Jessica Miyuki Valdez
"Ma, aalis lang po ako sandali," pagpaalam ko kay Mama habang tinatali ang sintas ng sneakers ko.
"Saan ka pupunta?" tanong ni mama galing sa kusina.
"Bibili lang po ako ng materials para sa school festival namin," sagot ko naman. Ako kasi ang na-utusan na gumawa ng designs. Well hindi naman sa pagmamayabang pero I'm good at arts.
Ang nakaka-inis lang, sa akin na umasa ang mga kaklase ko! Nakakabanas lang! Wala ngang gustong tumulong sakin kahit isa eh!
"Ate, pwedeng sumama?" singit naman ni Jassie na nanood ng TV sa sala.
"Di pwede, tulungan mo na lang si Mama. Ma alis na ako," sabi ko at dali-daling lumabas ng bahay. At nang makalabas na ako, sumilip muna ako baka sumunod si Jassie sakin and I sighed in relief nang hindi sya lumabas ng bahay.
Buti naman at di na nagpumilit ang batang yun, kapag sinama ko kasi yan ubos ang pera ko! Kung saan saan na lang tumuturo at kung di nabibili ang gusto nya nagmamaktol, nakakahiya tuloy.
Kaya no matter what happens iniiwan ko talaga sya sa bahay. Ila-lock ko sya sa kwarto kung kinakailangan!
Pumara na ako ng taxi at in no time, andito na ako sa harap ng mall. Dumerecho na ako papunta sa school supplies at bumili na ng mga kakailanganin.
Kaya nga ayaw kong may makaalam na marunong din ako sa arts eh, sa mga ganitong bagay sa akin na napupunta lahat ng trabaho. A few months have passed at School festival na nga pala namin next week, ibig sabihin outsiders are allowed kaya makakapag-boyhunting ako! Oh yeah!
It’s my first time to join School Festival in Maxwell University since transferee ako. At dahil mayaman ang paaralang pinapasukan ko, may nakapagsabi sakin na sobrang saya daw tuwing School Festival.
It would last a week and it means were free from studying! Makakapahinga na din ang mga utak namin. And since the president of the Student Body Officers wants the best to all of us, nag-meeting ang lahat ng presidents na gawing sobrang bongga ng booths!
And I heard they’ll invite Phantom Beat and Angel Strings to play on the festival! Nakaka-excite lang!! At dahil demanding ang president namin, kailangan kong gawin ang best ko dito sa lecheng designs na’to. At buti naman, binigyan nila ako ng pera!
Natapos na akong magbayad at tinignan ko ang wrist watch ko. 10 am pa pero wala naman akong gagawin dito kaya uuwi na lang ako. Lalabas na sana ako ng mall ng may tumawag sakin kaya napalingon ako.
"Troy?" tanong ko sa sarili ko nang makita ko si Troy na kumakaway sakin sa loob ng Jollibee, sinesenyasan nya akong pumunta dun at sinunod ko sya. Baka kasi may sasabihin sya sakin eh.
"Ano?" tanong ko sa kanya nang makalapit na ako.
"Umupo ka kaya muna?" Sabi nya kaya umupo naman ako sa tapat nya.
"Ano bang kailangan mo?"
"Tinatawag lang kita may kailangan na agad?"
"Eh bakit mo'ko pinapunta dito?"
"Join me, ano bang gusto mong kainin? My treat."
"Tss wag na, di ako gutom," sabi ko lang at itinukod ang isang siko ko sa mesa. Baka mamaya may kapalit na naman yan.
"Ayaw mo? edi wag." Tumayo na sya at lumabas kaya sumunod ako. Tinawag-tawag pa ako wala naman palang kailangan!
"Wala ka ba talagang kailangan? Uuwi na ako." I said as I matched his speed.
YOU ARE READING
Embracing Death ♕ What Are You?
Vampire[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...
