It is just a number

43 4 1
                                    

Dedicated to you because once in your life you fell inlove.

Nagmamadaling pumasok si Max sa isang fast-food chain matapos e park ang kanyang motor. Galing siya sa university  at tinakasan ang tumatalak niyang Calculus instructor. Ginutom siya kaka kinig sa mga lessons na hindi yata pumapasok sa utak niya kaya halos banggain na niya ang mga nakakasalubong.
She ordered coke, burger, lasagna, fries and some tuna pie.

Pinagtitinginan sya ng ilang costumer dahil nag iisa lang naman sya pero ang dami niyang inorder. De-nedma niya na lang mga ito. Pakialam ba nila? E sa gutom sya.

Nang makahanap ng bakanteng mesa ay nilantakan agad nya ang dala.

She is almost shaking because of hunger, she didn't eat breakfast and opt to just eat fishballs at lunch kaya sunod-sunod ang ginawa nyang paglunok at halos hindi na gaanong nginunguya ang pagkain kaya biglang nag sikip ang kanyang  lalamunan.

Shit!

Mabibilaokan pa yata sya sa harap ng maraming tao. Dinampot nya ang coke at ininom ngunit sa halip na maibsan ang nararamdaman ay napaubo pa sya.

Tangina.

Pigil na pigil nya ang pag ubo ng malakas at maluha- luha na rin. Hindi na siya halos makahinga.

Lord, mamamatay naba ako? Ang saklap naman ng kamatayan ko. Ang iba namamatay dahil walang kinakain tapos ako kumakain na nga mamamatay parin. Help...

May bilang humawak sa kanya at hinapuhap siya sa likod. Tiningnan siya nito sa mukha only to find out that she is having a hard time breathing. Nagulat ito sa nakita at inalog-alog siya.

"Tangina Max mamamatay ka na ba? Alam mo namang hindi mo pa naipapasa ang calculus! Takte! Take three mo na yun! Maawa ka naman, baka hanggang sa lamay mag di-discuss pa si sir!"

Tanginang lalaking ito.

"Nabilaokan kaba?" Tanong nito.
Ang sarap talagang sipain!

Bigla nalang ito umalis at hindi niya alam kung saan pumunta.

Nasaan na ang tulong Lord? Hahayaan mo nalang ba akong mamatay sa sitwasyong ito? Sa harap nga mga taong ito? Akala ko si Dabi na ang tutulong sa akin pero bakit umalis ito? I swear,  pag natuluyan ako dito mumultuhin ko talaga ang hudas na iyo-"
A lukewarm water was handed to her. She immediately drink it and felt the air filling her lungs.
Iyon pala ang pakiramdam nang nasa kahiya-hiyang bingit ng kamatayan.

She expelled a couple of heavy sighs before glaring at him.

"How do you feel?" Tanong nito na nasa sa tinig ang pag-alala. Sinimangutan niya ito.
"Bakit ka umalis?! Pinatagal mo yung paghihirap ko ah! Kaasar ka" Tumawa ito ng mahina.

"kumuha lang ako ng tubig. Wala kang tubig dito alangan na mang yang coke mo yung ipang-inom ko sayo. Mas lalo kalang mahihirapan, carbonated yun eh" paliwanag nito bago umupo sa harapan niya.

"Nakita mo ba siya?" Nagtaka naman siya sa tanong nito.
"Sino?"
"Si Taga Sundo" sinipa niya ito sa ilalim ng mesa.
"Wala ka talagang kwenta" binato niya ito ng tissue.

"Ito naman, bininiro lang eh. Sorry na"
Inirapan niya lang ito.

"Galit ka ba? Bakit mo'ko iniwan kanina?"

"Hindi ako galit. Gutom ako. Na banas ako kay Prof kanina, ang daldal. Porque ba take three ko na saulado ko na ang mga formula? Kaya nga inabot pa ng take three kasi mahirap intindihin. Bakit ba kasi prerequisite  ang calculus ng Philosophy of History? Anong konek dun? Kaya nga ako nag take ng BA History kasi akala ko walang math. Wala namang masyadong math dati nung nag Psychology ako ah?Ano bang ginawa ko dyan sa math at ayaw akong tantanan? Inubos na niya lahat ng summers ko simula pa nung first year ah" reklamo niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Is Just A Number [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon