Chapter 16 - *teddy bear & flowers*

705 31 5
                                    

(AN: supeeeer saket ng ngipin ko ano bayan! ... comment and vote naman salamat :) ang sakit pati ng eyes ko! ako na madameng masakit HAHAHAHA )

------------------------------------------

Chapter 16 – July 16, 2011

 *teddy bear & flowers*

Pauline’s pov

            Papasok na ako sa school nagulat ako kaninang umaga nasa kwarto na ko natutulog nakakumot pa wala naman akong natatandaang pumunta ako sa kwarto ko at natulog huling naalala ko nasa sala kame ni Kevin at Ren at nanonood ng movie

Tapos

Tapos

Tapos

Ano na susunod wala na ko maalala. Hanapin ko na lang kaya si Kevin tatanong ko kung anong nangyare.

Ilalagay ko na sana yung bag ko sa upuan ng makakita ako ng teddy bear at flowers.

Pauline: “diba upuan to ni Veda?”

Monica: “oo sino kaya nag bigay ang sweet” tapos ng giggle na siya

Pauline: si Kevin kaya nagbigay pero wala pa siya dito “kanina pa yan dito?” luminga linga ako para hanapin si Kevin

Monica: “ewan ko basta pag dating ko dito nandyan na yan”

Veda: “GOOD MORN--- bigla naman parang maiiyak na sya

Monica: “Veda ang swerte mo naman may secret admirer ka”

Bigla namang nanakbo palabas ng room namen si Veda si Monica tuloy natakot akala nya may nasabe syang mali.

Ren: “kay Kevin galing yan ano?”

Pauline: “I don’t know, maybe”

Ren: “san ka pupunta?”

Pauline: “susundan ko si Veda baka magpakamatay yun” lumabas na ko ng room nakasalubong ko naman si Andi, Kate and Matt.

Andi: “Pawie bakit umiiyak si Veda? What happen?”

Pauline: “san sya nagpunta ang bilis naman manakbo nun”

Kate: “papunta ata sa rooftop”

Pauline: “a sige Kate kapag may nagtanong kung nasaan kame sabihin mo hindi mo alam ako na lang muna kakausap kay Veda kwento ko na lang sainyo mamaya”

            Nang nod lang silang dalawa. Pagpunta ko sa rooftop nakatayo lang siya nakatulala sa kawalan napansin nya yatang nandoon ako sa may pinto ng rooftop.

“sa kanya galing yung teddy bear at flowers sinurprise nya ko sobrang saya ko Pao first time na may nag effort para saken akala ko pang matagalan na akala ko eto na yung simula nang lahat diba lage ko sinasabe sayo gusto kona mag ka bf. Sa sobrang gusto ko na makalayo sa kanya naiwan ko sa kotse nya pero bakit binabalik nya pa?”

Sinasabe nya yang lahat ng hindi nakatingin saken unti unti naman akong lumapit sakanya parehas kameng nakatingin sa kawalan ang sarap lang titigan ng langit.

“bakit ba binabalik ang isang bagay sa may ari nito?” humarap sya saken ng takang taka “kase alam nyang mahalaga to”

tumingin ulit sa kawalan “hindi ko sya maintindihan”

humarap na ko sakanya “just wait, there’s no need to rush everything, if something meant to be it will happen”

“but---

“dyan sa but na yan nagkakagulo eh, basta pabayaan mo sya kung may gawin syang special sayo alam ko kikiligin ka pero don’t assume, don’t expect and wag demanding gawin mo na lang yung part mo”

            Bumaba na kame mag stastart na ang flag ceremony. As usual si Kevin at Ren magkadikit nanaman good thing dumating si Ren sa school nagkaroon na nang kaibigan si Kevin.

Okay na din si Veda mukhang natauhan sa mga sinabe ko nilapitan sya ni Kevin at nag sorry nginitian lang ni Veda. Ganon ba talaga kapag in love ngiti ngiti lang nagkakaintindihan na?

Nagstart na ang class…

Miss: “alam nyo naman na freshmen’s night na sa July 27 all of you are required to attend semi formal ang attire understood? Any question?”

Class: “NONE”

binulungan ko si Kevin “May susuotin ka naba?”

“Wala pa bahala na si Mama don”

“si Veda kaya may susuotin na?” tumingin sya saken ng parang gulat na gulat

“Aba! Malay ko pati ba naman yun tatanong ko”

“Ang sinasabe ko yayain mo mamili ng damit dapat terno kayo ang romantic HAHAHAHA! Hina mo talaga”

“ayoko baka may trauma na yun sa mall”

“hindi yan! Dali na yayain muna”

Miss: “Miss Montenegro and Mr Allegre anong pinagbubulungan nyo dyan? Would you like to share it in class?”

Pauline and Kevin: “no, sorry Maam”

Miss: “listen to what I am saying”

Pauline and Kevin: “yes maam”

            Napagalitan pa, etchuserang teacher nagseselos lang yan kase saken nakikinig si Kevin hindi sakanya ano ba yan tanda tanda na kumekerengkeng pa.

say it again ... please?Where stories live. Discover now