Entry 52

280 12 1
                                    

DEAR PANGET...

Ngumiwi ako at kumawala sa yakap mo.
Huwag kang dumikit sakin. Baka
nakakahawa yang kapangitan mo, madamay pa ako.

DEAR PANGET...

Isa na lang uupakan na kita. Buti di ako
pumapatol sa babae. Pasalamat ka na lang dahil babae ka. At isa kang panget.

DEAR PANGET...

Biruin mo? Hinatak hatak mo naman ako
sa Starbucks dahil nagugutom ka?!

DEAR PANGET...

Nakz. Libre mo. Ngayon lang ako nakakita ng panget na rich kid. Meron pala nun?

DEAR PANGET...

Habang umiinom ako ng kape ay
ibinalandra mo sa harap ko ang stuff toy na si Simsimi. Atsaka nagtanong...
"Anong magandang name para sa kanya?"

DEAR PANGET...

Tinitigan muna kita bago sumagot.
"Panget." Kusang lumabas sa bibig ko.

DEAR PANGET...

Nanlaki naman ang mata mo. Why? Wala
naman akong sinabing masama diba? Ikaw at ang stuff toy mo...
Magkamukha kayo. Parehas kayong panget.

DEAR PANGET...

Pagkatapos mo akong panlakihan ng mata ay ngumiti ka.
"Okay. Sabi mo eh. Panget na lang ang
name nya." Sambit mo saka niyakap ang
stuff toy.

DEAR PANGET...

Panget talaga ang ipinangalan mo?! Ang
laki mong timang!

DEAR PANGET...

Sa kalagitnaan ng pananahimik ko ,bigla
namang nagring ang phone mo.
Dali dali kang tumayo saka nag-iwan ng
bayad para sa inorder mong kape.

DEAR PANGET...

Teka saan na naman ang punta mo?

DEAR PANGET...

"I have to go. Hinahanap na raw ako ni
Mama sa school. Patay." Bulong mo saka nagtatakbo palayo. Ako
naman sinundan ka ng tingin.

DEAR PANGET...

Oo nga pala. Nakalimutan ko ang oras kaya di na tayo nakabalik sa school. Sino bang dapat sisihin bukod sa red tide mo? Ahhhh Ikaw siguro. Panget mo kasi eh.

DEAR PANGET...

Pero bago ka pa makalabas ng tuluyan sa
Starbucks ay lumingon ka sa akin at
kumaway.
"Salamat sa time! Nag-enjoy ako!"
Sigaw mo pa saka patakbong lumabas.

DEAR PANGET...

HOY TEKA PANGET!! YUNG SHOULDER BAG MO!

DEAR PANGET...

Ngayon ko lang napagtanto. Malilimutin ka na rin pala.. Hayyy. Grabe. Nasayo na
talaga lahat ng katangian. Lalong lalo na
ang kapangitan.

***

DEAR PANGET...

Isosoli ko na lang sayo bukas yung bag mo. Ayokong habulin ka. Hindi ako naghahabol sa panget.

DEAR PANGET...

"Salamat sa time! Nag-enjoy ako!"
Halos maibuga ko ang kapeng iniinom ko
nang maalala ang sinabi mo.
Nag-enjoy? Ako kasi hindi.

DEAR PANGET...

Hayy anubayan panget.
Ang abno ko na siguro. Hindi ko alam kung bakit kusang kumurba ang ngiti ko nang sabihin mo yun.

DEAR PANGET...

Pasapak nga ako ngayon din.

DEAR PANGET...

DEAR PANGET... [COMPLETED]Where stories live. Discover now