CHAPTER 2

25 3 0
                                    

Lux's POV

From: Theo😍
Hey

From: Theo😍
Lux?

From: Theo😍
Lux, ba't di ka nagrereply?

From: Theo😍
Baby?

From: Theo😍
Sorry, tinawag kitang baby.
Lux, may itatanong lang sana ako

I smiled. Kinilig naman ako sa effort niyang flood text sa'kin. I chuckled. Ganito din kaya siya sa girlfriend niya? I pouted at the thought.

I decided na magreply na sa kaniya.

To: Theo😍
Hi, Theo! Sorry hindi ako nagrereply. Medyo busy lang. Ano palang tanong mo?

Humiga ako sa kama at napapikit. Hihi. Ano ba tong pinasok ko? Para lang makamove on? Seriously, Lux?

Wala pang isang minuto ay nagreply na agad siya.

From: Theo 😍
Hay, sa wakas! Nagreply ka din. Pinaghintay mo talaga ang gwapong tulad ko, ha?

Hihi. I giggled.

To: Theo😍
Gwapo? Saan?

From: Theo😍
Katext mo po siya ^_^

Aba, boys nga naman. Likas na mayabang. Nakangiting nagtype ako ng comeback sa kaniya.

To: Theo😍
Sorry. Di ko alam na joker ka pala😂

From: Theo😍
I'm not joking. Gwapo talaga ako. Check mo pa fb ko ;)

I raised a brow. Ha. Now I know. Ganito talaga taktika ng mga lalake. Hihingiin ang fb account ni gurl tapos titingnan profile pic. Pag maganda, patuloy sa lokohan, pag hindi, iiwan! My, gosh! He's so predictable. I smirked. I guess I should play along with him nalang.

To: Theo😍
Wew. Anong fb mo pala?😏

___

Theo's POV

From: Lux Who Caught My<3
Wew. Anong fb mo pala?😏

"Tss!" Nasambit ko nalang nang mareceive ko ang text niya. Isa na naman to sa paasa moves ng mga babae, eh! Hihingiin fb account ni lalake, titingnan profile pic, tapos pag gwapo, tuloy sa laro. Pero pag hindi, move on to the next target. Psh. I smirked. I guess I should play along with him.

Pinalitan ko na ang name niya sa contacts ko. Then, I replied.

To: Lux💔
tH30w Lvn6ss szhApatS NvAh 👌

Medyo natawa ako sa reply ko. Hindi ko naman yan totoong fb account, eh.

Nagtaka ako kasi natagalan siya sa pagreply. 3 minutes ako naghintay mga 'tol! Aba? Anyare sa paasa'ng yun?

From: Lux💔
Hindi ko makita fb acc mo e😭 sure ka bang ito fb name mo? Ang jeje-_-

"Hahahhahahaha!" Halos gumulong ako sa kakatawa. Naniwala talaga siyang yun ang fb name ko? Seryoso?! Kaya pala natagalan siyang magreply. Sinearch niya pala ako sa fb. Halos mapugto na hininga ko kakatawa habang nagtatype.

To: Lux💔
Haha! Hindi no. Biro lang. Theo ***** talaga fb name ko. Di ko naman akalaing totohanin mo talaga✌

From: Lux💔
Waaahh t*ng*na ka! Alam Mo bang minessage ko lahat ng akala ko fb account mo? 😭 Kahiya akoooo


At tuluyan na talaga akong namatay sa kakatawa. This girl made my day.




THE HARDEST GOODBYEWhere stories live. Discover now