserve ng orders nila.

The food were really sumptuous and hindi nagkamali si Andrew na yong specialty ng resto ang inorder niya. Maganang kumain si Lailanie kahit hindi ito nagsasalita masyado.

"So here's the contract that you need to sign. May approval na ako ng Daddy mo and you just need to sign it as his representative." Wika ni Andrew pagka-abot niya kay Lailanie ng manipis na kumpol ng papel na nakapatong sa envelope kasunod ang parker pen niya na may initials na A.V.

Binasa niya ito saglit saka pinirmahan at ibinalik kay Andrew.

"Thank you Ms. Chan... for everything." Pasalamat ni Andrew na ikinaarko ng kilay ni Lailanie.

"For everything? What do you mean?" Takang tanong ng dalaga.

"For having lunch with me, for the signing the contract and.... for taking care of me in Baguio while I'm not well." Sagot ni Andrew nsa seryosong tono.

"Wala 'yon Mr. Villarreal. Kahit sino gagawin 'yon."

"Pwede bang Andrew nalang? Masyadong pormal, hindi naman nalalayo ang edad natin."

"Sige. Same with me. Lailanie nalang." Pagsang-ayon ng dalaga.

"Pwede bang Annie nalang? If you allow me. If hindi, hindi ko ipipilit." Natigilan si Lailanie sa narinig at sumilay ang lungkot sa mga mata niya.

Hahayaan ba niyang tawagin siya ni Andrew ng Annie kung ito ang palaging magpapaalala sa kanya kay Andres? Tanggap na niyang hindi si Andres si Andrew na kaharap at kausap niya ngayon kahit na magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Pero espesyal ang palayaw niyang 'yon dahil tanging si Andres lang ang nagbigay ng palayaw na iyon sa kanya.

Pero kung hindi ngayon kailan pa niya sisimulang bitiwan ang ala-ala ni Andres. Matagal na panahon na ang lumipas pero heto siya, patuloy na umaasang isang araw ay magkikita uli sila ni Andres.

"S-sige. Pumapayag ako. Siguro panahon na rin na bitiwan ko siya." Pagpayag ni Lailanie habang malamlam na nakatitig kay Andrew.

"Kamukha ko ba talaga siya? I mean, you mistakenly called me by his name I guess when we first met here."

"O-oo and I'm s-sorry for that. Hindi ko sinasadya 'yon."

"Okay lang. Naiintindihan ko. I know how it feels to long for someone you love so much."

"Di naman kayo long distance relationship ng girlfriend mo di ba? How come..."

"My mom! Hindi ko na siya naabutan. Hindi ko nalamang namatay pala siya dahil sa heart attack until I woke up." Malungkot na sagot ni Andrew.

"Until you woke up? You mean na-comma ka?"

"Yes. For almost a year and a half." Maikli niyang sagot kay Lailanie na halatang ikinabigla nito.

"K-kaya ba i-inatake ka nung n-nasa bagyo tayo?" pautal na tanong ni Lailanie kay Andrew. May sumilay na kaunting pag-asa sa puso ni Lailanie. Paano kung si Andrew ay si Andres at hindi siya nito maalala dahil sa pagka comatose niya noon? Posible kaya yong mangyari? Pero alam niyang magkaiba ang panahon nilang dalawa.

"Maybe. Siguro. Hindi ako sigurado. I don't have any attack since I woke up three years ago."

"You mean ngayon lang? That's weird. Maybe you should see your doctor." Sandaling nag-isip si Lailanie dahil sa nasabi, "Anyway, I'm sorry for your loss and I'm sorry kasi kailangan mong gunitain lahat ng yon dahil sa akin." Paghingi niya ng paumanhin.

"It's fine. Besides, I want to know you more." Makahulugang sabi ni Andrew habang titig na titig sa mga mata ng dalaga.

Napasinghap si Lailanie sa narinig.

👣👣👣👣👣👣👣

A/N: Ano kayang iniisip ni Lailanie sa sinabi ni Andrew sa kanya?

Bakit biglang inatake si Andrew after 3 years since he woke up from his comma state?

Ano ang mga nakita ni Andrew nung mawalan siya ng Malay?

Sasagutin natin yan sa mga susunod na update guys.

Don't forget to vote and comment.

OrasianaWhere stories live. Discover now