"Lover's Game"

1.4K 56 65
                                    







Mika's POV


"Baliw ka talaga Vic" yan nalang ang tanging nabanggit ko matapos basahin ang sulat nya hindi ko man ganap na maintindihan subalit tumagos pa rin iyon sa aking puso.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na to.

Muling nagbalik sa akin ang lahat, kung ako lang ang tatanungin, ngayon mismo agad agad akong tutungo kung nasaan sya ngayon.

Ngunit may bagay na pumipigil sa akin.

Gustuhin ko mang balikan sya subalit hindi na ako yung Mika na nakilala at minahal nya.

Hindi na ako yung dating Mika na nagmahal sakanya.

Sa loob ng higit isang buwan maraming nangyari sa akin at hindi ko na alam kung pano pa sya babalikan ngayon.

Sigurado ako sa sarili ko na mahal ko siya alam na alam ko yun.

Ni minsan hindi yun nawaglit sa puso at isip ko ramdam ko yun.

Kung gano ito kahirap sakanya mas naging mahirap ito sakin.

Tanda ko pa noon kung gano kahirap para sakin ang bumalik sa pagtatrabaho.

Halos nawalan na ako ng gana mabuhay.

Sobrang nahirapan ako sa bawat pagdaan ng araw sobrang bigat sa pakiramdam ko.

Mas masakit pala labanan ang sakit sa puso mo kesa damahin ito.

Mas mahirap pigilan ang puso mo na magpakatanga kesa maging tanga.

Araw araw akong nakikipag away sa sarili ko na tiisin at wag na syang balikan pa.

Gabi gabi akong umiiyak hindi dahil sa sakit na ginawa nya kundi dahil sa pangungulila ko sa presensya nya.

Sobrang hirap sa akin na pigilan ang sarili ko na mahalin sya kahit nasaktan nya ako ng lubos.

Nagsimula nanaman dumaloy ang luha mula sa aking mga mata hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga panahon na sinubukan kong kalimutan sya.

Flashback..

Mabilis kong tinalikuran si Vic hindi naging madali para sa akin ang pag iwan ko sa kanya halos hirap na hirap akong ihakbang ang aking mga paa upang tuluyang iwanan sya.

Kailangan ko kasi buohin ang nasirang parte ng pagkatao ko, sa totoo lang may galit pa rin sa puso ko at hanggang nararamdaman ko ito hindi ko mapapalaya ang sarili ko sa mga nangyari.

Unang araw ko na wala sya, sobrang nababagot ako nagresign ako sa trabaho para hindi nya sundan hindi ko pa rin mapigilang umiyak sa tuwing maalala ko sya.

Sa totoo lang, hindi ko talaga sya kaya tiisin parang may hindi maipaliwanag na pwersa ang humhila sakin pabalik sakanya pero kailangan ko labanan ito.

Dumaan pa ang ilang araw umaasa ako na magpaparamdam sya, na gagawa sya ng paraan para makita o tawagan man lang ako, pero naalala ko na nagpalit na nga pala ako ng number kaya malabong makontak nya ko at hindi nya rin ako makikita dahil lumipat ako ng bahay pero kung sakali man na makipag ayos sya sa akin walang ano-ano tatanggapin ko sya yayakapin ng mahigpit pero nagdadalawang isip pa rin ako at sa estado ngayon mukhang malabo naman na magparamdam pa sya.

Maya't maya akong tumitingin sa cellphone ko nagbabakasali na makakatanggap ako ng tawag o text man lang subalit wala pa rin, kilala ko kasi sya kung gugustuhin nya mahahanap nya ako at malalaman nya kung nasaan ako, pero wala ni anino nya ang nagparamdam sakin.

Sobrang hirap para sakin ang padaainin ang bawat araw na wala sya.

Masyado akong nasanay na kausap sya, sobrang ramdam ko na ang pagkaburyo ayoko pa sanang magtrabaho pero kailangan na, ng sa ganun ay makalimutan ko sya kahit pano.

"My Bedmate"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon