PARA SA IYO AKO'Y IIBIG PANG MULI

746 39 6
                                    

" PARA SA IYO AKO'Y IIBIG PANG MULI "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER FOURTEEN

" Welcome back doctor Aguillar. We are happy to have you again here in Al - Jazeera." masayang aniya ng may-ari ng pagamutan kung saan nagtratrabaho si Niel.

Actually,  two weeks  na siyang nakabalik sa naturang  pagamutan pero  napag-alaman niya sa mga kasamahan niyang doctor na out of the country  ito kaya't  ng nalaman  niyang dumating  na ito ay agad niya itong pinuntahan sa opisina  nito.

" Thank you  doc and I'm  happy too that I'm  one of your doctors here." sagot naman ng binata saka naupo sa visitor's  chair na itinuro ng doctor.

" Well  everyone  who's  deserving to be part of it we  will give the chance for  them and you are one of them. How's  your  vacation then in your country?" sagot at tanong nito.

Sa narinig ay  napangiti ang binata.  He enjoyed  too much his vacation although wala ang kambal niya na kagaya niya na sa  ibang bansa nakipagsapalaran. Pero  ayun  sa  mga magulang niya'y  malapit na ring itong  uuwi kasama ng grupo nito na sobrang  loyal yata dito dahil kahit sa  ibang bansa ay mas pinili pa rin by mga ito na sumunod sa  kambal niya.

" Well  I enjoyed  it  doc. We had  alot  of  fun  out there  in my home land. By the way I brought for you sir  a hadiya  ( gift )." maluwag  pa rin  ang ngiti na nakabalot sa  mukha niya habang nagsasalita.

Para naman kasi sa  kanya showing and wearing  his smile are his assets.  Mabigat  at mahirap  ang trabaho niya bilang  head doctor ng buong Al - Jazeera  dagdag  pa ang mga makukulit  na ibang lahi  niyang kasamahan at higit sa  lahat ang mga pinaka  pa sa pinakamakulit na pasyente. Pero  dahil tinanggap  niya ang trabahong  iyun ay hinahanaan na lamang niya ang kanyang pasensiya.

" Oh thank you very much doctor Aguillar. Your one of a kind hearted person. Allah  bless  you and your family." hindi matatawarang  kasiyahan ang lumukob sa sarili habang hinaplos-haplos  ang  isang katamtamang  laki  na doctor's  image in figurines style na gawa sa  crystal na sulat na  general director. At sinadya  pa niya itong  ipinagawa sa kumpanyang pag-aari  ng kanilang pamilya o  na namana ng kanyang ina sa mga yumaong magulang. May branch na din ito sa Ilocos Sur  sa  Sta Maria bilang  pag-alala  ng mommy nila sa  dati nitong yaya  na naging yaya  na rin nila. Namatay  na nga lang ito  sa  katandaan.

" Your most welcome doctor." masaya ding sagot ni Niel.

Isa  sa kanyang nakasanayang  buhay ay ang pagiging  masayahin, laging may ngiti na nakabalot sa mukha.  At malaking bagay na rin  iyun sa kanya dahil sa pagiging  palangiti  niya ay nagiging mabait  din ang mundo para sa kanya.

Pero sa kabila  ng kabaitan  niya'y  hindi pa niya alam na ang mga taong pinagkakatiwalaan niya ay sila din ang taong hihila  sa  kanya pababa.

" Epal na naman ang loko. Imagine kadarating  lang ng  big boss nandoon  na naman siya?" paismid  na aniya ni Alfred.

" Sinabi mo pa huh! Ang gago  eh mahilig  mangulekta  ng atensiyon  ng tao. Kundi  lang kagaguhan  ang alam niya." tugon naman ni Bernard.

" Paano kaya natin siya mapapabagsak  'pre? Nakakalalaki na siya eh." muli ay aniya ni Alfred.

Sa  tinuran niyang iyun ay napangiti  si  Bernard bagay na ikinapagtaka  ni Alfred.

" What's  on that smile 'pre? Baka  naman puwedi nating malaman iyan?" tanong nito.

" Kailan ka  pa ba naging slow pare? Tsk!  Alam mo na ang sagot diyan at hindi na dapat tanungin  pa." nakaismid  nitong sagot.

Dahil  hindi agad tumino  sa  isip niya ang tinuran  ng kaibigan  niya ay napakunot-noo  siya.

PARA SA IYO AKO'Y  IIBIG PANG MULITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon