Napaiyak na lang ako sa kababuyang sinapit ko.

"t-tama na,please"

Nakahinga lang ako ng maluwag ng naramdaman kung huminto na siya sa pag-ulos.

Ramdam ko ang lamig na gumapang sa aking katawan.

Gusto kung takpan ang sarili ko kaso nakatali ang dalawang kamay ko.

Tahimik na lang akong umiiyak,wala akong ideya kung nasaan na ang lalaking lumaspatangan sa akin.

Hanggang sa tuluyan ng nagdilim sa akin ang lahat.

#Venice

"anong nangyari sayo anak,?"

Namulatan ko ang nag-alalang mukha ng nanay ko.

"anong nangyari sayo anak?"

Hindi ako makasagot,dahil isa-isa na namang naglandas ang luha sa aking mga pisngi ng maalala ang nangyari sa akin.

"anak? Anong nangyari sayo,nakita ka sa isang lumang building,sira-sira ang damit! At napuno ng pasa"

Tuluyan na akong napaiyak,dahil sa sinabi ng nanay ko. Bahagya niyang hinaplos ang buhok ko.

"anak.. Bakit to nangyayari sa atin"napahikbi na si Nanay dahil sa malagim na sinapit ko.

"wag ka ng umiyak nay,babangon ako."matapang kong wika.

"oo anak babangon tayo,makakabangon tayo,pagbabayarin natin ang taong lumapastangan sayo."

"salamat Nay,salamat."

Kahit alam kung malabo ng magkaroon ng justice ang nangyari sa akin.

Hindi ko kilala ang lumapastangan sa akin,at isa pa ayaw ko ng bumalik sa school na yon,baka balikan pa ako at gawan na naman ng masama.

This time,mananahimik ako para sa kapakanan ko at ni Nanay.
....

#Venice

Matuling lumipas ang mga araw,sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay pinilit kung lumaban,huminto na din ako sa pag-aaral,dahil sa takot na baka muling magkrus ang landas namin ng taong lumapastangan sa akin.

Na hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung sino.

Pero ang akala kung laban na malalampasan ko ay hindi pala ganon kadaling lampasan.

Namamasukan ako bilang waitress para maitaguyod ko ang pangangailangan namin ni Nanay,ng bigla akong nakaramdam ng hilo.

Mabuti nalang napakapit ako sa mesang naroon kung hindi baka natumba na ako.

Huminga muna ako ng malalim,mabuti na lang kasalukuyan na akong nagliligpit,at hindi nagseserve kung hindi baka natapon ko na ang pagkaing dala ko.

Ano ba kasing nangyayari sa akin?

"Venice,?"

"ho? Ahm Sir,sorry po."

"anong nangyari bat nakatunganga ka dyan?"

"Sorry Sir,babalik na po ako sa trabaho."

"Sandali."

"bakit po Sir?"

Tiningnan niya ako mula hanggang paa,yong uri ng tinging punong-puno ng pagnanasa.

"bakit,Sir?"

"wanna make a deal,Venice?"

Natahimik ako dahil sa sinabi niya,close na kasi kami at kasalukuyan na akong naglilinis.

Kami na lang ding dalawa sa bahaging iyon.

"ano pong ibig sabihin nyo sir?"

Napa-atras ako dahil lumapit siya sa akin.

"youre so beautiful,Venice,"at muli na naman niyang hinagod ng tingin ang katawan ko.

Napalunok ako,masyado ng halata ang pangmamanyak niya sa akin.

Napapikit na lang ako ng maramdaman kung hinaplos niya ang mukha ko,"be mine,Venice akong bahala sayo,"

"s-sir?"

Lumayo ako sa kanya,no!

"sorry po Sir"

"why?"

"hindi ko kaya,"hindi ako manhid para di malaman na gusto niya akong gawing parausan.

Ayaw ko,hanggat kaya kung maging marangal.

"pag-isipan mo Venice,my office is always open for you."yon lang ang sinabi niya at tinalikuran na niya ako.

Naiwan naman akong nanghina,sabi ko na,may something talaga sa mga titig niya sa akin.

Napatingin ako sa suot ko,isang miniskirt,na hanggang ibabaw sa tuhod,at hapit na hapit na tshirt,alam ko sexy akong tingnan sa ayos kung to kaya siguro,tinubuan ng libog ang GM namin.

Binilisan ko na ang mga kilos ko gusto ko ng umuwi.

"anak ok ka lang?"namumutla na kasi ako dala ng matinding pagsusuka."buntis ka ba,Venice?"

Napatingin ako kay Nanay ng wala sa oras,No,hindi pwede,hindi pwedeng magbunga ang kahalayan ng hayop na yon sa akin.
Hindi.
Napaupo na ako sa papag,nanghihina na kasi ang mga tuhod ko,bakit ganito?

Tanggap ko na narape ako,pero ang magbunga pa ito,hindi ko na yata kakayanin.

Huminto na nga ako sa pag-asaral ,dahil sa nangyari sa akin.

At isa pa hirap na din akong buhayin ang sarili ko at si Nanay tapos may madadagdag pa.

Napaiyak na lang ako sa lagim ng tadhanang sinapit ko,bakit,bakit nangyayari sa akin to???

Matatapos pa ba ang paghihirap kung to??

⚠⚠REPLY BOX POLICY⚠⚠

My Fancy Girl(Completed) #The_5th_story Donde viven las historias. Descúbrelo ahora