1

886 19 9
                                    

Dear Diary,

Ano nga bang araw ngayon? Di na ako mag lalagay ng date noh? Wala ka namang pakielam diary eh!

So ayun nga.. Lunes ngayon jusko Meron akong Japanese class nung 1pm. So inagahan ko ang pagbyahe papuntang school. Kasi nga hindi ko masabi baka mamaya may manong driver na lasing tapos nakabangga and that caused a Road comotion. Kaya inagahan ko talaga siyempre iba na yung ready diba? Tsaka sabi rin ng isa kong prof na kailangan 1 hour earlier ka sa Class schedule mo para hindi ka talaga malelate. So ayun nga.

Hindi ko alam or may sayad lang ba ako sa utak hahaha pero para akong timang na tumatakbo habang nakahawak sa strap ng backpack ko. Inaamin ko guys hindi ako mapayat! Chubby ako. Hindi ako maganda kaya alam kong walang pakielam sakin ang ibang Students sa UNIVERSITY NA PINAPASUKAN KO.

So galing ako sa ground floor at tinakbo at inakyat ko ang mala halaman ng JACK AND THE BEANSTALK na hagdanan ng school. Yung feeling na mamamatay ka na sa pag akyat mo dahil sa FIFTH floor pa naka base ang room ko.

So ayun yung mga madadaanan kong mga estudyante napapatingin sakin ng para bang "hala? Parang baliw lang? Madaling madali lang teh? Tatae kaba?" yung ganern na klase ng tingin? Minsan ang sarap din tusukin ng mga matang mapanghusga ng mga kaschoolmates mo eh.

Tapos nung nakarating ako sa tapat ng room namin naghintay lang muna ako sa gilid ng pader sa labas ng room at tinignan ko ang wrist watch ko. 12:30 pm palang kaya may 30 minutes pa bago mag dismissed ang prof na nasa room na papasukan ko ng 1pm.

Ayun hingal na hingal ako. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa tinakbo yung napakalaking school namin samantalang alam ko naman na may sobra pa akong time. Bopols ko lang no?hahaha

So ayun habang may time pa kinuha ko yung mini notebook ko kung saan ako nag susulat ng notes ko para sa Japanese subj. ko. Minsan kasi pasurpresa yung mahadera kong prof eh bigla bigla nalang papagawa ng sentence or paragraph in JAPANESE! Eh jusko kala mo naman ke galing galing magturo! Hmmp!. Tapos yun na nga review review kuno ako.


Eh nainip ako after 5 min. Parang hindi maka absorb ng kahit ano utak ko edi tinigil ko na pagbabasa. Tsk.. Minsan kasi kapag alam mo nang hindi mo kaya bakit mo pa itutuloy?parang pag amin ko lang yan sa crush ko eh.. Minsan feeling ko kaya kong umamin pero kapag nandyan na siya naku! Parang nanliliit ako kapag itinabi ako sa kanya.

So ayun pumunta ako sa harap ng corridor ng room namin.. Nakita kong nag lelesson sila sa loob. Nung madapo ang tingin ko sa student sa last row ng room nagulat ako kasi nandun si Crush! Kingina! Nandun siya bes! Jusko gusto ko nang mangisay nandun siya! Ngayon ko lang nalaman na ginagamit pala muna nila room namin bago time namin! Omg. Mukhang lagi ko nang aagahan pasok ko masilayan ko lang siya hahahaha. Hays..

Hindi ko alam pero kinikilig ako tapos pinipigilan ko tumili kaya medyo mahina lang tili ko sa loob loob *hmmm! Hmmm!* just like that. Parang ganyan lang maririnig.. Hahahaha kilig talaga ako.

So ayun ginawa ko nilagay ko sa bag yung mini notebook ko. Pasensya na notebook ah? Itchapwera muna kita! Nandyan kasi si kras!

After ko ayusin bag ko. Tinitigan ko siya.. Nakita ko pa siyang nakipag kwentuhan sa kaibigan niya. Nag tatawanan sila peeo mahina lang dahil siguro ayaw mapalabas ng prof. Hahaha. Ang cute niya tumawa. Ewan ko basta bigla nalang isang araw nung makita ko siya sa General assembly namin nagustuhan ko agad siya. I can't say na Love at first sight pero Crush at first sight?

So ayun nakikipag tawanan siya. Bigla nalang ako nagulat ng habang tumatawa siya napatingin siya sakin! Hindi ako assuming mga bes! Tumingin talaga siya sakin! Omg. Siguro na mesmerized siya sa PLUS SIZE KONG KATAWAN hahaha CHUBBY AKO hindi ako maganda.

Kaya naisip kong baka nung nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Feeling ko ang iniisip niya ay "tsk. Kadiri naman. Bakit ba nakatingin sakin ang baboy na yan?" hays.

Mas lalo rin akong namula at nagulat nung tinuro niya ako sa kaibigan niya. Shit ka talaga! Hala baka patambangan niya ako sa tapat ng gate at ibenta sa bilihan ng mga taong binebenta ang lamanloob. Naku kuya! Puro taba lang ako.

So ayun nahiya ako. Nanliit nanaman ako. Siguro kaya niya ako tinuro kasi para ipaalam sa kainigan niya na may isa nanaman silang dahilan para matawa.

Napayuko ako. Syempre hindi ako maganda para mag taas noo at tarayan siya. Siyempre di ko sya tatarayan crush ko siya eh.

Kinalikot ko mga daliri ko habang nakayuko tapos natatarantang kinuha ko yung phone ko sa bulsa at kunyari may ginawa nalang ako sa CP ko para di ako mapatingin sa loob ng room nila.

balak ko marin sana bumalik sa gilid ng pader ng room para sana mag tago kaso baka isipin naman niya at nung kaibigan niya na papansin ako. Kaya pinanagutan ko na yun bes! Na nandun lang ako parang tuod na nakayuko at tayo.

Pero siyempre kung may kahihiyan may darating na savior.

Dumating yung kaklase kong isa! Si beshy! I don't want to mention her name kasi alam kong ultra mega batok aabutin ko sa kanya.


Kinausap niya ako. Buti nalang chinika niya ako nako kung hindi mukha na akong di maireng manok.

(A/N: I want to put some dialogue okeee?? Hahah)

"Oy bakla! May assignment kaba?"tangina may assignment pala sa japanese! Argh

"Hahahaa ako paba? Syempre wala! Mangongopya nalang ako sa katabi ko. Easy breezy lang yun!"

"Kumain kana?"

"Oo naman.."

"Oo halatanga eh taba mo eh.. Mag diet ka beh"

"Tangina neto ikaw beh bakot humahaba baba mo? Hahahaha ingat ka baka makasaksak ka"medyo may kahabaan kasi baba niya pero sexy siya! Ako naman mataba pero chinita. 1/2 chinese kasi ako sa side ng papa ko.

"Gago hahaha. Saksakin kita dyan eh. Aga mong pumasok ah? Sipag!"

"Shunga! Inagahan ko lang trip ko lang"

"Bakit dito ka naghihintay? May klase pa oh. Late naman mag dismissed yang prof nila eh tapos may 10 minutes pa tayo bago mag 1pm"

"Buti naman dumating ka tara upo tayo dun sa gilid ng room"hinatak ko siya at naupo dun. At dun lang ako nakahinga ng maluwag.

After namin mag kwentuhan nag dismissed narin yung prof nung naunang klase sa room namin. Nag sitayuan narin mga kaklase ko sa japanese na naghihintay lang din sa labas ng room para makapasok na sa loob ng room namin.

Pasimple akong tumingin kung nandun pa si Crush sa loob. Malungkot ako kasi di ko sila nakita nung kaibigan niya sa likod banda ng room. So ayun nagtulakan kami ni beshy papasok kaso pasaway at ang harot ni beshy kaya tinulak niya ako gamit yung hips niya. Edi ayun dahil sa taba ko nag bounce ako at tumama ako sa Upuan. Umingay tuloy napalingon ako sa harap ng room.

Putangina

Nandun si crush kasama yung kaibigan niya at nag papacheck ng notes sa prof nila! Futa bes! Akala ko wala na sila sa loob ng room.

Tangina nung kaibigan ni crush! Patagong tinawanan ako! Tapos kinalabit niya si crush tapos tinuro ako. Dumiretso agad ako ng tayo at pumunta na sa upuan ko. Nakita ko pa ang pagngiti ni crush. Pero hindi sakin. Kundi sa kaklase kong babae na kung maka ngiti rin wagas eh! Pabebe?! Pabebe?! Hmmp!

Napag alaman kong sa sobrang famous niya kilala niya pala iba kong kaklase. Maging si beshy kakilala pala niya! Waah swerte ni beshy sa baba niya! Sana hindi niya masksak ng baba niya si crush.

So Diary alam kong first day of kahihiyan ko palang ngayon. Kahit medyo Mild Kahihiyan lang ang nangyari sakin ngayong araw. For me nakakahiya parin yun!

Paalam na muna ngayon araw diary ah? Matutulog na kasi ako. So ayun. Bukas ng gabi ulit mag susulat ako ng panibagong kahihiyan moments dito sa pahina mo diary oke? Hahahaha babush!

- EmeraldGreen

NAKAKAHIYA KAY CRUSH (DIARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon