Chapter Twenty-Two: The Contract

Start from the beginning
                                    

Binasa ko ang kung anong laman ng papel na iyon.

Pumunta ka mamayang Recess sa stock room. May mga dapat pa tayong tapusin. Hindi pa kasi tayo tapos sa CONTRACT. Kilala mo na siguro kung sino ako.Have a good day ahead!

Napa-lunok ako. Agad kong tinupi iyong papel at saka linagay sa palda ko nang biglang magsalita si christopher.

“May balak ka bang sagutin yung mokong na iyon?”

“Sino?”

“Aba, nagtanong ka pa.” Kinuha ko na yung mga libro na kailangan ko.

“Hindi naman siya nanliligaw, Christopher.” Sinara ko yung locker ko at saka tumingin sa kanya.

“Talaga lang ha?!” Tinaasan ko siya ng kilay bago isara yung locker ko.

“Talaga.” Sagot ko. At sabay na kaming pumunta sa classroom. Katabi ko pa rin si Aria.  At doon parin si Christopher kay Vinea. Mas maganda na siguro iyon. Kailangan ko rin mag-seryoso sa pag-aaral, at ang isang madaldal na katulad ni Christopher ay hindi makakatulong sa akin.

Masaya, masaya ang start ng klase. Bakit? Kasi ang pinaka-pelo lang naman na adviser ko ay...mabait na sa akin. Tinatawag niya ako tuwing recitation. Maganda ata gising niya, kasi iba ang aura niya.

“Why so active, Ms. Haleco?” tanong pa nga niya ng naka-ngiti. Tumingin ako kay Christopher at nag-ngitian lang din kami.

“Okay, I’ll leave you with and assignment on page—“ kukunin ko na sana yung ballpen ko na nasa bulsa ko, nang bigla kong maramdaman yung isang papel na naka-fold. Yung saya na nararamdaman ko kanina habang nagre-recite ako, na-drain lahat. Binalutan ako ng kaba. Tungkol doon sa Contract namin ni Daniel... bakit ba ako natatakot sakanya?

Teka nga Julia, hindi ka natatakot. Mali iyan e. Nape-pressure ka lang siguro sa agreement ng Daddy mo kaya...kaya ganyan ang nararamdaman mo kay Daniel, na parang ayaw mo siyang harapin. Kasi alam mong...alam mong isa lang siyang...destruction! tama! Isang destruction lang si Daniel. Kaya naman, iset-aside mo nalang siya. Or better, tapusin mo na lahat ng unfinish business mo sakanya. Tama...yun na nga. Iyan ang sinasabi ng sarili kong utak sa sarili ko.

“Julia, tayo nalang ang partners sa Research project ni Sir?” ang tanong na iyon ni Aria ang nagpabalik sa akin sa realidad.

“A-ah. O-oo. Sige.” Ngumiti nalang ako sakanya. Napahawak ako sa ulo ko. Grabe. Ibang klase ang effect sa akin ng mga bagay na nangyari for the past few days, tungkol kay Christopher, Daniel, Enrique, kay Dad...sa lahat ng tao. Parang ang hirap i-register?

“Okay ka lang ba, Julia?” tanong ulit ni Aria sa akin.

“Ah, Oo naman. Okay lang ako.” Pinilit ko ulit ngumiti.

Daniel’s POV

“Pare, ano naman iyang buhat-buhat mong malaking paperbag? Patingin naman ng laman. Pagkain ba?!! Pahingi naman.” Pagdating ko palang ng classroom, iyan na agad ang bungad sa akin ni Paolo.

“kahit kailan talaga, mukha kang pagkain!” inilayo ko sakanya yung paper bag.

“Okay na yung mukhang pagkain, at least sexy pa rin.” Pagmamayabang niya.

“Edi ikaw na ang nag-gi-gym.” Sabi ko sakanya habang linalagay yung bag ko at paper bag sa upuan ko.

“Patingin na kasi. Hindi ako nag-almusal kanina e.”

“Hindi nga iyan pagkain! Ano akala mo sa akin? Kailan pa ba ako nag-baon ng pagkain?!”

“E malay ko ba! Ito talaga!” hindi na ako sumagot pa, kakagaling ko lang sa locker ni Julia. May naisip na akong paraan. Gusto niya akong iwasan? Wala siyang magagawa.

My Lucky BoyWhere stories live. Discover now