CHAPTER 1

32 4 4
                                    

Theo's POV

From: Unknown
Boss, natago ko na ang katawan. Ano na sunod?

Naningkit ang mata ko. Aba, 'langya! Sinong poncho pilato 'to? -_-

To: Unknown
Hu s u?

Pinagtitripan lang ba ako nito? Napakamot ako sa paa.

From: Unknown

BhUzch Kuh? Ikaw ba 'to?

Hala, hala. Jejemon ang gago. I smirked. Siguradong sila Liam at King lang ang nagtetext sakin. Tss. Akala nila di ko malalaman. Huh.

To: Unknown
Sinong BhUzch mo?

From: Unknown
Ikaw ;)

To: Unknown
Luhh

From: Unknown
Jk lungs! Haha. I'm Lux and you are..?

Lux? Taena. Ano na namang trip nito? Wala akong kilalang Lux, ah? Medyo natawa ako. Akala niya siguro babae ako kaya napili niyang lokohin. Isa na naman 'to sa mga Paasa Gang, eh. Tsk, tsk.

I immediately changed his name on my contacts.


To: Paasa Gang member </3
Bro, tigilan mo na ako, ha? Hindi tayo talo. Hindi ako babae, 'tol. Lalake ako, okay? Kung trip mong pagtripan ako, pwes, stop it already dahil hindi eepekto sakin yan! I've been there, bro. Tsk. Delete mo na digits ko. Bye🌵🌵💔

Sent!

In-off ko na cp ko pagkatapos. Nilagay ko ito sa study table ko at nagtungo sa banyo. Pero nagulat ako nang magring ito. Huh?

🎶Nang dahil sa Facebook ay nain-L-O-V-E sa'yo ~🎶

O wag kayo, walang basagan ng ringtone. Pinakialaman ko ba ringtone niyo?! Hindi naman diba? Taena -_-

"O, hello?!"

"Hi.."

Nanlaki ang mata ko. Taena yokonamabuhayemsudeads!

"Sino to?!" Sigaw ko. Babae ang boses mga preh.

"Hi. Grabe naman yung SONA mo. Haha. Hindi naman ako paasa."  Putaena.

"San mo nakuha number ko?!"

"Bakit ka ba nakasigaw?" Nangilabot ako sa boses niya. Sobrang hinhin at mahinahon.

I bit my lip. Shet, ang bakla ko bigla. Jusq. "A-Ah. Pasensya na. A-Anong pangalan mo?"

She laughed. She sounded so angelic, huh? Ako lang ba 'to?
"I'm Lux. What's yours?"

Ang ganda ng boses niya grabe! Parang naiimagine ko ang mala-Anghel niyang mukha.

"T-Theo.. I'm Theo."

"Hi Theo. Nice meeting you."

"San mo pala nakuha number ko?"

"Secret."

"Huh? Bakit ayaw mong sabihin?"

"Secret." Natahimik muna siya saglit. Tapos parang may kaluskos akong narinig sa kabilang linya. "Theo. I'll hung up na, ha? Bye!"

"Sandali! Sino munang--Ay shit!" Halos maihampas ko ang cellphone ko sa pader dahil sa sobrang inis. Shit! Gusto ko pa siyang makausap, eh.

Inopen ko nalang ang contacts ko, then I changed her name from Paasa Gang member </3, to Lux Who Caught My <3

Napangisi ako. Lalo akong kumorni ngayon kesa dati, ah?






THE HARDEST GOODBYEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin