Entry 61

180 11 3
                                    

DEAR PANGET...

Akin to!

DEAR PANGET...

Tiningnan mo ako ng masama.
"Napulot ko lang yan. Malay ko bang sayo pala yan. Hindi ko na kasalanan na careless ka gamit."
Nagcross arm ka. Ako naman napabuga ng hangin.

DEAR PANGET...

"Chismosa. Sabihin mo, binasa mo to no?!" Dinuro duro kita. Pati ang panget mong pagmumukha. Grrrr. Please panget. Sabihin mong di mo nabasa to kundi lulubog ako sa kahihiyan pag nagkataon.

DEAR PANGET...

"Hindi. Asa ka naman na mag-eeffort akong basahin yan. Ang panget kaya ng sulat mo. Mukhang kinahig ng manok."
Sarkastiko mong sagot. Sinamaan kita ng tingin. Nanlait pa talaga ha?

DEAR PANGET...

Para sa kaalaman mo, mas maganda pa ang sulat ko sa pagmumukha mo.

DEAR PANGET...

"May diary ka rin? How so girly."
Pang aasar mo pa pero di na kita pinansin. Bwisit. Sana lang totoo yung sinabi mong hindi mo to binasa kundi lagot ka sakin.

DEAR PANGET...

Pag-uwi ko ng bahay ay inihagis ko ang
notebook ko sa kama saka humilata.
"Anak! Dinner time na!!" Bumalikwas ako ng bangon pero yung utak ko lumilipad pa rin sa malayo.

DEAR PANGET...

Malamang iniisip na naman kita.

DEAR PANGET...

Agad kong binuksan ang notebook ko
pagkatapos at napabuga ng hangin.
Phew! Akala ko may bakas ng pagbabasa mo. So far, wala pa naman.

DEAR PANGET...

Pero sa kahuli hulihang page halos mahulog ako sa kama dahil sa nakita ko!

DEAR PANGET...

Pusheeet! Akala ko ba di mo binasa at pinakialaman?!

DEAR PANGET...

Fine. Kung di mo nga binasa, sinulatan mo naman.

DEAR PANGET...

Ano tong mga doodles na nakadrawing
dito?!

DEAR PANGET...

Potek! Pinakialaman mo talaga e. Huhu.
Panget humanda ka. Gagawin kong
miserable ang buhay mo.

DEAR PANGET...

Halos malaglag ang panga ko sa mga
nakasulat at nakadrawing sa likod ng
notebook ko.

DEAR PANGET...

Grabe wala akong masabi.

DEAR PANGET...

*facepalm*

***




DEAR ALIEN...

Pasalamat na lang ako dahil hindi mo ako inaasar mga ilang araw na.

DEAR ALIEN...

Sana naman naappreciate mo na ang exotic beauty ko.

DEAR ALIEN...

Tae! Alien ka talaga! Bat ba ang sama mo makatingin sakin kanina? Buti na lang di nakakamatay yang tingin mo. Kundi kanina pa ako pinaglalamayan rito.

DEAR ALIEN...

Ang sama mo rin makatitig kay kuyang
model ng bench. Haha. Insecure ka lang. Pogi kasi sya. Ikaw, pinagkaitan. Blehh!

DEAR PANGET... [COMPLETED]Where stories live. Discover now