Entry 59

196 14 2
                                    

DEAR PANGET...

"Kanina pa po kayo?" Napakamot ka sa ulo habang nagtatanong kay Mama.
"Actually ngayon lang. Salamat nga pala sa pagbabantay sa anak ko. By the way may naghihintay sayo sa baba. Driver mo ata. Sinusundo ka na." Nakangiting sagot ni mama sabay ngiti ng makahulugan sakin. Grrr. Nagsisimula na syan mang-asar. I can sense it.

DEAR PANGET...

Natataranta kang napasulyap sa wristwatch mo at napangiwi.
"Ohmy.. Hapon na pala. Sige po una na ako. Didiretso pa kasi ako sa studio."
Nanlaki naman ang mata mo saka tinakpan ang bibig dahil nadulas ang dila mo. Si mama naman manghang -mangha sa narinig.

DEAR PANGET...

Sabi na e. Ang daldal mo kasing panget ka kaya narinig na ni Mama ang dark secret mo.

DEAR PANGET...

Na panget ka.
Ayyy mali...
Na model ka I mean.

DEAR PANGET...

Bago ka pa makapag-sabi ng back up alibi ay nagsisigaw na si mama.

"Sabi ko na nga ba iha! Ikaw yung young model sa Fashion Week magazines! Ohmygod! Hindi ko akalaing kaibigan ka pala ng anak ko! Magselfie naman tayo! Anak kuhanan mo naman kami dali!!!" Tili ni mama kaya kapwa tayo napangiwi.

DEAR PANGET...

Yan ang dahilan kung bakit di ko sinasabi sa kanya na ikaw yung idol nyang model.

DEAR PANGET...

Siguro naman nagsisisi ka na sa pagpunta rito sa bahay?

***

DEAR PANGET...

Agad iniabot sakin ni Mama ang dala
nyang camera at ngumisi ng todo. Bwisit. May balak ata syang gawin akong photographer!

DEAR PANGET...

"Pwede ba iha na magpapicture muna
tayo?" Tanong ni mama at um-oo ka
naman. Grrrr. Magsama kayo.

DEAR PANGET...

Hindi ko mabilang kung nakailang shots ang camera sa inyo ni mama. Basta ang alam ko, napakapanget mo pagdating sa picture.

DEAR PANGET...

O ako lang mismo ang panget kumuha ng pictures? Pake mo ba? Diko naman
pinangarap maging photographer. At gwapo pa rin ako kahit anong mangyari.

DEAR PANGET...

Ikaw, may ipapanget ka pa ba?

DEAR PANGET...

"Anak kayo naman ang kukuhanan ko
dali!!!" Sigaw pa ni mama dahilan para
mapangiwi ako. Ako? Magpapapicture
kasama ka? No way.

DEAR PANGET...

Ayokong makasama ang isang panget na tulad mo sa picture.

DEAR PANGET...

"Ayoko Ma. Kayo na lang." Tanggi ko at
tiningnan ka na parang boring na boring.

DEAR PANGET...

Ang weird mo.
Panget pa.

DEAR PANGET...

"Anak naman. Ang kj mo. Ngayon lang to! Ang makasama ang isa sa pinakamagandang model ng Fashion Week magazine!!" Tinakpan ko ang tenga ko sa biglaang pagsigaw ni Mama.

DEAR PANGET...

Sabi ko sayo e. Idol na idol ka talaga nya.

DEAR PANGET...

DEAR PANGET... [COMPLETED]Where stories live. Discover now