Halik sa Hangin

708 41 79
                                        

SuperLime_'s Best Short Story Writer 2019😍

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SuperLime_'s Best Short Story Writer 2019😍.

Samir

Sa buhay ko ang mga anak ko lang ang tunay na nag mahal sa akin, akala ko noon nahanap ko na ang magiging kabiyak ko sa habang buhay ngunit sadyang malas yata ako.

Sa unang taong namin mag asawa ay naging masaya naman dahil sa pareho kami ng kasarian ay kumuha kami ng babae na pag pupunlaan ng semilya at dahil don may dalawang anghel na dumating, pero sa pagdaan ng panahon may nalaman ako may anak pala sya sa labas. Sobrang sakit nung nalaman kong si Seline ang ina ng bata, si Seline ang matalik na kaibigan ng asawa ko ngunit diko nagawang magalit dahil sya ang mahal nya at ako, Ako lang ang pinakasalan dahil naawa si Almiro sa akin.

At hindi rin maituturing na pagtatakisil ang pag-kakaroon nila ng anak dahil nabuo ito bago pa kami ikasal, mas nauna sya, mas may karapatan sya kaysa sa akin. At may anak sila dugot laman ni Almiro ang nanalaytay sa bata habang ang mga anak namin ay sa semilya ko kinuha kaya alam kong mas matimbang ang anak nya sa labas. Sa panahon ng nagsama kami ay wala syang panahon para sa mga anak namin palagi syang busy at ngayon natuklasan nya ang totoo ay kahit di niya sabihin ay binibisita nya ng madalas ang bata.

Palagi na syang masaya pagdating sa bahay ngunit biglang mawawala sa mood pag kinukulit ng mga bata para na kaming hangin sa kanya. Ramdam ko ang paglamig ng aming relasyon, na ako na lang ang nagmamahal kahit sa totoo ay wala syang pagtangi sa akin.

At alam ko na sa madaling panahon ay iiwan nya na kami, sasama sya sa mahal nya at maiiwan akong luhaan lalo nat nalaman kong may Stage 4 brain cancer ako at malala na may taning na ang buhay ko. Paano na ang kambal ko, sinong magmamahal sa kanila, sinong magbibigay ng atensyon at pag aruga. Gulong gulo ako dahil ba sa pagbaliwala ng asawa ko sa amin o ang katotohang wala akong magagawa na akoy mawawala na sa mundong ito at maiiwan ang aking mga anghel.

Kaya pinuntahan ko ang bahay ni Seline, nagulat sya ng binuksan nya ang pinto ay ako ang tumambad sa kanyang harapan. Sa katunayan ay mabait sya at may mabuting kalooban, sinabi kong alam ko na ang lahat. Umiyak sya at nanghingi ng tawad sa akin at pinangakong lalayoan na nya ang asawa ko ngunit sinabi kong huwag nyang gawin iyon, nagulat sya sa isiniwalat ko at dahil nakita kong naghihinayang sya sa sinabi kong huwag silang lumayo ng anak nya ay sinabi kong may sakit na ako at malubha na ito na malapit na rin akong mawala.

Masakit mang sabihin, pinag katiwala ko sya sa mga anak ko na sanay mahalin nya sila na para nyang anak at ipapawalang bisa ko na rin ang kasal namin ni Almiro. Iyak ako ng iyak halos hindi na ako makahinga habang ikwenukwento ko ang mga masasayang ala ala ko sa pamilya ko. Hinabilin kong ipapirma nya ang divorce paper kay Almiro at sa gabing tulog na ang lahat ng tao sa bahay ay inilabas ko na ang aking maleta, kinuha ko rin lahat ng mga larawan ko at sinunog ito sa basurahan gusto kong makalimutan ng mga anak ko ang aking mukha para hindi na nila ako maiisip sa pag laki nila.

Hinalikan ko sa noo ang lalaking nagpatibok ng aking puso at siguro bukas ay walang problema nyang pipirmahan ang divorce paper, ngumiti ako ng mapait at nag tungo sa kwaro ng aking mga anak para silang anghel na pagmasdan kay sarap nilang titigan at doon ngay diko mapigilan ang luha na dumaloy sa aking mga mata, tinakpan ko ang bibig ko ng aking kamay para hindi marinig ang malakas kong paghikbi. Sa huling sandali ay yinakap ko sila at hinalikan sa noo ng buong pagmamahal may paghihinayang man ay umalis na ako sa kwarto nila at nagtungo sa pinto ng aming bahay isang mabilisang pagsuri ng aking ginawa at mabibigat na hakbang na lumabas at isinara ang pinto.

Sa loob na ng tatlong buwan ay lumalala na ang sakit ko, nalagas ang aking buhok at napaka payat ko na, kaawa awang tignan halos araw araw akong umiiyak at inisip na hinanap ba nila ako. Dahil sa pangungulila sinubukan kong labanan ito baka sakaling gumaling ako ngunit wala sadyang mamatay akong malungkot at sa sandaling iyon ay gusto kong makita kahit isang iglap ang mga mahal ko sa buhay, kumusta na kaya sila siguradong masaya na sila. Isa na silang masayang pamilya at sanay mabuti ang pakikitungo nila sa mga anak ko at sana ay di nila ako hinahanap o umiiyak dahil wala ako sa kanilang tabi.

Sa pagdaan ng araw ay ramdam ko ng bibigay na ako kaya naki usap ako sa mga nurse na nag aalaga sa akin na kahit lang man sa malayoan ko makita ang mga anak ko ay pagbigyan sana nila akong lumabas. Naawa yata sila sa akin kaya pinagbigyan ang aking hiling dahil sa hirap na rin akong gumalaw ay inilagay nila ako sa wheelchair at tinungo ang bahay na minsan ay naging aking tahanan. Sa pagdating namin ay rinig ko ang mga halakhakan sa veranda ng bahay sinabi kong itulak nila ako sa tabi ng puno ng mangga para makita ko sila ng maayos. At ayon masaya silang naglalaro, isang masayang pamilya. Si Almiro at Seline at ang anak nila ay kasama ang aking mga anak na naghahabolan, ang gandang pagmasdan.

Tumulo ang aking mga masasaganang luha sa aking pisngi at ngumiti ako. Nasa maayos naman ang kalagayan nila wala akong dapat ipag alala , muli kong inalala ang mga masasayang sandaling kasama sila kasabay ng pagpikit ng aking mata at isang maluwag na buntong hininga ay unti unti na akong naglalakad patungo sa aking paroroonan. Sa halakhak nila ay parang dinuduyan ako habang parating na ang aking kataposan. Sa huling patak ng aking luha ay akoy masaya ng pinagmamasdan sila sa itaas ng may ngiti sa labi.

-
PastheticPH

Halik ng Pag-ibig [Pinoy BxB]Stories to obsess over. Discover now