"Hindi pa talaga ako nagugutom," tanggi niya.

Pinanlakihan siya ng mga mata ni Lacey. "Kasasabi mo lang kaya kanina na gutom ka na!"

Umaapela naman ang tingin ni Duncan sa kanya. Inirapan niya ang kapatid nang manulsol ito.

"Huwag mong sabihing nahihiya ka, Ate? Kapatid 'yan ni Kuya Dix, hindi na dapat iba sa iyo."

Pigil ni Melina ang pagdabog na nagpatiuna na siyang lumabas ng entrada ng boutique. Mabilis namang sumunod sa kanya si Duncan.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ng lalaki.

"Kahit saan," tugon niya.

Sa Chow King sila napunta na nasa loob din ng mall. Tahimik lang siyang kumakain at tila nakikiramdam naman sa kanya si Duncan. Panay din ang titig nito sa kanyang mukha.

Hindi na siya nakapagpigil. "You know, it's impolite to stare." sabi niya sa binata.

"Maybe. But, I just can't help it, sorry. Napakaganda mo kasi," sabi naman nito.

She grunted inside her. Pinigil niyang kumain nang mabilis dahil na-trauma na siya nang mabilaukan siya sa harapan mismo ng lalaking ito. Ayaw na niyang mapahiya, lalo pa't nasa publikong lugar sila ngayon.

"You don't like me, do you?' curious pang tanong ni Duncan.

Buo at diretso siyang sumagot. "Honestly, no."

Wow. That was new. There were people that she really disliked but she never admitted it to them. In fact, kahit inis siya sa isang tao ay nakukuha pa rin niyang makisama. But with this man... Ang lakas ng loob niyang kontrahin ito at ipakita ditong inis siya. Nawawala ang sweetheart image niya pagdating kay Duncan!

"Ouch," nakangiting usal ni Duncan na inirapan niya naman. "Puwedeng itanong kung bakit?" hirit pa nito.

Bumuntonghininga siya bago sumagot. "Una, nakakainis ang ugali mo. Mayabang ka, madaldal, makulit at malandi pa."

𝑇ℎ𝑖𝑠 𝑖𝑠 𝑓𝑢𝑛, she thought. Kung puwede lang siyang maging ganito ka-prangka sa lahat ng mga taong kinaiinisan niya. But she was old little Miss Sweetheart, wasn't she? Ayaw na ayaw niyang nakakasakit ng damdamin ng iba. Pero wala siyang pakialam ngayon kung masaktan man niya ang damdamin ni James Duncan Rosales. Kung may damdamin nga ang lokong ito!

"Malandi?" Ang lakas ng tawa ni Duncan. "You think I'm a flirt?"

She glared at him. "Yes!" she hissed. "I really seriously think that you're one big flirt," walang gatol pa niyang sabi.

Sumeryoso ito. "Sa palagay mo ba ay nilalandi kita, Melie?"

Hindi sana siya sasagot dahil ayaw niyang magtunog-assuming pero iba talaga ang dating sa kanya ni Duncan. He seemed to bring out her quiescent mean self. Her inner b!tch has coming out to life!

"I think so, yes."

"You are just so amazing, 'you know that?" iiling-iling na sabi nito sa kanya. Hindi ito nag-deny sa alegasyon niya. Totoo ngang nilalandi siya ng lokong ito gaya ng iniisip niya!

"You better stop your BS right now, Duncan," mataray pang sabi niya. "Isa pa, nagdi-date na kami ng kapatid mo, kaunting respeto naman sana doon."

"Hindi pa matatawag na seryoso at pormal ang relasyon ninyo ni Dixon," pang-aasar nito.

"You know what? It's like this, please read my lips." Binigalan niya at pinalutong ang pagsasalita. "I. Don't. Like. You. Kailangan pa bang paulit-ulit kong sabihin iyon sa iyo, Duncan? O isulat sa pagmumukha ko para lagi mong mababasa sa tuwing makikita mo ako? And, oh, please, enough of the flirting already. Dahil sinasabi ko na sa iyo mismo, I won't fall for your charm. Like ever. Ever! Please, pakitatak iyan sa kukote mo, thank you," walang hinga-hingang litanya niya.

Dreamlovers: Duncan And Melina (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now