It is just a number

Start from the beginning
                                    

Natawa ito.
"Mabuti nga mahal ka ni Calculus, hindi ka iniiwan. Ako kahit ano pang pag-aalaga at pag mamahal ko iniiwan pa din ako. Di bale, ga-graduate kana naman this year. Hindi kana magmumukhang haggard" kinumpara pa talaga nito ang love life sa subject niya. Inirapan niya ulit ito.

"Haggard? Sinong hindi ha-haggard kung hindi mo ako pina kopya?"

Sumimangot ito.
Hindi niya ito pinansin at inubos nalang ang natitirang pagkain. Classmate sila sa Calculus ngayon, nag advance ito ng subject kahit next sem pa dapat ito mag ca-calculus para daw may kasama siya. Accounting Technology ang kurso nito at 2nd year palang. Nainis siya kanina dito kasi hindi siya pina kopya. Tinalakan tuloy siya ni sir.

Nakatingin lang ito sa kanya as his lips twisted a little,  hiding his smile. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Nginingiti-ngiti mo jan?" Hindi ito umimik sa halip ay ngumuso, nginu-nguso siya. Ano na namang gusto nito?

"Ano? Romantic move ba yan? May pagkain sa gilid ng labi? Ano?" Naaasar na tanong niya rito.
Ngumuso ulit ito sa kanya at natawa na sa sinabi niya.

"May muta ka. Gusto mo ako na kumuha para romantic parin?"

Sa narinig ay lupipad ang kamay niya sa mesa upang abutin ang tissue at ipinahid sa mata.
Lumakas ang tawa ng lalaki na ipinagtaka niya. Kumunot ang noo niya ng mapansing kakaiba ang texture ng tissue,  magaspang iyon at kakaiba ang amoy.
Napatingin siya sa hawak only to find out that it was the fifty peso bill from the counter. Heat rise up her face as he is ridiculously laughing his heart out.
Ibinato pala niya ang tissue dito kanina na ngayon ay hawak-hawak  nito.
At pinagtatawanan pa talaga siya!

Bwisit.

Ibinato niya dito ang perang hawak "mamatay ka na Dabinio! Paki sabi kay Tita CONDOLENCE! Yawa!" padabog siyang umalis.

Bwisit na yun. Naturingang boyfriend wala namang silbi. Pinagtawanan pa siya! Nakakagago lang. Malunok mo sana yang dila mo nang mamat-

She felt an arm sneaking her waist and a gentle kiss in the back of her head.
"Sorry.. I was immature. Mas matanda ka kaya-"

"Dabinio! Dalawang taon lang ang tanda ko sayo wag kang feeling!" Mas lalo siyang na pikon. Hinarap nya ito na nakita niyang naka ngiwi ito. Ayaw talaga nitong tinatawag ang buong pangalan. Tinaasan niya ito ng kilay kaya napakamot ito sa ulo.

"Galit ka nga. Dalawang beses ng binagsak ang pangalan ko eh. Sorry na Babe, papaligayahin nalang kita. Init-init ng ulo eh, baka naman buntis ka?" Nasiko niya ito ng malakas kaya napa ungol ito. Gago talaga.

"Wala ka pang ipapakain sa anak ko kung mabubuntis ako. Tumigil ka baka mag dilang-demonyo kapa" pinag patuloy niya ang pag lalakad  Sumunod naman ito at inakbayan siya.

"Maxine Babe, 25 na ako at pwedi na akong maging tatay basta ba ikaw ang nanay. At saka may trabaho naman ako. May trabaho ka rin, kaya nating buhayin ang mga anak natin. Gusto ko nga anim na anak, 5 lalaki at isang bunsong babae para marami siyang kuya na mag babantay sa kanya pag naging dalaga na siya. At gusto-"

"Ang dami mo namang gusto. At anim? Tumawad ka naman!" Nakangiti niyang angal. Second courser silang dalawa. Graduate si Dabi ng Agribusiness at siya naman ay graduate ng Psychology at pareho silang may trabaho na. Gusto niya talaga ang history kaya nag aral siya ulit at gusto daw ni Dabi na samahan siya sa pag aaral kaya nag take ito ng Accounting tech kahit nahuli ito ng dalawang taon.

"Hindi ito presyong Divisoria kaya bawal ang tawad" Hinila sya nito pagkatapos.
"Saan tayo pupunta?"

"Paliligayahin ka" And he wink at her.
"Gagawa tayo?" Nakangising tanong niya.

"Oo, gagawa tayo" hinalikan siya nito sa pisngi."Gagawa tayo ng assignment" napasimangot siya sa tinuran nito.

"Dabi!" Tumawa ito.

"Sige gagawa tayo pagkatapos"

"Wow bakit parang request ko pa?"

Tumawa ito at niyakap siya habang nag lalakad. Gabi na pero marami paring tao.

"Dabi yakap na yan, hindi na yan akbay. Mahiya ka, maraming nakatingin" Naka subsob na ang ulo nito sa leeg niya.

"Mamatay sila sa inggit. Wala silang boyfriend na kasing gwapo ko" He chuckled  as he planted small kisses on her neck. Na eskandalo siya!

"Dabi!" Inilayo nya ang mukha nito at tinakpan niya ng pala ang kanyang leeg.

"Tss. Dabi ka ng Dabi. Nasan na ang babe at baby?  Hindi mo na yata ako mahal eh.. ayaw mo nga kay Cali, Dodoy, kenken, MacMac, Tonton at Princess eh." Nakangusong maktol nito.

"Ha? Sino sila?" Bakit nasali ang ibang pangalan sa usapan nila?

"Bakit ka nag tatanong, eh ayaw mo nga sa kanila"

"E sino nga sila?"

"Mga anak mo.. in the future..hehe"

Hindi niya alam kung matatawa siya o ano sa kasama niya. Ganito ang ugali ng isang Dabinio Delegencia. Makulit, kalahating childish at kalahating matured. His attitude and thoughtfulness swooned my heart. Who says a woman should be younger than their man? Love knows no boundary. Age is just a number.
He may not be as perfect as the lead character of the novel I read, he may not be as handsome as bench models I admire, he is enough for me.


She is very lucky to have him in her life. The thought of building a family with him fills her heart with warmth.

Thank you for reading!

-red

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Is Just A Number [one shot]Where stories live. Discover now