"A Flight to Remember"

4.7K 57 28
                                    










MIKA'S POV








Hindi ko napigilan ang sarili ko na umamin kay Vic tungkol sa nararamdaman ko para sakanya na ilang buwan ko na rin na pilit na itinatago.

Kasalukuyan kaming magkatabi habang naka'higa, naka'unan ako sa braso nya naka'titig lang ako sa ceiling hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pag amin hindi ko na kasi kaya pang magtago..

"Mika?" tawag nya sakin mabilis akong tumagilid at lumingon sa kanya

"Alam ko, nabigla ka sa sinabi ko" saad ko habang nakatitig lang sa mga mata nya

"Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na to Mika"

"Vic matagal ko na itong itinago at pinigilan, ilang beses na kitang sinubukang iwasan, ilang beses kong pinilit kang kalimutan, hindi ko na kasi kaya pang magtago, kahit pa sinabi mo noon sa akin na hindi ako pwedeng mahulog sayo bago pa man tayo umabot dito ay hulog na hulog na ako"

"Oo sinabi ko sayo noon na wag kang mahuhulog sa akin, kasi masasaktan ka lang, iiyak ka lang pero sa pagkakataong to parang nag iba ang tingin ko sayo nakaramdam ako na gusto kitang alagaan at protekhan gusto kitang maging masaya at ayokong makita kang umiiyak lalo na at kung ako ang dahilan"

"Anong gusto mong ipahiwatig sa mga ikinikilos mo? At sa mga sinabi mo sa akin ngayong gabi? gusto kong malaman kung ano ang gusto mong mangyari?"

"Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari. Gusto kita Mika. Sigurado ako sa nararamdaman ko para sayo, baka nga mahal na din kita e, kaso natatakot pa rin ako sumubok pumasok sa commitment baka hindi ko kayanin at masaktan lang kita sa huli" bakas sa kanyang mata ang sincerity at ang pagkabagabag, hawak nya ang aking kamay at binigyan ito nga magagaan na halik

"Vic hindi ko alam kung bakit at kung saan ka natatakot, pero gusto kong malaman mo na nadito lang ako. Kaya kong maghintay hanggang sa magkaroon ka na ng sapat na lakas ng loob para pumasok sa isang relasyon" saad ko at binigyan sya ng isang magaan na halik sakanyang labi

" Mika gusto kong malaman mo, kung bakit ako nagkaganito, dati na akong nagmahal ng sobra na higit pa sa lahat, subalit ako ay nabigo at nasaktan lang. Kaya nangako ako sa sarili ko na hindi na ako muling magmamahal at papasok sa commitment, alam ko sa sarili ko na iyon ang gusto ko, pero nagising nalang ako isang araw nagulo na ang aking isipan dahil sayo, tulad mo sinubukan kong balewalain ang kakaibang nararamdaman ko, sinubukan ko din itong pigilan, yun nga lang hindi kita kayang iwasan, hanggang sa hindi ko namalayan na unti unti na kitang nagugustuhan, nabalisa ako nung nalaman kong may nakaka'usap ka dun sa gym nagseselos ako, kaya nga umuwi ako kasi hindi ko na matiis na iniiwasan mo ako" nakita ko naman na nalungkot sya, para syang bata na nagtatampo umiwas na sya ng tingin marahil ay nahihiya syang umamin tungkol sa nararamdaman nya

" hahaha bakit mo naman naisip yan malamang kausapin ako non e gym instructor yon wag ka ng magselos jan cute mo" saad ko habang dumapa sa ibabaw ng dibdib nya at binigyan ko sya ng maraming smack sa kanyang ilong at labi dahilan para ngumiti sya na parang kinikilig hahaha ang cute nyang tingnan..

"Miks pwede bang ipagpatuloy naten ang meron tayo ngayon kahit na hindi pa tayo? Hanggang sa maging handa ako ng lubos" seryosong saad nya habang nakatitig sakin alam ko mahirap para sakanya to mahirap din naman sya pilitin na maging kami kaya kahit malabong usapan ang pinupunto nya pwede na rin, may panghahawakan na rin ako kahit pano wala rin namang pinagkaiba sa setup namin ngayon

" ahh so gusto mo MU lang muna tayo?" tanong ko sa kanya habang nilalaro ang ilong nya

"oo sana kung ok lang sayo?"

"My Bedmate"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon