Why?

236 4 0
                                        

"Julia!! Don't turn your back at me while I'm talking to you!!" sigaw sa akin ng Daddy ko ng akmang aakyat na ako sa kuwarto ko.

Sinisermunan na naman niya ako dahil nakatanggap na naman siya ng tawag mula sa school na pinapasukan ko and as usual walang bago. Cutting classes and failed grades.

Hindi naman ako dating ganito. I used to love studying at I'm always on top since pres school. Pero mula ng lumayas si Mommy sa bahay nagbago na lahat. Nahuli ni Mom na may babae si Dad nung minsang pumunta siya sa opisina ng kompanya namin. She saw them kissing and almost naked inside his private suit on his office.

At nagulat na lang ako ng biglang nag impake si Mom pagdating niya sa bahay namin nung araw na iyon at umiiyak. I was going to ask her when I saw Dad trying to approach her. But Mom resists and I was shocked when she slapped Dad infront of me.

Doon ko nalaman ang lahat kung ano ang nagyayari. Lumuhod pa noon si Dad sa harapan ni Mom pero nagmatigas siya. Tiningnan niya lang ako at niyakap ng mahigpit bago tuluyang lumabas ng bahay namin.

Kahit na sinisigaw ng bunsong kapatid ko ang pangalan niya ay hindi niya ginawang nilingon and I feel pity for my sister. Wala noon si Kuya dahil may pasok pa siya at nung malaman niya halos masira lahat ng mga gamit na mahawakan niya at pinaghahagis ito sa kung saan dahil sa sobrang galit.

Humungi ng tawad sa amin si Dad sa ginawa niya but it was too late. Wala na si Mom at hindi namin alam kung nasaan na siya. Naiwan kaming lahat kay Dad dahil nag aaral pa kami.
At mula noon ang masayang bahay namin noon ay napalitan ng lungkot at sakit. Hindi ka na makakarinig ng mga tawanan at kulitan.

Kahit sa harap ng pagkain ay walang nagsasalita sa amin basta kumakain lang. And lately hindi na kami halos magkaharap harap sa pagkain.

At ako eto nawalan ng gana sa lahat meski ang pag aaral na gustong gusto ko at nangunguna ako palagi. Iba talaga ang nagagawa kapag nawala ang ilaw ng tahanan. Mahirap. Sobrang hirap.

Humarap ako sa Daddy ko at tiningnan lang siya. Galit na galit siya pero hindi na ako natatakot sa kanya. After what he did to our family I lost trust in him. Almost respect. I blame him for everything and maybe Mom too.

"Kailan ka ba magtitinong bata ka ha?" tanong niya sa akin.

"I don't know. Siguro Dad hindi ko na alam kung paano pang tumino" walang ganang sagot ko sa kanya. Lalo naman itong nagalit.

"Really, Julia?!! I'm warning you. If you don't make things right, I'll send you in states at hindi ka babalik dito hanggang hindi ka nagtitino" pagbabanta niya na ikinangisi ko lang.

"Go ahead Dad. Mas okay pa nga iyon para makaalis na ako sa walang kwentang bahay na ito" pagkasabi ko noon ay dirediretso na akong umakyat ng aking kuwarto at malakas na isinara ang pinto.

Humiga ako sa aking kama at tinitigan lang ang kisame. Araw araw napapagod na akong makipagtalo sa kanya. Wala naman siyang napapala sa akin. Paulit ulit lang naman. Pero kahit na ganoon ay pinipigilan ko pa ring masumbatan siya.

Ama ko pa rin siya kahit saan ko man tingnan at alam ko yon. Mula ng umalis si Mommy dito gabi gabi ko siyang nakikitang naglalasing sa opisina niya. Marahil ay nagsisisi na siya sa ginawa niya kay Mommy but it was too late. Nakakaramdam ako ng awa sa kanya pero mas nananaig sa puso ko ang galit. Dahil sa kanya nawasak ang masaya naming pamilya.

Bumangon ako at tinungo ang banyo para maligo. Nang masiguro kong nalinisan ko na ang sarili ko ay nagbanlaw na ako. Kinuha ko ang tuwalya at pinunasan ang sarili ko pagkatapos ay isinout ko ang robe na nakasabit sa labas ng shower.

Lumabas ako ng banyo at tinungo ang kabinet para kumuha ng damit pangtulog. Tinuyo ko ng blower ang buhok ko at sinuklay. Pagkatapos ay bumaba na ako para pumunta sa kusina dahil nagugutom na rin ako.

Naabutan kong nagtitimpla ng gatas si Manang. Matagal na ito sa amin. Hindi pa pinapanganak ang bunso namin ay kasambahay na namin siya. Siya ang pangalawang nanay ko sa bahay na ito at naging nanay ko mula ng umalis si Mommy.

"Oh nandiyan ka na pala, nak. Nagugutom ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Opo nay eh. Ano po bang ulam?" tanong ko saka sinilip ang mga niluluto niya.

"May sinigang na bangus anak. Ang paborito ninyong magkakapatid."

Naglaway ako ng sabihin niya ang ulam. Yes. Paborito namin yon dahil yon palagi ang niluluto ni Mommy noon. And Dad loves that too.

"Wow. Nagutom ako lalo, nay."

"Ganoon ba. Sandali at iakyat ko muna itong gatas ng kapatid mo. Ipaghahain kita pagbalik ko."

"Kumain na po ba siya?" tanong ko.

"Naku, ayaw ngang kumain eh. Gatas daw ang gusto niya."

Nag alala tuloy ako. Four years old pa lang siya at nararanasan na niya ang mga bagay na dapat ay hindi naman.

"Nay okay lang po ba kung ako na lang maghatid ng gatas niya? Doon niyo na lang po ipahatid yung pagkain. Pakidagdagan na lang po para pakainin ko siya." sabi ko naman.

"Abay walang problema anak. Mabuti nga iyon para makakain na rin siya."

Kinuha ko na ang gatas na tinimpla niya at tinungo ang kuwarto niya. Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita kong nakadapa ito sa kama niya habang nanonood ng Dora. Napatingin ito sa akin at biglang bumangon tinakbo ako. Muntik pang matapon ang gatas na hawak ko.

Natatawang inilagay ko muna ang gatas sa bed side table niya at niyakap siya ng mahigpit.

"How's my baby? Manang said you don't want to eat? Why baby?" tanong ko habang inaalalayan siyang makasampang muli sa kama niya.

Ngumuso ito bago ako sinagot. "You know I hate eating alone" sagot niya habang naka Indian sit.

"But you have to eat, baby."

"I'll just wait for you and kuya and we eat together."

"No baby. You have to eat on time. Kuya and I might not be here on time because of school activities. But I promise I'll buy you chocolates everytime I'm home. Is that okay baby?" pangungumbinsi ko sa kanya.

Nag isip muna ito kunwari bago tumango.

"Okay."

May kumatok sa pinto at alam kong yong pagkain na iyon kaya pinapasok ko na agad ngunit hindi pala.

"Hello my prinsesses? Can I come in?" nakangiting dungaw ni kuya Onyx sa pinto. Tumango naman kami kaya isinara nito ang pinto at lumapit sa amin. Hinalikan niya kami sa pisngi bago naupo sa tabi namin.

"How's your day baby girl?" tanong niya kay Scarlet.

"Nothing good. I'm everyday stuck here kuya." natawa naman si kuya sa kanya at ginulo ang buhok niya.

"Hmmnn... Okay let's go malling tommorow. I'm free" pagkasabi niya noon ay tumingin siya saakin. Libre din naman ako noon kaya okay lang na sumama ako.

"I'm also free. And we're going out tommorow!!!" at talagang pina excite ko yung boses ko para pati siya maexcite. At hindi naman ako nabigo.

"Yehey!!!" tumatalon talon pang sigaw niya na inawat ni kuya dahil baka mahulog.

Maya maya ay dumating na ang pagkain. Tatlo na ang plato at ang sabi ni kuya ay siya ang nagsabi dahil hindi pa rin naman daw siya kumain.

Somehow I miss being with them. Yung kahit hindi buong buo yung mga tawa nila dahil wala si Mommy ay nakakamiss pa ring pakinggan.

Pagkatapos namin kumain ay naglambing pa ang bunso namin na basahan siya ng bedtime stories bago matulog. Pinagbigyan naman ito ni kuya Onyx pinaggitnaan namin siya habang si kuya ang nagbabasa.

Nang makatulog na ito ay lumabas na rin kami at pumunta sa mga sarili naming kuwarto para matulog.

Have MeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora