Dear Diary,
      
             I'm back! So ayun magandang araw khit hindi maganda araw ko.

Bakit?

Dahil nakikipag landian siya sa ibang girls.

Ang sakit no? Secret admirer lang naman ako kaso masakit sa puso kapag nakakakita ka ng ibang babaeng malapit sa kanya.. Na hindi ko magawa.

Buti pa sila ganito
Buti pa sila pinapansin
Buti pa sila nginingitian
Buti pa sila close

Eh kami? Waley! Walang GANAP sa pagitan naming dalawa!

Gusto ko sanang mag paalam ng maayos sa kanya.

Gusto ko siyang gamabalain saglit sa pakikipag usap niya sa ibang babae at gusto kong humingi ng konting minuto para lang Malabar paalam.

Kaso sino nga ba naman ako?

Pano ko siya lalapitan at kakausapin kung di niya naman ako kilala ng husto?

Iniisip ko nalang na kailangan kong lakasan ang loob ko dahil last day nato..

Last day ko na siyang masisilayan.

Kailangan kong lakasan ang loob ko. I should take the Risk. Kahit na alam ko sa puso't isipan ko that I will be rejected by him.

Should I go? Or not?

Pumunta ako ng Roof top para dun mag sulat ng letter.

Mas maganda dun dahil payapa at alam kong walang makakakita sa isusulat ko. Delikado kapag sa classroom ako nag sulat.

Nakapag paalam na ako sa mga kaibigan ko at professors ko na mag t-transfer na ako.

Hindi lang naman kasi siya ang dahilan kung bakit ako mag t-transfer.. Mag ma-migrate na kasi kami sa Japan. Napag desisyunan nila mama na dun nalang din ako kasama sila.

Okay narin siguro na sumama ako.. Gusto ko na kasi maka get over sa punyetang crush ko nayun!  Kaya baka sakaling malibang ako sa japan at makalimutan yung katangahang ginagawa ko dito sa pilipinas para sa kanya..

Dear ****,
     
           Good day sayo my loves! Yieee.. Kinikilig kana ba?? Galing kasi sakin tong letter nato baka lang kinilig ka *smile* hahaha kidding aside..

          Ako nga pala si Emerald, matagal na kitang sinusundan, siguro naman nakakaramdam ka diba? Or talagang manhid ka lang my loves?

          Ang Creepy man sa pakiramdam na nag kagusto sayo ang isang tulad ko. Okay lang sakin kahit na nandidiri kana sa mga sandaling binabasa mo ito. Pero gusto ko lang sanang malaman mo na I am THANKFUL tobe your admirer ****!

             I like you, no.. I already love you even from a far. I will still love you no matter what. Kahit na imposibleng mag kakagusto ka sa isang tulad ko. Basta mahal parin kita.

            Pasensya na kung di kita malapit lapitan ah? Ayoko lang naman kasing matakot ka sakin kapag lumapit ako. Alam ko naman kasing sanay ka lang sa magagandang creatures gaya ng mga kasama mo palaging babae. Alam kong di ako katulad nila. Pero sana kapag nabasa mo ito..

            Umaasa akong hindi ka mandidiri! Kokonyatan kita sa next time na magkita tayo.. Kung magkikita tayo. Kaso imposible siguro no? Ahaha hindi kasi tayo itinadhana. Alam ko rin na hinihiling mo na sana hindi nga talaga tayo ang itinadhana.

            Langit ka lupa ako. Mayaman ka.. Well may kaya din naman kami. Hmmm.. Gwapo ka pangit ako. Charot! Ang dami kong drama..

           Mag iingat ka palagi **** lalo na ngayon na wala ng AKO ang susunod sayo araw-araw para mabantayan ka't masilayan.. Basta mag iingat ka ah? Wag kang mag papaloko sa mga babaeng pera lang habol sayo okay?? Be wise! And I will be happy if you will. Kahit anong desisyon mo tanggap ko.

NAKAKAHIYA KAY CRUSH (DIARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon