EYES 16

220 1 0
                                    

Nash💚

Magkasama kami ngayon nila Brace dito sa bahay namin.Ewan ko ba sa kanila pumunta pa dito nabulabog tuloy ang tulog ko.

"Ano bang dahilan at nagpunta kayo dito aber?"

"Namimiss ka kasi namin alam mo ba yun."Si Brace at may pag-arteng malungkot.

"Namimiss sus ako'y tigil-tigilan niyo,gusto niyo lang makikain"Sabi ko at pinagbabato sila ng unan.

"Oy ano ba Nash tama na!,MASAKIT"Sabay-sabay nilang sabi tumigil namn ako hahaha.

"Sige na!Oo na!namimiss nga namin yung pagkain dito pero miss ka na rin naman namin di'ba"Sabi ni Joaquin at niyakap nila kong lahat kadiri talaga 'tong mga 'to😅.

"Bakit niyo sinasaktan ang Kuya ko hah"Sabi ni Chloe nandito pala 'to.

"Chloe hindi ano kasi....."Hahahah takot pala 'tong mga 'to kay Chloe para talaga siyang si Sharlene 'pag galit nakakatakot pero cute pa rin.

"Ano Nash...."Siniko ako ni John

"Hahaha wala pala kayo kay Chloe ih"lumapit ako kay Chloe at sinabing"Hindi nila ko sinasaktan baliw lang talaga sila"

"Talaga Kuya?" Pananantiya ni Chloe.

"Oo"sabi ko ng may pagtango pa

"Sige Kuya basta 'pag sinaktan ka nila alam mo na hah"sabi ni Chloe ng may pagtaas-baba pa mg kilay.Ang sweet talaga nitong bulilit na'to.

"Alam ko.Pero bakit andito ka?"

"Kasi Kuya pinapatawag kayo ni Mommy maglalunch na daw"

"Talaga?"sabi naman ng apat na kumag

"Namiss daw ako eh noh pssshh....Sige na tara na sa baba ng makakain na kayo at magsilayas na kayo dito."

"Grabe naman hindi pa kami lalayas may gagawin pa tayo"-Grae

"Sige Bahala kayo"

Nagpunta na nga kami sa kusina at sakto nakahanda na ang pagkain at ang ulam namin ay sisig.Paniguradong masarap 'to luto ni Mommy eh.

"Oh halina kayo magsikain na tayo"-Mommy Neth

Mas mabilis pa sa alas kwatro 'tong mga 'to mga walanghiya djk.Pero seryoso nung unang punta nila dito kala mo mga dalagang mahihinhin ngayon wala na hahahah.Atsaka sanay na rin naman sila kay Mommy parang itinuturing na rin nilang Mommy si Mommy at ganun din si Mommy imbes na dalawa lang kami,naging anim na.

"Tita Neth grabe sobrang namiss namin 'to"-Joaquin

"Oy nandamay ka pa.Mahiya ka nga Joaquin.Pero mukhang masarap nga Tita mapaparami kain ko nito"-Brace

"Manahimik nga kayo jan pwede.Huwag niyo na ho silang pakainin akin na lang ho 'to"-Grae

"Ang kakapal ng mukha niyo!Tiat pwedeng magtake out?"-John

Hahaha kahit kailan talaga 'tong mga 'to nagpasahan pa eh pare-parehas namang makakapal ang mukha.

"Mga baliw kayo hahah.Sige na kumain na lang kayong mga bata kayo."-Mommy

Yan na nga nag-umpisa ng magsilagutukan ang kubyertos at mga pinggan.

"Grabe sobrang Thank you talaga Tita.Ang sarap"-John

"Oo nga Tita Heaven"-Grae😅

"Busog na busog ako grabe Thank You Tita"-Joaquin

"At lalong masarap kasi libre hahahaa"-Brace

Tinawanan lang sila ni Mommy wala eh sanay na.Pero ako pinagbabatukan ko sila hahaha sama ng tingin nila sa'kin.

Umakyat na kami sa kwarto at nagpababa muna ng kinakain kasi magbabasketball daw kamin.Nakatulog naman ang mga mokong kata naisipan kong lumabas muna sa may sala at magpatugtog.

When You Look Me In The EyesWhere stories live. Discover now