"Humanda ka sa'kin mamaya." bulong ko pero parang narinig niya ang bulong ko.

"'Wag naman, babe! 'Yan ang kahinaan ko eh!" aniya. Teka ano ba'ng nasa isip niya? Na pagsasamantalahan ko siya mamaya? Tsk. Umigting ang panga ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nanggigigil talaga ako.

***

"S-sino 'yung k-kasama mong babae kanina sa kotse mo?" mariin kong tanong dito sa may park. Parang naiiyak na nga ako dahil baka niloloko niya lang ako. Napasinghap naman siya.

"Pinsan ko 'yun. Si Bella." nakangisi niyang sagot.

"Sabay kaming umuwi mula Canada. Gusto niya raw magbakasyon dito." dugtong niya. Napaawang na lang ang bibig ko. Gumaan na rin ang pakiramdam ko. Pinsan niya lang pala. Haist!

"Nagseselos ka ba? Pinsan ko 'yun. 'Di kami nu'n talo. Hahaha!" tawa niya.

"Nakakainis ka!" sabi ko sabay hampas sa dibdib niya. Niyakap niya naman ako nang mahigpit at hinalikan bigla ang pisngi ko.

"Mamasyal tayo bukas sa Konoha." sambit niya.

"Saang Konoha?" kunot-noo kong tanong.

"Sa probinsya n'yo?" sagot niya.

Tsk. Naruto talaga.

"Sa day-off ko na lang." sagot ko.

Parang nakaramdam naman ako ng excitement.

***

"Ba't mo ba gustong bumalik doon?" tanong ko habang nakasakay na kami ng barko.

"Na-miss ko lang ang lugar kung saan tayo unang nagkakilala." aniya.

Matapos ang mahigit dalawang oras naming byahe sa barko ay narating na namin ang lugar kung saan ako lumaki. Na-miss ko ang lugar na 'to. Parang kailan lang.

Pinagmasdan ko ang dagat at malalim na lumanghap ng sariwang hangin.

"Gusto kong pumunta doon!" turo niya sa isang maliit na isla.

"Ah, okay."

Nanghiram kami ng bangka kay Mang Kanor para puntahan namin ni Xander ang isla. Nagdala na rin kami ng pagkain para mag-picnic. Sa totoo lang, hindi pa ako nakakaapak sa islang 'yan kahit isang beses.

Natungo na nga namin ang isla Halaton at pinagmasdan namin ni Xander ang paligid. May apat na punong niyog at puting-puti ang buhangin.

Tahimik lang si Xander na nakatingin sa malayo. Tanging paghampas lang ng alon at ihip ng hangin na humahampas sa puno ang aking naririnig.

"Mandy!" tawag niya at nakita kong seryoso siya. Parang may gusto siyang sabihin pero 'di niya masabi.

"Salamat sa paghihintay mo sa'kin na maalala kita." aniya. Nakatitig lang ako sa kanya at ramdam ko ang sinsero niyang mga tingin.

"Akala ko si Hiro ang pipiliin mo noon. Hindi ako makapaniwala na dumating ka at ako ang pinili mo." aniya habang nakatitig pa rin sa'kin.

"Gusto ko na talagang itanong 'to sa'yo." patuloy niya saka bumuntong-hininga.

"W-will you m-marry me?" tanong niya na ikinabilis ng kalabog ng puso ko. Parang gusto ko ng sagutin ang tanong niya. Pero syempre pakipot muna ako. Parang maluha-luha ako nang masabi ko na ang sagot ko.

"Ah-eh-ah... yes!" nakangiti kong sagot.

"T-talaga?" tanong niya at tumango ako. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Yes! Yes! Wooh!" sigaw niya at hinalikan ako.

Ramdam ko ang malambot niyang labi sa labi ko. Uminit naman ang pisngi ko sa paghalik niya.

"I love you." nakangiti niyang sabi.

"Te amo." nakangiti ko ring tugon.

"Je t'aime." sabi niya. Wow, French 'yun ah! Oh sige, paubusan kami ng lenggwahe.

"Te quiero." sabi ko rin.

"Aishiteru." aniya.

"Saranghae." ngiting sabi ko.

Napakamot naman siya ng ulo at mukhang nag-isip.

"Mahal kita." ngiting sabi niya rin.

"Ang daya mo naman." irap ko.

"No language can describe my feelings to you." sabi niya pa.

Naks!

Hinila niya naman ako papunta sa tubig at nagtampisaw kami saka nag-swimming.

'Di namin namalayan na hapon na pala. Nakaupo kami sa buhangin at pinagmasdan na lang ang papalubog na araw.

"Excited na ako sa kasal natin." masiglang sabi niya.

"Umuwi na tayo." anyaya ko sa kanya.

"Teka, teka! Asan 'yung bangka?" tanong ko nang mapansin na wala ang bangkang ginamit namin papunta dito.

"Baka tinangay na ng alon!" kibit-balikat niya.

"Huh? Eh pa'no tayo n'yan makakauwi?" takang tanong ko.

Natawa na lang siya at 'di ko na rin napigilang mapangiti.

Tsk! Epic fail ang proposal niya.

***







Strange Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon