PARA SA IYO AKO'Y IIBIG PANG MULI

1.1K 41 5
                                    

" PARA SA IYO AKO'Y IIBIG PANG MULI "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER FOUR

Tuloy hindi alam ni Whitney kung ano ang una  niyang sasagutin  sa mga nagpatong -patong  na  katanungan  ng kanyang mga magulang.

" I repeat  Whitney Pearl Harden what the hell is going on with you? Kailan mo pa kami  niloloko  ha?" may  kalakasang  tanong ni Yana.

" Mom---....hindi  ko po anak iyan. Gusto  sana niyang sabihin pero muli ay natigilan siya.

" Take her as your own child  besty. Give him your name and make that no one know about his real mom 'cause  your  his mother.  Please." parang sirang plaka  na paulit -ulit na umalingawngaw sa isipan nito  kaya't  natahimik siya.

" What! Will  you speak up Whitney! I'm  asking you so answer me too  in a nice way!" tuluyan ng nagalit na aniya ni Yana.

Galit man siya at busting magkaroon  ng tamang  kasagutan ay  nagawa pa ring sawayin  ni Terrence ang asawa.

" Hon dahan-dahan makapag -usap naman tayo ng hindi ka sumisigaw. Look he's  awaken already and burst into crying." aniya ni Terrence sa  asawa lalo ng pumalahaw ng iyak ang bata.

Agad  namang  bumaling ang dalaga  sa bata at kinarga ito.

" Sorry naman baby huwag ka  ng umiyak. Tahan na baby ko." pagpapatahan ng dalaga saka binigyan ito ng gatas.

Dito  niya napagtanto  na hindi niya kayang ipagkanulo  ang anak ng kaibigan niya. Hinintay  niyang tumahan ito bago muling  hinarap ang mga  magulang.

"  Sorry po mommy , daddy pero iyun po ang totoo. Anak ko po si Kenjie." aniya niya sa mga magulang  na hindi makatingin ng deretso.

Kagaya nga ng kasabihan,  ang magulang ay  magulang , at ang anak ay  anak.  No matter what it happens ay matatanggap  ng magulang  ang anak na nagpapakababang  loob.

" Pero hindi mo naman kailangan magsinungaling anak. Kailan  ka  ba namin hindi sinupurtahan sa lahat  ng bagay?  Kailan  ka namin hindi inunawa?  Hindi naman kami galit ng daddy mo anak pero  ang sa  akin lang ay bakit kailangan mo pang nagsinungaling?" this time ay bakas na sa boses ang pagtatampo ni Yana na sinigundahan  ni Terrence.

" Tama ang mommy mo anak pero  magsisihan  man tayo ay hindi na maibabalik  ang mga bagay na nangyari  na. Ang  tanong nasaan ang  ama ng batang  iyan? Ano ang plano  mo ngayon? " aniya naman ni Terrence.

" I'll  raise him up daddy, mommy. Walang kamuwang-muwang ang batang  iyan para pabayaan na lamang." makahulugang sagot ng dalaga.

" Well ano pa nga ba ang magagawa  namin diyan kundi ang suportahan  ka. Anyway  kaya  naman pala kami napasugod dito  dahil nag long distance ang mommy ni Cassandra at hinahanap ito. It's  been a year na daw pala itong hindi  umuwi  simula naglayas sa kanila dahil sa away nilang mag-ina. Nagbabakasakali lang naman kami na may alam ka about  her and we want to  tell you personally  na hanggang ngayon ay wala pa kaming balita  sa kanya. Baka ikaw may alam kung nasaan ang mga befriends mo." pahayag ni Yana.

Sa  pagkakarinig sa pahayag ng ina at muling sumibol ang galit sa taong umabanduna sa mga ito lalo na ang ama ng batang si Kenjie.

" Lintik  lang ang walang ganti!  Lintik  lang ang hindi ko sila masisingil! Ngayon pa lang  umpisahan na nilang magtago  dahil hahanapin  ko silang lahat!" galit at poot  ang bumalatay sa mukha  ng dalaga habang sinasambit  ang mga katagang  iyun. Iyun  nga lamang ay sa  kanyang  isipan kaya't  pinukaw  ng kanyang ama ang atensiyon niya  dahil hindi  pala nakaligtas sa mga ito ang pagbalatay  ng galit sa kanyang mukha.

PARA SA IYO AKO'Y  IIBIG PANG MULIOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz