Bakit Ganun?

5.1K 44 3
                                    

'Pag pogi ang lumiligaw, tawag admirer;

Pero 'pag panget siya na ay stalker.

Bakit ganun?

Kung kailan mo balak mag-diet,

Masasarap na pagkain, bigla nalang sisingit.

Bakit ganun?

Kahit saang angulo kita pagmasdan,

Pangit pa rin ang kinalalabasan.

Bakit ganun?

Kung kailang isang oras nalang bago mag-exam,

Dun ka lang mag-aaral para may alam.

Bakit ganun?

Kapag bibili ka ng damit o sapatos,

Yung gusto mo pa yung agad na nauubos.

Bakit ganun?

"Pag pinapatahimik ang klase,

Saka pa sila mag-iingay. Peste!

Bakit ganun?

Kapag may dala akong payong, hindi umuulan,

Pero 'pag wala... Bwisit naman!

Bakit ganun?

Kung ika'y may hinahanap, 'di makita,

Pero 'pag 'di hinahanap biglang nagpapakita.

Bakit ganun?

Kapag nag-eenjoy ka, ang bilis ng panahong lumipas,

Pero 'pag bored, parang 'di na gumagalaw yung oras.

Bakit ganun?

'Pag may pasok, laging "Sana bakasyon na!"

Pero kapag bakasyon, "Sana pasukan na!"

Bakit ganun?

K. Bakit ganun?

Eh talgagang ganun.

Tula ng Kalokohan CompilationWhere stories live. Discover now