Chapter 3: A Restless Dream

1K 33 36
                                    

(Dante)

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

(Dante)

"Ituro mo na kasi kay kuya kung paano gawin 'yan," nasasabik na sambit ni Dante sa limang taong gulang na kapatid na babae habang nakangiting ino-obserbahan ito.

Naka-indian sit silang pareho sa sahig ng sala habang nakatalikod ito sa kanya. Narinig niya pa kung paanong pumilas ito ng isang pahina mula sa notebook na excited na hiniram nito sa kanya bago siya sandaling nilingon at mapang-asar na binelatan.

"Nakita ko na kaya kung paano mo ginagawa. Ayan o, kita ko sa gilid!" panunukso pa niya sa nakababatang kapatid.

"Kuya naman e, andaya mo!" Inis na sabi nito bago nakabusangot ang mukha na umambang papaluin siya ng isang kamay.

"Biro lang naman e. Ang tagal kasi. Naiinip na si kuya."

"Tapos na," masiglang sambit nito. Mabilis itong tumayo mula sa sahig habang pilit pa rin na itinatago mula sa kanya ang hawak.

Excited na umayos naman si Dante sa pagkakaupo sa sahig bago malambing na nagsalita, "Patingin nga ang ginawa ng mahal naming bunso."

Sa halip na lumapit sa kanya ay ihinakbang nito ng paatras ang mga paa palayo. Ilang dipa rin ang inabot nito bago tuluyang huminto at kumaway na tila ba nagpapaalam.

Nagsisimula na siyang maguluhan dahil biglang naging kakaiba ang ikinikilos ng kapatid.

Habang nakatayo nga sa malayo ay dahan-dahan nitong inilabas ang ikinukubli sa likuran. Tulad ng inaasahan niya, isa 'yong bulaklak na ginawa mula sa itinuping papel.

"Ta-da!" sambit pa nito matapos i-angat sa kaliwang kamay ang hawak.

Nanlaki naman ang mga mata ni Dante matapos masaksihan ang mga sumunod na nangyari.

Bigla na lamang kasing nagliyab ang hawak nitong bulaklak na papel at unti-unting gumapang patungo sa maliliit nitong mga kamay. Nakakapanindig balahibo ang eksenang iyon subalit walang kahit anong ipinapakitang emosyon o reaksyon ang kapatid sa nangyayari na para bang hindi nito nararamdaman ang nagbabagang apoy na kumapit na sa manipis nitong balat paakyat sa suot nitong puting damit.

Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, walang ginawang kahit anong aksyon si Dante. Nakatayo lamang siya habang lumuluhang pinapanood kung paanong unti-unting nilalamon ng apoy ang kapatid na hanggang ngayo'y nakangiti pa rin at nakatingin sa kanya.

"Patawarin mo na si kuya," nanginginig na tuhod na sambit niya bago ipinunas ang likod ng palad sa tumutulong luha at uhog dahil sa nararamdamang matinding takot at kalungkutan. Dante looked at his hands and noticed how small they were.

ScarredOnde histórias criam vida. Descubra agora